Muka namang wala nang paraan para magka-ayos kami ni Lovely kasi kahit anong pag-suyong gawin ko'y wala paring kwenta. Dibale na nga, hindi kona din muna sya papansin. Ako nalang lage yung habol ng habol eh, nagmumuka nakong putanginang gago dito.

.

.

.

.

.

Kagabi, halos hindi ako makatulog sa kakaisip kung papayag ba akong magpatulong kina Jarvis at Kyle. Kilala nila kasi ang ahas sa Vigillante na hinahanap ko ngayon; kung hindi ako magpapatulong, hindi ako madadalian hanapin at huntingin sya, tapos wala padin silang magagawa para mayaya ako. Kung papayag naman ako, magiging madali ang lahat. Kaso hindi sila titigil hanggat hindi ako kasali sa grupo nila, kahit alam nilang ayoko na sumama pa muli.

Dahil kay Sherwin Valencia, nabunyag ang mga lihim namin. Yung tahimik ko na buhay, tangina binahiran nya ulet ng ingay. Pagbabayaran nya ang ginawa nyang to, pooooooooooooooooootangina nya.

Gago sya puta, shet.

.

.

.

.

.

Ngayong araw na to, sana magkita.kita muli kami nina Jarvis at Kyle para malaman nilang payag nako sa hiling nila.

Kaso pagpasok ko ng eskwela ng mga bandang 10:30 AM, may grupo ng pulisya at imbestigador nun. Madami ding nagkalat na estudyante nun na para bang may takot silang nararamdaman. Andami ko ding naririnig na tsismisan ngayon, at hindi rin agad ako pinapasok nun kasi hindi pa daw pwede.

"May dalawang estudyanteng natagpuang patay ngayon sa kanal papuntang covered court, karumal-dumal tingnan tapos para bang basta nilang sila tinapon dun. Tadtad ng saksak yung dalawang estudyante. Bawal muna kayo pumasok kasi lahat ng tao di to sa loob ay suspect" -ManongGuard

"Pinatay?! Hala?! Sino po yung dalawang pinatay?!?!?"

Gulat na gulat ako nang malaman kong may pinatay sa loob ng paaralan. Nako, yari ang management ng eskwelahang ito, pati nadin tong si manong guard na hindi nag iinspect ng gamet. Bulok ata siguridad dito. Pinatay sa saksak? putcha may nakakapagpasok ng deadly weapons dito.

.

.

.

.

.

Ilang oras narin akong naandito sa labas, puro parin tungkol sa dalawang taong pinatay yung pinag-uusapan nila. Meron nang dumating na taga-media dito sa school para ibalita itong insidenteng ito mamaya. Wala akong maka-usap non, hanggat sa dumating ang part-timer naming professor sa accounting na class namin dapat ngayon na si Ms. Imee Montefrio, 26 years old at ang pantasya ng bayan sa school ngayon. Pano ba naman kasi andaming nagkaka-crush sa kanyang estudyante; kasi maganda, cute, matalino, mabaet, humble, multi-talented, sexy at dati pang champion sa nakaraang beauty pageant sa bayan nila.

Para madali mong maimagine kung sino sya, imaginin mo nalang na para syang si 'Gretchen Fullido', yung showbiz reporter sa TV Patrol. Hawig nya eh, mga 85%...

"Mukhang wala na tayong class ngayon huh?" -Ms. Imee

"Kaya nga po eh, may dalawang po dawng pinatay sa loob ng campus" -Ako (Kristoff)

"Kya nga eh, usap-usapan nadin dito yan. Grabe, napaka walang puso naman ng taong gagawa ng ganyan sa kapwa nila" -Ms. Imee

"Kya nga po eh" -Ako

My Trashtalk Love (NAGBABALIK 2017!)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!