Chapter 16: Why me?

3.6M 74.8K 34.2K
                                    



Anong ginagawa ni Jeydon dito?

"Marky! Anong ginagawa n'yo, ha?!" Lumapit siya sa 'min.

Si Marky, nakangiti pa rin. Paki-explain nga, ano bang nangyayari? Ang gulo.

"Easy, bro. Wala kaming ginagawa ni Candice. 'Di ba?" Tumingin siya sa 'kin tapos kumindat siya. Kahit hindi ko maintindihan kung anong pinaggagagawa ni Marky, tumango na lang ako.

"Wala? E, parang—" Hindi tinuloy ni Jeydon 'yong sasabihin niya.

"Bakit ba nagagalit ka?"

Oo nga. Bakit parang galit siya? At bakit nandito rin siya?

"Candice, pinapauwi ka na ni Charles. Kanina ka pa raw tinatawagan ng mama mo pero hindi mo sinasagot."

Tiningnan ko 'yong cellphone ko. Shucks!12 missed calls. Patay ako nito! Naka-silent kasi ang phone ko, nakalimutan ko pang mag-text kay Mama. Masyadong magulo 'yong utak ko.

"Oo nga. Lagot."

"Sumakay ka na sa kotse ko, 'yang nasa dulo."

Tiningnan ko 'yong kotse, Audi R8. Shit na malagkit, ang ganda naman ng kotse niya. Ang bata-bata pa lang niya, ganyan na kaganda ang kotse niya.

Sabagay, anak ba naman ng may-ari ng pinakasikat at pinakamamahaling hotel sa Korea tsaka Singapore. Okay, hindi na ako nagduda.

Dumiretso na lang ako sa kotse ni Jeydon. Mas mabilis akong makakauwi kapag sa kotse niya ako sumakay. Hindi na ako pwedeng magpaka-choosy, papagalitan ako ni Mama, e.

Nilingon ko ulit sila, si Jeydon nakatalikod sa 'kin. Si Marky, nakatingin sa 'kin. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Nakangiti kasi siya sa 'kin, e.

Siguro nga, mas mabuti na talagang dumating si Jeydon, kung hindi at hinalikan talaga ako ni Marky, baka mahimatay pa ako on the spot. Kaso, ako, hahalikan niya? Baka pinag-trip-an lang ako no'n. Tss.

Hindi naka-lock 'yong kotse niya kaya pumasok na ako. Nakita ko sila sa malayo, nag-uusap, parang nagtatalo pa. Ano kayang pinag-aawayan nila? Pero saglit lang, nakita ko na rin si Jeydon na papalapit sa kotse, si Marky naman, bumalik na sa loob ng mall.
Pumasok si Jeydon sa kotse, seryoso 'yong mukha. Bakit kaya?

"Anong pinag-usapan n'yo?"

"Wala ka na ro'n."

Hindi na ako nakapagsalita kasi pinaandar niya na 'yong kotse, at take note... ang bilis, ah. Galit lang?
Sa bilis niyang magpatakbo, hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Jeydon..."

"Candice..."

Ay, sabay pa kami. Awkward. Hindi na lang muna ako nagsalita.

"May gusto ka ba kay Marky?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Siyempre hindi ko sasabihin, 'no?

"Oo..." Ay, tanga ko, hindi ko nga sasabihin, e.

Anong bang problema ng bibig ko? Nakakainis, lagot na ako! Sigurado akong sasabihin 'yon ni Jeydon kay Marky, baka nga sa buong school pa, e, para mapahiya ako. Huhu, patay na talaga.

Tiningnan ko si Jeydon, nakatingin lang sa harap. Bakit kaya? Hindi ba siya tatawa? Hindi ba niya ako aasarin?

"Hindi mo ba alam na player si Marky? Kaya kung ako sa 'yo, hindi ko siya gugustuhin."

Sa puntong 'yon, nakaramdam ako ng galit. Sino ba siya para sabihin 'yon kay Marky? Kung tutuusin nga, kaibigan niya 'yon, tapos sisiraan niya? Anong problema niya? Tsaka narinig ba niya 'yong sarili niya? Mas malala pa nga siya sa isang player, e.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon