A/N: Omigash! Chapter 9 na malapit naaaaaaa,, wahahahah,, nababaliw ang peg ko. XD

******************

"So kamusta naman ang date nyo?" napalingon ako kay ate jenny na nasa sala pala.

Nandito pa sya? halos gabi na kami nakauwi ni Lance ah...

Pero yung freak na yun walang balak umuwi. Pero may natitira palang gentleman sa dugo nya dahil hinatid ako pauwi.

Wait pano nalaman ni Ate Jenny? tiningnan ko sya ng may pag tatanong sa mga mata ko.

"Hahaha nasabi kasi sakin ni Rence na mag kasama kayo kaninang umalis,, " nginitan nya ako, habang lumapit naman ako sakanya at umupo sa tabi nya. Yea close na kami kahit selos na selos ako dahil si Terrence ang boyfriend nya.

"Hindi yun date,, ano lang uhm bumabawi lang sya kasi tinulungan ko sya "

"Hmmm,, ano bang ginawa nyo kanina?"

"Pumunta ng aquarium, nanood ng dolphin show, then kumain .."

Lumalapad naman na yung ngiti nya. "Nag bayad kaba ni isang singko?"

"Hmmmm hindi?"

"Hahaha! date yun!!!" excited na sabi nya habang inaalog alog pa ako,,

"Hindi date yun!! at please lang ate Jenny wag ka mag lagay ng false hope!"

"False hope?,, so may gusto ka kay Lance! oh my gosh!! tama nga yung napapansin namin ni Terence habang nasa bakasyon tayo nun!!!" nilakasan naman nya yung pag alog sakin,, the hell naalog brains ko >__<!! at wait? anong napapansin?!

"Anong ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ko,

"Iba na yung tinginan nyo ~~,, alam mo kung ako sayo confess confess din malay mo maagawan kapa!"

Wow ganda ko naman diba? "Nag papatawa kaba ate Jenny? kahit naman mag confess ako maagawan parin ako. Tyan ko palang turn off na eh ~_~ " masakit man aminin pero wala talaga akong laban sa mga mag hahabol kay Lance.

Big turn off ang pag kamatabain ko, kainis bakit kasi pinanganak akong mataba eh! tsk!

Tumayo na ako sa sofa. "Sige ate pahinga na ako, " medyo nakaka walang gana kasi kapag nadadown ko yung sarili ko. Lalo pat nilalatay ko na sa harap ko kung bakit hindi nya ako magugustuhan.

"Alam mo wag mo masyadong e-degrade yang sarili mo,, oo mataba ka pero hindi ibig sabihin nun panget ka, ano yun mataba lang salot na? di na pwede mag mahal? eh ano naman kung mataba ka? mataba rin ang puso mo! masarap mag mahal :) " she stand up and hug me tight.

Ang sarap sana pakinggan yung advice nya eh. Kaso tuwing nakikita ko yung ganda at kasexyhan ni Ate Jenny,,

Ang naiisip ko lang is, 'nasasabi mo lang yan kasi wala ka sa situation ko,, pataba karin ng husto tingnan natin kung di ka maconsious -__- '

"Thanks, sige pahinga na ako. "

******

"So where did you and Leo went yesterday? bakit mag kasama kayooo ??? " salubong sakin ni Sheila.

"Uhmm good morning?" i said sarcasticly.

"Good morning!, so ano nga Miaaa???" pangungulit nya.

"Wala nga ,, nag pasama lang sya. "

"Wait, ano?! mag kasama kayong dalawa kahapon?!" sulpot naman ni Arvin. Talagang kaylangan sumigaw sa tenga ko?

"Oo! ang kulit nyo!, saka wala naman kaming ginawa nag pasama lang sya! " maka punta na nga sa classroom may bago akong recipe na susubukan.

Pag ako pumayat humanda kayo!(on going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!