Chapter 1.

39.4K 504 7

Note: Unedited, please bear with typo and grammatical error.

--------------

Myerkules. Ang pinakapaborito kong araw sa buong linggo Dahil makikita ko na naman si blade, tuwing myerkules Kasi laging nagtitipon ang mga barkada ng kuya Niya at ginawa ng tambayan ang bahay Nila Kung saan pabor naman sa kanya Dahil nasisilayan Niya si blade at nakakausap pa ng malapitan kahit na lagi siyang tinu-turn down nito.

"Bakit Hindi kapa umaalis? -tanong ng kuya Niya na pumasok sa loob ng kwarto

"Mamaya pa namang alas dos ang lakad ko kuya.

"Ganun ba? Akala ko pa naman ngayong umaga, siya nga pala pahiram ng laptop mo ah? Nasira Kasi iyong akin may kailangan kasing idownload ng kabarkada ko Kaya kailangan ko iyan ngayon din.

"Pero kuya---

"Hep! Ngayon na nga lang ako manghihiram ng laptop sayo ipagdamot mo pa saken iyan? Tsaka nagkataon lang talaga na Nasira yung akin!

"Nangongonsensya kapa kuya, Sige pero pwede ba Huwag Mong pakialaman ang mga files at ibang nakasave ah? Privacy kuya, Pakiusap lang.

"Oo naman!

"Sige, ingatan mo iyan kuya. -wika Niya ng inabot dito ang laptop at charger nito

"Oo ba.

"Ahmm kuya? Pupunta ba si blade ngayon?

"Pupunta iyon, Bakit ba? May utang ba siya sayo?

"Ah eh w-wala kuya! Wala naman, nag tanong lang naman Ako.

"Hoy! Ikaw ha, sabihin mo nga saken type mo ba ang gagong iyon?! -singhal sa kanya ng kuya Niya

"A-ah k-kasi kuya---

"Iba na lang lady marie, Huwag iyon. Masasaktan ka lang, gago din naman Ako pagdating sa babae pero ayokong makita kang nasasaktan nag-iisa ka pa lang naman na kapatid ko. -seryosong wika ng kuya Niya

"Gusto ko siya kuya.

"Bata ka pa, tiyak Hindi kapa sigurado diyan sa nararamdaman mo. Isa pa Marami kapang makikilalang iba na higit pa Kay blade. Matinik iyon at sobrang gago Kaya kalimutan mo na lang iyan.

"Papano kapag sabihin ko sa iyo kuya na since sixteen years old Ako ay gustong gusto ko na siya? Kuya naman ibalato mo na sa akin to please? -wika Niya sabay hila sa laylayan ng tshirt nito

"Lady marie! Hindi siya ang lalaki para sa iyo at Hindi kayo bagay!

"Kuya naman. Siya na nga lang ang kaligayahan ko ipagkait mo pa? Diba kapag kuya sinusoportahan ang bunsong kapatid sa love life? Bakit ikaw ganyan?

"Hindi sa pagkakataong Ito lady Marie, kalimutan mo na iyang nararamdaman mo Dahil masasaktan ka lang din---

"Paano ko malalaman Kung Hindi ko susubukan kuya?

"Huwag. Masakit iyon lady Marie. Ikamamatay mo kapag Hindi mo Kaya.

"Edi kakayanin ko kuya!

"Napakabata mo pa. Asikasuhin mo na lang ang kinabukasan mo para may mapapala ka pagdating ng araw.

"Kaya nga mas ginagalingan kong magpapa-pansin Kay blade Kasi siya ang kinabukasan ko kuya.

"Lady marie! Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?

"Kuya naman eh, Kasi nga gusto ko siya.

"Ewan ko sayo! Diyan kana nga! Pakiusap kapag nandito na ang barkada Huwag na Huwag kang lumabas ng kwarto mo. Diyan ka lang!

"May lakad akong alas dos kuya Kaya talagang lalabas Ako.

"Lalabas ka lang kapag oras na ng lakad mo.

"Papano kapag magutom o mauhaw Ako kuya?

"Dami Mong satsat! Basta diyan ka lang! Ayokong makita mo na naman si blade at para kang tuta na namamalimos ng pag-Ibig sa kanya. Kababae Mong Tao ikaw tong naghahabol sa lalake. -wika ng kuya Niya sabay labas ng kwarto

Nanghina siya bigla sa sinabi ng kuya Niya Dahil alam niyang may punto ito pero kasalanan bang magmahal? Kasalanan ba na Kay blade tumibok ang puso Niya? Sabihin mang desperada o namamalimos ng pag-Ibig pero Hindi siya titigil hanggat' Hindi Niya nakukuha si blade.

