"I know" maiksing sagot niya.


"You are nice Aldus, ideal type but..."


"Yes, there's always 'buts' Warden. Alam ko na ang sasabihin mo and I don't want to hear it please but can we try atleast? Can you try? I can wait" hinawakan niya ang kamay ko, tiningnan ko lang 'yon.


"Aldus.." bahagya akong umiling.


"I don't want any continuous misunderstandings; you used to be very close. Nero and you, 'yong bond nyong magpipinsan alam ko na sobrang tibay non simulat's sapol dahil 'yon ang iminulat sa inyo ni LG, ayokong sirain 'yon "


"But I can feel that..I'm starting to ruin it"


"No!" tutol niya.


"Can I ask Aldus?"


"Yes, what is it Warden?"


"Bakit ako? Are you really in love with me? How?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Bahagyang ngumiti si Aldus pero hindi man lang ito umabot sa kanyang mata.


"You know Warden, I can answer your question with a kiss but for sure you'll slap me"


"Aldus. I'm sorry but you can't love me..." mahinang sabi ko. Nanatili siyang tahimik at nakikinig sa akin.


"And I can't love you because.... I'm inlove with your cousin. I'm in love with Nero Ferell" nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Mga ilang minuto rin niya akong tinitigan na may blangkong ekspresyon bago siya nagsalita.


"Totoo nga ang sabi ni Nero, na hindi ako marunong umintindi. Why I can't accept that you love my cousin. I was the first one who approached you. Ako ang unang nagpapansin, ako ang unang nag effort para kunin ang atensyon mo, bakit si Nero?" bahagya niyang minasahe ang noo niya sa tanong sa akin.


"Sa kanya to tumibok Aldus... sa kanya" sinasabi ko ito habang itinuturo ang dibdib ko. My love for him? I can't really explain.


"And he even let go of me wounded here.." nagsimula na namang tumulo ang luha ko.


"Warden, I'm sorry. I'm so selfish, hindi ko naisip na nasasaktan ka na pala sa pagmamahal ko sayo" he embraces me and I let him.


"Sorry, I can't return your love..." mahinang sabi ko sa kanya.


"Shhhsssh. I don't want to see you like this Warden. I love you... I'll let you go. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo.. masakit din e. Masakit" siguro mga 20mins din kaming tahimik sa loob ng kotse. Wala man lang nagsasalita sa amin. At hanggang sa makauwi na kami ay ganun pa rin.


"Atleast we can be friends right?" tanong niya sa akin bago kami pumasok sa pinto.


"Yes. Ofcourse Aldus"


--

Simula nang pag uusap namin dalawa. Hindi na niya ako masyadong kinakausap katulad ng dati. Kinakausap niya lang ako kapag talagang may kailangan. 

Kasalukuyan kaming kumain ngayon.


"Sino na naman ang kasama mo Aldus kahapon?" tanong ni Owen.


"Girlfriend?" nakangising sagot niya.


"Yeah men! Aldus is back on the floor! Padamihan naman kayo ni Owen ng babae" masiglang sabi ni Troy.


"Oo, aagawan na ulit kita ng trono Troy. Haha" sagot sa kanya ni Aldus. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pinaggagawa ni Aldus ngayon. Dahil sobrang babaero niya talaga sa lumipas na tatlong araw. He's always with different girls every time I saw him.


"Sige makabuntis kayo" sabat naman ni Tristan. Sabaysabay silang nagsitawanan. Boys will be boys. Hindi na lang ako nakisali sa usapan nilang apat.


--

Mag iisang buwan na siyang wala. Umuulan naman at katulad ng dati, nakahalumbaba na naman ako may tapat ng bintana.

'I miss you' sulat ko sa bintana


"Shit! Andito na si Nero! Haha" malakas na sigaw ni Troy. Agad napaikot ang ulo ko sa narinig ko.


"Pero may kasama siya" nag aalalang tumingin sa akin si Troy. Sa tingin pa lang sa akin ni Troy. Agad na akong kinabahan.


He's with someone.


--

VentreCanard


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Kde žijí příběhy. Začni objevovat