Chapter 1- The Start

12.1K 217 9

"Pwede ba, Clark! tigil-tigilan mo na ko, naiirita na ko sa'yo kanina pa, ah ," Inis na saad ni Patricia kay Clark, dahil sa kanina pa 'to sunod nang sunod sa kanya.

"Pat-pat, sige na, sagutin mo na ko, ilan taon na kong nanliligaw sa'yo, oh!" Sabay pout nito kaya mas lalong nainis si Patricia.

Yan si Clark ang matyagang manliligaw ni Patricia, hindi akalain ni Clark na magkakagusto s'ya sa tulad ni Patricia, babae pero kung kumilos daig pa ang lalaki. Nung una, inis na inis s'ya sa dalaga, dahil parang hindi babae kung kumilos, laging may nguya-nguyang bubble gum, naka rubber shoes kahit naka palda ito, tapos ang buhok sa ibaba ay kulay pula, sa isip isip ni Clark, 'Gangster ba s'ya? ', pero nagulat na lang s'ya, isang araw, lagi na sya'ng nakatitig sa dalaga at napapangiti na parang ewan.

Hanggang sa malaman n'ya na, gusto na n'ya pala 'ito, kaya lumapit s'ya at sinabing liligawan n'ya 'to sa ayaw nito o sa gusto, pero alam n'yo ba ang sinabi nang ating bida?, 'Do i know you?' Oo nga naman, sino ba naman ang magpapaligaw sa isang lalaking, hindi naman kilala.

Kaya ang ating prinsipe na si Clark, ay kinaibigan ang kanyang prinsesa na si Patricia, at nagtagumpay naman s'ya doon, dahil magkaibigan na sila, hindi na nag- aksaya pa nang oras si Clark, umamin s'ya dito at inumpisahan na nyang ligawan si Patricia kahit hindi naman ito pumapayag.

"Bakit? Sino ba'ng may sabi sayong manligaw ka?" Walang emosyong sabi ni Patricia, habang may nguya nguyang bubble gum.

"Pat-pat naman eh, wala ka ba talagang nararamdaman para sa'kin?" Lumapit s'ya sa dalaga at hinawakan ang kamay nito , na agad namang inalis nang dalaga.

"You want sapak? , may nalalaman ka pang hawak- hawak kamay d'yan, atsaka ilan beses ko bang sasabihin sa'yo na wag ako, iba na lang" at nauna na itong maglakad , at si Clark naman, ayun durog na naman ang puso dahil pambabasted sa kan'ya ni Patricia.

"I won't give up Pat-pat, ngayon pang mahal na kita susuko pa ba ko?" Sabay smirk , habang nakatingin sa dalagang nakapamulsa na nasa kabilang kalye.

Kinabukasan ay sabado , kaya maagang nagising si Clark upang pumunta sa palengke, hindi para mamili , kundi para puntahan ang kanyang Pat-pat at ang nanay nito, nagtitinda kasi sa palengke ang nanay ni Patricia ng mga isda at karne, hindi mayaman, hindi mahirap sila Patricia, hindi katulad ni Clark, na lumaking mayaman dahil sa mga sikat na bussiness nang mga magulang nito.

"Goodmorning Pat-pat and mama!" Bati nito kay Patricia at sa nanay nito.

Sa isip isip ni Patricia, ang kapal nang mukha ni Clark dahil sa pagtawag nang 'mama' nito sa nanay n'ya.

"Ang aga mo namang manligaw Clark , Hahaha!" Biro nang nanay ni Patricia.

"Kailangan po kasi, walang sinasayang na oras, hehe" Sabay kindat kay Patricia, pero inirapan lang s'ya nito.

Minsan talaga, naiisip ni Clark kung tinatablan ba si Patricia nang mga kilig lines n'ya.

"Umalis ka na, mabaho dito , ang tulad mong mayaman, hindi bagay sa ganitong lugar" Masungit na sabi ni Patricia kaya pinagalitan ito nang nanay n'ya.

"Para sa'kin , ito na ang pinakamabangong lugar na napuntuhan ko at ito na rin ang pinaka maganda dahil nandito ang prinsesa ko, at ikaw yun Pat-pat" Nilabas nito ang matamis nitong ngiti, pero biglang nanlaki ang mata nito at napa nganga.

"I-isang h-himala, n-nag b-blush si Pat-pat, Hahahaha" Lumapit s'ya dito at niyakap nang mahigpit.

"Hay sa wakas, babae na ang anak ko!" maiyak iyak pang sabi nang nanay ni Patricia.

Tinulak ni Patricia si Clark, at bigla na lang itong sinapak , kaya napahawak sa pisngi si Clark.

"S-subukan mong yakapin ako , nang mameet mo ulit tong kamao ko" Sabay walk out.

Naiwan si Clark na nakahawak pa rin sa pisngi n'ya, naisip n'ya na ang sakit rin pa lang manuntok ni Patricia, pero wala 'yun , yayakapin at yayakapin pa rin n'ya ito, kahit ilan pang black eye o pasa ang abutin n'ya , basta mayakap lang ang pinakamamahal n'ya , ok lang s'ya

***

This is all full of fictions, names, places and events are all imaginations of author.

First story ko po, so enjoy reading and i hope you like itttt♥

Si Clarkspon po yan ^^^^^

One Punch, One Kiss (COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!