Mabilis niyang pinahid ang luha ng may marinig na ugong ng sasakyan sa labas, agad niyang tinungo ang bintana para silipin Kung sino at gayon na lamang ang kanyang pagkagulat dahil sa nakita.

"Ang angas at suplado siyang tignan pero ang gwapo Niya pa din sa paningin ko. -wika Niya sa sarili sabay kagat sa pang ibabang labi

Hindi Niya napigilan ang sarili Kaya madali siyang nag-ayos at nagpalit ng damit bago lumabas para kunyaring kukuha lang ng tubig na maiinom sa kusina, alam niyang magagalit ang kuya Niya pero wala siyang pakialam Basta makita lang si blade.

Nang makontento siya sa kanyang itsura ay Dali Dali siyang lumabas, naabutan Niya sa living room na busy si blade na siyang may Hawak sa laptop Niya at katabi nito ang kuya Niya pati ang isa pa nilang barkada. Napatutop siya sa bibig at gustong magsisigaw sa nakita, si blade na Hawak ang laptop niya!

Nahuli ng kuya Niya ang tingin na pinupukol Niya Kay blade at bigla nitong pinalaki ang mata at inis na inis siyang pinapabalik sa kwarto niya. Sumimangot siya at mas lalong nagmartsa papuntang dining area para kumuha kunyari ng tubig.

"Sabi ko sa iyo Huwag kang lumabas ng kwarto lady Marie. Ang tigas ng ulo mo.

"Eh sa nauuhaw Ako Tsaka wala namang ulo na malambot diba kuya?

"Huwag mo nga akong pilosopihin lady marie, bilisan mo na diyan at bumalik kana sa kwarto mo. Ayokong makita ka dito sa labas na naglalaway ng sobra Kay blade, ang pangit tignan.

"Kuya naman hayaan mo na lang ako na makita siya. Tuwing myerkules na nga lang Kung makita ko siya ay pinagbabawalan mo pa ako?

"Hindi pwede. Ayokong masabihan ka ni blade ng desperada, nakakahiya iyang ginagawa mo Dahil sobrang obvious. Tigil na ha? Tsaka may girlfriend si blade---

"Girlfriend ba ang tawag dun kuya? Eh iba ibang babae ang lagi niyang kasama eh.

"Kita mo na? Nakita mo naman siguro at naririnig sa iba ang tungkol sa kanya Kaya umatras kana, wala kang mapapala dun.

"Kahit Ano pa man sabihin Nila o ipakita ni blade sa akin mahal ko Parin siya kuya.

"Alam mo lady marie? Gustong gusto kitang kalbuhin ngayon din ng magtanda ka. Kung nandito si mama ngayon paniguradong kanina kapa Niya kinusi sa singit---

"Sinabi ko Kay mama nung nakaraang araw Hindi naman Niya Ako pinagalitan sinabihan lang na mag dahan dahan,

"Pwes Kung si mama Hindi ka magawang pagalitan Ako oo! Kaya pwede ba tsupe kana! Kanina mo pa Hawak ang baso na iyan pero Hindi mo naman nainom, ang lakas ng radar! Kunyari kukuha ng tubig makita lang si blade, hanep ka ding dumadamoves!

Napaawang ang bibig Niya ng makitang nakatayo sa likod ng kuya Niya si blade at umirap sa kanya ng magtamA ang kanilang mata, sumunod naman ang kuya Niya na tumingin sa likod ng makita siyang nakatingin dito.

"Blade pare, cr ka?

"Nauuhaw Ako, may beer ba kayo diyan? -angas na wika nito at nilampasan siya

"M-meron! -Sigaw na wika ni lady Marie

Agad namang tumingin sa kanya si blade sabay sabing,

"Hindi ikaw ang kausap ko Kaya Huwag kang sumabat diyan bigla. -suplado nitong saad sabay bukas sa kanilang refrigerator na Akala mo ay pag aari nito

"Sorry. -mahinang wika Niya sabay Alis

Nang tuluyan ng makapasok sa loob ng kwarto Niya ay siya namang nagsilabasan ang luha at padabog na humiga sa kama.

Sa sobra niyang mahal si blade, natitiis Niya ang lahat ng ginagawa at sinasabi nito sa kanya kahit ang sakit sakit na.

LOving the Naughty-Chef (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!