Why Don't You Come Inside?

74.5K 2.2K 976
                                    

BloodyCrayons
Why Don't You Come Inside?
-----------------------------------------------------------

Kenly

"Wala na. Wala na yung plano. Nasira na lahat." Kanina pa inuuntog ni Eunice ang ulo niya sa lamesa at kahit anong gawin ko hindi ko siya mapigilan. Kailangan niya ba talagang saktan ang sarili niya? "Bakit ko ba kasi siya hinayaang lumabas sa pintuang yan?"

"Oi, wag mong masyadong pahirapan ang sarili mo. Walang mangyayaring maganda kung magkakabrain damage ka sa ginagawa mo." Alam ko namang wala ring silbi ang pagpigil ko sa kanya pero sige parin ako. Di ko kasi talaga matiis ang nakikitang sinasaktan niya ang sarili niya.

"Hindi Kenly. You don't understand. Mamamatay na tayong lahat dito. At kasalanan ko ang lahat."

"Isa pang paninisi sa sarili kakatusan na kita." Naaasar na saway ko sa kanya. "Ganito yan eh, kung patuloy mong iuuntog yung sarili mo, baka mamatay ka talaga. Diba hanggang humihinga may pagasa?"

"Not this time. Wala na tayong pagasa pa. Bawat galaw na ginagawa natin, bawat hininga na lumalabas sa katawan natin, nagsisilbing hudyat sa nalalapit nating kamatayan. Di mo ba naiintindihan ha?" malungkot na sabi niya. Para talagang nawalan na siya ng pagasa.

"Ewan ko kung tatawa ako o maaawa sayo. Ikaw ba yan Eunice? Diba matapang ka? Ano nangyayari sayo?"

"Hindi mo parin naiintidihan? Hindi mo parin alam kung ano ang nangyari sakin? Gusto mo pa talagang ipaliwanag ko?" Ngumiti siya ng mapait tapos nagsalita ng mahina. "Narealize ko kung gaano ka hopeless ang sitwasiyon natin. Na wala na tayong pwedeng gawin. Sinabi ko naman na mababa ang percentage na magsucceed tayo kung hindi magcocooperate ng mabuti si Kyle diba? Ito na yun o, ito na yun. Bakit di mo maintindihan?"

"Ganon na lang? Basta ka nalang maggigive up? Nasan na yung Eunice na kilala ko? Yung hindi sumusuko? Yung palaban?" Nung sinabi ko yun lumingon siya pabalik sakin tapos ngumiti ulit ng mapait.

"Bawal bang panghinaan ako ng loob? Tao rin naman ako ah? Bakit ba parati nalang kayong ganyan?" tumalikod siya ulit tapos naglakad papuntang pintuan. "Alam mo kung ano ang nangyari sa Eunice na hinahanap mo? Namatay na siya kanina."

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko sa sinabi niya. Awa? Ewan. "Teka, saan ka pupunta?"

"Dun sa kwarto kung saan nagumpisa ang lahat."

"Wag mong sabihing..."

"Oo. Dun sa kwarto kung saan namatay si Olivia."

à à Ã

Kanina pa nakaalis si Eunice pero nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Kagabi lang may pagaasa pa kaming nararamdaman. Ngayon kahit ata ni isang katiting ng pagasang yon ay hindi makikita sa mga anyo namin.

Wala naman na akong magagawa kaya mas mabuti pang lumabas nalang ako dito kaysa madepress lang.

Pag labas ko, nakita kong nakaupo si April sa sala. Nagpapahinga siguro. "Nakita mo si Kyle?" tanong ko.

"Ah oo, pumunta siya sa labas. Nakakapagtaka nga eh, parang di niya man lang ako napansin."

"Di ka niya napansin? Di ibig sabihin wala siyang sinabi sayo?"

"Nababaliw ka na? Siyempre di nga niya ako napansin eh. Pwede bang kausapin niya ako kung hindi ako napansin?" tumatawa niyang sabi. Siya nalang siguro ang taong hindi depressed sa bahay na to.

"Pumunta sa labas sabi mo? Bakit nakasara yung pintuan?"

"Nasisilaw kasi ako kaya sinara ko." Tumatawa niyang sagot. "O saan ka pupunta?"

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon