XII - Suitors Part II

69.8K 446 80

"Kenneth?"

Huminto kami sa kalagitnaan ng panghihila niya sa akin. He was wearing glasses. He looked more handsome with those. 

Hindi siya nagsalita, instead, hinila lang niya ako ulit. Lahat nanaman ng tao nakatingin sa amin. Hay nako, sanay na ako.

"Hoy san mo ba ako dadalhin?" Napapabilis yung lakad ko dahil sa kanya. Ang higpit pa rin ng pagkakahawak niya sa wrist ko.

Pagkalabas namin ng building medyo bumagal na siya sa paglalakad. Pero nakahawak pa rin siya ng mahigpit sa akin.

"HOY ANO BA! NASASAKTAN AKO!"

Before I knew it, binitawan na niya yung kamay ko.

"No worries. Nandito na tayo." Tapos nag smirk siya.

Napansin kong andito kami sa tambayan ko tuwing umaga. Kahit tanghaling tapat, hindi masyadong mainit dito. Nasa ilalim kasi ng malaking puno. Saka hindi naman masyadong mainit ngayong tanghali. Sa katunayan medyo mahangin pa nga.

Umupo siya habang ako nakatayo pa rin.

"Umupo ka kaya." Sabi niya. 

Nakatitig lang ako sa kanya.

Hinubad niya yung glasses niya at inilapag sa lamesa. May dala nga pala siyang paper bag. May kinuha siya dun sa loob.

Ugh, take out na pagkain. Nakalagay kasi sa styro. Pinapanuod ko lang siya habang binuksan niya yung styro.

"Tititigan mo na lang ba ako diyan? Mas maganda yung view kung uupo ka."

Gagu. Nakakainis! Feelingero level 100000x!

Napa-cross arms na lang ako tapos inirapan ko siya.

"Ba't mo ba ako dinala dito ha?"

"Wala naman. Para may kasama akong kumain." Tapos he started eating. Pasta yung kinakain niya. Nagugutom na tuloy ako.

"Para may kasama kang kumain e ikaw nga lang tong kumakain oh." Tss. "Aalis na ko."

Pero bago pa man ako makalakad, hinila niya yung braso ko. Forcing me to sit beside him.

"Ayaw mo umupo sa harap ko? Sige diyan ka na lang sa tabi ko."

Hawak hawak lang niya yung braso ko. Isang kamay lang gamit niya pang kain.

Tumahimik na lang ako. Wala naman akong laban sa lakas ng kapit nito e.

Nung malapit na siyang matapos kumain, binitawan na niya yung braso ko.

"Pwede na ba kong umalis." Hindi siya patanong. Pero hindi rin demand. Basta sarcastic yung pagkakasabi ko.

"Dito ka muna."

NAKAKAINIS! ANG INSENSITIVE! SIYA LANG KAYA YUNG KUMAIN! !)(@&$*^!*@&#

"Hoy lalake pag nag-stay pa ako dito, baka mamatay ako sa gutom!" I was facing him. Siya, nakatingin lang sa harapan namin.

"Walang namamatay dahil sa gutom no."

"Whatever! Aalis na ko. Kakain pa ako!"

"Hinawakan niya ulit yung braso ko.

"NOW WHAT?!"

Nung tumingin ako sa kanya, suot na ulit niya yung glasses niya. Napatigil ako e. He looks good. Mas lalo siyang gumagwapo kapag naka-salamin siya.

"Sasama ako sa'yo bakit." Tapos binitawan niya ako at tumayo. "Tara na."

ABNORMAL NA TAO! GRABE!

Ang sex addict kong boyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!