Chapter 8: Arcana ?!! O_O

Magsimula sa umpisa
                                                  

"Zahara!" Reya

Tiningnan ko ang nangyayari at naglalaban si Farsiris at Zahara. Nakahiga ngayon sa sahig si Hara at nasa ere naman si Farsiris na may Ice spikes na kinokontrol sa kamay. Nagaalala na ako kay Hara kaya lumapit ako kila Reya at Brice. 

" What's Hara's Arcana?" tanong ko sa kanila napatingin naman sila sakin at saka nagsalita, halatang nag- aalala din sila kay Hara

" Demeter's Arcana " sagot ni Reya sakin 

HuH? di ba si Demeter ay isang Goddess sa Greece sa book ng Mythology dapat malakas si Hara dahil taglay niya ang kapangyarihan ni Demeter. Mukhang nabasa ni Brice yung nasa isip ko kaya sinagot nila.

" Kilala mo naman siguro si Demeter?" sabi niya kaya tumango ako

" Hindi niya pa ganon ka control ang kanyang kapangyarihan, sinasanay niya pa lang ang kanyang arcana kaya nahihirapan siya ngayon dahil hindi pa siya bihasa. Ang kaya niya palang na kontrolin ang Plant Manipulation, Plant Growth, Fertility Inducement at Harvest manipulation hindi niya pa nakokontrol ang pinaka rare sa arcana niya, iyon ang Season manipulation, Earth manipulation at ang pinaka rare ang Life and Death manipulation." paliwanag sakin ni Brice kaya napatango ako 

It means wala siyang laban pero kung kontrolado niya lahat ng taglay niyang arcana ay tiyak na mas malakas pa siya kay Farsiris at matatalo niya ito.

Napatingin ako sa babae kanina pa na naka - upo sa sahig at nakatingin kay Hara at Farsiris na naglalaban ngayon. Pinuntahan ko siya at inilahad ang kamay ko para naman tumayo na siya at baka matamaan siya. Tiningnan niya muna ako saka ngumiting inabot ang kamay ko.

" salamat :) ... " siya 

"welcome.. -_- " ako 

"Christle let's go sundan natin sila sa labas!" sigaw sakin ni Reya kaya tumango ako pero napahinto ako papunta sa labas ng tinawag ako nung babae kaya tiningnan ko siya na nagtatanong.

" Pwede ba akong sumama sa inyo dahil sakin mapapahamak ang kaibigan niyo :( ? " siya kaya tumango na lang ako at sumunod na din siya sakin

Nakarating kami sa malawak na lugar na parang battle field siya tapos may mga hagdan na uupuan ng mga manunuod kaya bumaba kami doon.

Inangat ni Hara ang dalawa niyang kamay at may bigla na lang na lumadas na mga vines galing sa lupa at padami ito ng padami.

" ice Blades!" sigaw ni Farsiris at may lumabas sa kamay niya saka itinira ito at naputol ang mga vines pero nagbabalikan parin ito sa dati kaya mukhang naiinis si Farsiris kaya

" Ice Blast! Freeze! " sabi niya at may naglabasan nga samantalang si Hara naman ay kinokontrol ang mga halaman at ginawa niya itong shield at hindi nga siya natamaan pero nagyelo naman ang mga halaman at bigla na lang itong nasira at ang kasunod non ang mga Ice spikes na papunta kay Hara.

" Leaves Blades! " Hara tapos may nagliliparang mga dahon na animoy blades talaga. Nagtamaan ang kanilang Ice spikes at Leaves Blade kaya bigla itong sumabog ng malakas kaya napapikit ako at pagkamulat ko pareho silang nasa lupa at nakatayo lang ng maayos pero may mga galos na si Hara at kaunti lang ang galos ni Farsiris.

" Acidgosrius!! " sigaw ni Hara at may lumabas galing sa lupa na isang halimaw na di ko alam kung saan galing pero nakakatakot siya. Malaki yung bunganga nito, matutulis yung ngipin , may isang matang kulay pula, may mga vines at galamay na patusok tusok tapos hugis bilog na ewan.

" Sugod Acidgosrius!" Hara kaya biglang humaba yung vines nung monsters papunta kay farsiris pero agad din itong nakagawa ng shield tapos may hawak na siyang sword na gawa sa yelo at pinagpuputol ang mga galamay nito. Bumuga naman ng laway ata? yung monsters at agad na naka- iwas si Farsiris.

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon