CHAPTER 20

4.8K 94 1
                                    

Kath's POV

Pagkatapos ng mala-wedding namin kanina hinatid na niya ako pauwi. Buti nga nadala niya yung bag ko.

Haist, lagot na naman kami neto kay Sofia. Hindi kami nasukatan kung anong sizes namin. Bayaan na nga.

Bumaba kami at hindi na muna pumasok sa loob. Wala namang tao kaya di kami pagkakaguluhan.

"Deej, thank you kanina ah. Nakakainis nga eh, di man lang ako nakapag-prepare." Naka-pout kong sabi sa kanya.

Tumawa naman siya ng mahina, ang cute niya. Hehe.

"It's okay, at least I made you smile the whole moment, i'm contented with that" sabi niya ng nakangiti sa akin. Damn, why is he so good with that?

Pabiro ko naman siyang sinampal para di niya mahalata yung mukha kong pula na. Kahiya.

"Sige na, uwi ka na, good night" makulit kong sabi at lalakad na sana nang hinila niya yung braso ko at pinaharap ulit sa kanya.

"Good night, sweet dreams, I love you" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Napangiti naman ako. "Love you too" nakangiting sabi ko. "Alright, go inside na, you need to sleep early" sabi niya.

Ngumiti naman ako at pumasok na.

Pagkapasok ko nakita ko si mama sa sala. Waaah! Nakauwi na siya.

"Mama!" Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. "Ma, namiss kita" maluha-luha kong sabi.

Nasa states kasi siya, inaasikaso yung company, kasama si ate at kuya. Miss ko na nga sila eh.

"Namiss din kita baby girl ko"

Napakunot naman noo ko. "Ma, di na ako baby"

Napatawa naman siya ng konti. "Hay nako, tignan mo na lang yung mga pasalubong ko sayo" sabi niya.

Tumayo naman ako at pumuntang kusina. Pagkabukas ko ng ref. Kuminang naman yung mata ko, ang daming cheesecake!!!.

Kumuha ako ng isang sliced cake at umupo sa table. Habang kumakain ako dito, bigla naman may nag-text. Si dj.

"Kath, we need to go to the office of miss tomorrow"

Huh? Bakit naman eh Sunday bukas. Nireplyan ko naman siya- "why?"

Maya-maya nag-vibrate yung phone ko.

"We have rehearsal tomorrow. Tss" text niya.

Sungit naman nito. Kanina lang ang sweet niya, tapos ngayon ang sungit. Tss. Di ko na lang siya nireplyan at pinagpatuloy yung pagkakain ko dito. Yipee.

Pagkatapos kong kumain ay naghalf-bath ako at pinatuyo yung buhok ko.

Matutulog na ako. Hayy, 11:36 na. Ang bilis ng oras.

_____________

Umaga na at nandito kami ni deej sa school.

"Dito muna kayo lalakad tapos mag-pose kayo, ganun din sa kabila, tapos sa gitna rin and exit. Okay" turo sa amin ni sofia.

Tumango naman kami. "Sige, punta na kayo kay Ms. Gonazales at mag-pasukat na kayo, para matapos na yung mga damit niyo, go go go"

"Oh kayo, galingan niyo yung pag-rampa niyo para manalo kayo ah" sabi niya sa amin ni Ms.Gonazales.

Tumingin naman siya sa akin. "Ikaw naman kath, bantayan mo yan ng maigi si dj, alam mo naman, maraming umaaligid diyan"

Napatawa naman ako ng mahina at napatingin kay dj na mukhang bored na.

"Ako po, mag-babantay diyan" sabi ni dj.

Mukha namang nagulat si Ms.Gonzales. "Ay infernes, nag-tagalog ka na ah"

Nang matapos kami sukatan, pinatawag kami ni miss sa office niya.

"Okay, this saturday na yung contest niyo so magiging super busy kayo and also nakita ko na rin yung schedule niyo, medyo hectic pero magagawan naman ng paraan"

Tumango naman kami at may mga sinabi pa si mam nang kung anu-ano pa. Pagkatapos nun, dumaan muna kami kay sofia para sabihin na aalis na kami at kay Ms.Gonzales.

"Bye sofia and Ma'am, alis na po kami" pag-paalam ko.

"Wait kath, paki-sabi nga pala kay tita min na welcome back" makulit na sabi ni sofia.

"Ah sige, thanks"

Tumango na lang siya at umalis na kami.

"May pupuntahan ka pa bang iba, deej?"

Tumingin naman siya sa akin. "Uh yeah, sa ABS"

Napakunot naman noo ko. "Bakit? Anong gagawin mo dun?"

"I have a contract signing on my upcoming movie" sabi niya at binuksan yung pinto ng kotse.

Sumakay na ako at sumakay na rin siya. "Huh? Bakit hindi ko alam"

Nag-shrug naman siya. "I was about to tell you that"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "I'm sorry babe, it's unexpected" sabi niya.

It took me few seconds before to answer. "Hindi okay lang" nakangiti kong sabi.

"Gusto mo ba sumama?"

"Sige sama na lang ako. Kakamustahin ko sila dun" nakangiti kong sabi.

Bigla na lang kasi ako nag-doubt na sumama. Parang may hindi magandang mangyayari

"Oh okay" sabi niya at pinaandar na yung kotse.

Getting That Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon