*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 21: Gate of Power

Van's POV

Nakabalik na ulit ako dito sa bundok at nagsisimula na ulit magtraining. Nabuksan ko na ang Gate of Agonizing at hindi naman ako nahirapang buksan iyon dahil na din sa mga pasakit na naranasan ko noon at ang sakit na dulot ng pagkawala ni Kiel. Ngayon naman ay bubuksan ko na ang Gate of Power...

Pero bago 'yon, si Israel nga pala ay lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo at ng madami pang lolo dahil nga limang daang taon na siyang nabubuhay. Walang duda na sobrang lakas niya at kontrol na kontrol na niya ang kapangyarihan niya...

"Simulan na natin Lolo" seryosong sabi ko sa kanya. Nakaharap siya sa tabi at nanonood ng drama ata yun? Himala yata, hindi siya nanonood ng porn.

"Teka lang apo, tatapusin ko lamang ito" naka-glue pa rin ang mata niya sa pinapanood niya kaya naisipan kong maupo na lamang din sa tabi niya at nakinood. Yung lalake ay malungkot at naglalakad hanggang sa makarating na siya sa bahay niya...

Binuksan niya ang ilaw at nagdiretso sa kwarto niya. Hinanap niya ang switch at nagfocus ang camera sa may kama...

"Oh yeaaaaaah~" sabi ni Lolo habang hindi pa rin nakaalis ang mata sa babeng nakahubad sa kama at parang inaakit yung lalake! Tsh. Kaya pala nakakapagtaka, akala ko drama naman ngayon ang gusto niya kaso hindi naman pala.

"Great"

"Hahaha! Wag ka ngang KJ dyan apo, mamaya na tayo magtraining. Tatapusin ko lamang ito"

Wala na akong nagawa kundi ang makinood sa kanya. Nakatingin lang ako pero hindi naman ako nagcoconcentrate.  Naalala ko si Kisha, ni hindi nga talaga niya ako pinagbigyan. Alam niyo yung tigang na tigang? Ako 'yun eh.

Matapos ang panonood namin ni Lolo eh lumabas na kami ng bahay para magsimula ng training. Naiwan sa bahay si Jiji dahil hindi pa siya ganoong malakas. Akala ko nga ay pati siya mawawala, buti na lamang at hindi siya ordinaryong pusa...

Pumunta kami sa gitna ng bundok, sa may kagubatan kung saan may open field, sabi ni Lolo ay baka masira ang kanyang bahay kapag doon sa malapit lamang namin isagawa ang training...

"Van. Tandaan mo ito, ang Gate of Power ay ang pinakakomplikadong gate sa lahat. Hindi lamang dahil ito ang huling gate na iyong bubuksan kundi ito ang gate na magiging daan kung paano ka maging malakas"

"Mapapantayan ko ba ang kapangyarihan ni Israel kung sakaling mabuksan ko ito?"

Ngumiti si Lolo... "Hindi mo lamang iyon mapapantayan, kaya mo din iyong higitan" tumaas ang pag-asa ko na matalo si Israel... "Pero mahirap buksan ang Gate of Power. Sa lahat ng Legendary Vampire na naturuan ko, walang ni isa sa kanila ang hindi nahirapan. Inabot sila ng buwan o taon mabuksan lamang ang gate na 'yun"

"Okay lang Lolo. Kahit pa ilang taon ang mabuno ko matapos ko lamang ito" desidido na ako. Tanggap ko naman ang pagkatalo ko. Ayos lamang naman sa akin ang matalo, wag lang madamay ang mga kaibigan ko at hindi na mauulit ang nangyari kay Kiel...

"Kung ganoon ay simulan na natin"

Gaya ng dati ay umupo kami sa may damuhan at pumikit. Nagconcentrate ako pero hindi ko nakita ang Gate of Power. Muli kong kinalma ang sarili ko pero hindi ko pa rin makita. Bakit ganun?

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!