Magaang nakapukol sa akin ang mga mata niya na para bang ayaw niya akong iwan ngunit kailangan. Nag isang linya ang labi niya at kumaway. Dinig ko ang pagpapaandar niya ng makinarya ng kaniyang jeeptruck at saka nagmanaho palayo sa aking kinatatayuan.

Hinintay ko itong mawala sa paningin ko bago muling maglakad pabalik sa aming tahanan. Nagpakawala ako ng mabibigat na hininga at dama ko ang pagpapakawala ng aking balat ng mga malalamig na pawis. Ang puso ko ay naghaharumentado nang paulit ulit dahil sa kabang nanunuot sa akin. Maski ang halimaw sa loob looban ko ay nagtatago na rin.

Napamura na ako nang makatungtong sa harapan ng pintuan namin. Nagtatanong sa aking isipan kung bubuksan ko ba ito o hindi. Nagdadalawang isip ako. May kung ano sa isipan ko ang nagsasabing tumakbo na lamang palayo at huwag na bumalik pa. Pero kailangan kong kuhain ang mga gamit ko para sa magaganap na pagtanan naming dalawa.

Inilapat ko ang kamao ko sa pintuan nang paulit ulit. Narinig ko naman ang mga natatarantang yakap ng isang tao patungo sa pintuan upang ako ay pagbuksan. Nasilayan ko rin naman agad ang liwanag na nagmumula sa aming sala at nakita si Jennica na malamig na nakatingin sa aking mga mata. Gayon din sila Ina at Ama na walang ganang kumakain sa kani kanilang upuan.

"Saan ka nanggaling?" Istriktong katanungan ni Ama at ibinagsak ang mga kubyertos sa plato. Gumawa iyon ng ingay na nagpatalon sa akin nang husto. Naamoy ko ang panganib ngayon. Amoy na amoy ko ito!

Itinabi ko ang lalagyan ng labahan sa isang sulok. Maingat at patago upang hindi magtaka sila Ina kung nasaan na ang mga nilalaman nito. Hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib ko. Hindi na ako makahinga dahil sa susunod sunod na parusa na tinatamo ko dahil sa kaba na ito.

"Saan ka nanggaling?!" Pagalit na katanungan ni Ama at hinampas ang lamesa gamit ang kamao niya. Umuga ang lamesa at gumawa ng ingay ang mga plato at kutsara na tumama sa isa't isa. Ang tubig na nasa baso ay natumba at nakita ko ang natapon nitong tubig. Pakiramdam ko ay ibinuhos iyon sa katawan ko. Napakalamig at nanginginig ako.

"Sumagot ka!" Tumayo si Ama. Nanatiling tahimik si Ina. Nakaupo at nakayuko sa pagkain niya. Isang titig lamang ni Ama kay Jennica ay napasunod niya na agad itong pumasok sa loob ng silid upang hindi makita ang mga mangyayari. Marahil ay sasaktan nanaman ako at lalatiguhin. Iyon naman ang hilig nilang iparusa sa akin. May mas ihihigit pa ba iyon? Ano pa ba ang mas malala nilang kayang gawin sa isang tulad ko?

Pasuin ng sigarilyo? Lunurin sa ilog? Itali at hampasin ng paulit ulit? O palahurin sa asin? Sobra sobra ang mga iyon. Ngunit mas malala naman ang ginagawa nilang pagsakal sa puso ko. Buong akala ko ay hindi nila magigiba ang pader na pumalibot dito. Ngunit akala lang pala iyon. Hindi ko akalain na sa maliliit na kilos ng ama ko ay kaya niyang durugin iyon.

"Hindi ka magsasalita?" May pagbabanta na sa tono ng kaniyang pananalita. Ngunit heto ako at naitulos sa kinatatayuan. Nakakuyom ang kamao at nakatitig sa aking mga nangangatog na tuhod. Hindi alam ang gagawin o isasagot. Unti unti na akong nawawalan ng pag asa pa. Ngunit alam kong hindi ako susuko at magpapatalo na lamang. Ang isipin iyon ay nagbigay ng pag asa sa aking nanghihinang katawan. Tumango tango ang aking kamalayan. Pati sila ay handang lumaban!

"Kung sasabihin ko man ang totoo, sasaktan mo pa rin ba ako?" Lutang kong katanungan. Inipit nang mariin ang aking mga labi at unti unting nag angat ng tingin kay Ama. Nanginginig ang aking labi at halos hindi ko na ito maramdaman. Pakiramdam ko, ang lahat ng mga bagay na maari kong maramdaman ay nagsitaguan na. Kapwang nanginig sa presensya ni Ama.

Narinig ko ang ginawang paghakbang ni Ama sa aking kinatatayuan. Kinutuban ako lalo na nang makita kong inunat niya ang leeg niya, pinatunog iyon at gayun din ang kamao niya. Nang makarating na siya sa aking harapan, humugot siya nang napakalakas na hininga. Pumikit ako nang mariin. Hinanda ang sarili sa mga magaganap na pagpaparusa.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!