EPILOGUE

11.7K 351 90

EPILOGUE

__________________________________________________________________________________

"Ang ganda talaga niya."

Napalingon ako sa isang ka­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­samahan ko sa chess club na si Orlando. Schedule C kami ngayon sa school. Meaning, meeting of school clubs at walang english drive.

"Sino?" agad tinahak ng aking paningin ang direksyon ng kanyang singkit na mga mata.

"Si Indira."

"Sino yun? Saan jan?" interesado kong tanong. Pinahaba ko ang leeg ko upang mas mahanap pa ang sinasabi niyang Indira. Malay natin, baka matipuhan ko pa. Nagsawa na rin kasi ako kay Leila, clingy masyado.

"Yung naka P.E shirt at itim na shorts. Magse-serve na siya ng bola!" masigla niyang ani.

Nilipat ko ang tingin sa mga nagvo-volley ball sa field. Akala ko kasi nandon sa mga nagpa-practice para ng cheer dance ang sinasabi niya.

"Ang galing!" pumalakpak si Orlando lika a crazy fanboy. Napapailing nalang ako at tinitigang mabuti ang babae. Nakipag high five siya sa kanyang kasamahan. Hindi nasalo ng kalaban nila ang bola kaya sa kanila ang score.

Nagsimulang gumala ang paningin ko galing sa kanyang orange converse shoes pataas sa kanyang makinis na binti na mas tumingkad dahil sa suot niyang itim na shorts. Umangat ang shirt niya nang magserve ulit siya sa bola. Bawat detalye ng kilos niya'y tinitigan ko ng maigi hanggang umakyat patungo sa kanyang mukha.

Pero pakiramdam ko bumigat ang aking mga mata dahil bumaba na naman sa kanyang makinis na binti. Ano ba Grozdan! Sa mukha! Tapos ka na jan sa binti! Ang mukha di mo pa natignan! Hanggang leeg ka palang!

Kaya sinikap kong itaas muli ang aking tingin papunta sa kanyang mukha.

Naka ponytail ang light brown at mahaba niyang buhok na lumilikha ng kinang sa sinag ng araw. Mataray ang kanyang mga mata. Wala siyang make up at pawisan siya dahil sa paglalaro. She's curvy and slender. And she's beautiful. Haughtily beautiful. Exactly my type.

Inadjust ko ang sarili sa'king kinauupuan saka tumikhim.

"Single ba yan?" tanong ko. Nalimutan ko na ang laro namin ni Orlando. Nawala na sa isip ko kung kaninong pawn na ang susunod na aabante. O na checkmate na ba ako?

"Yun nga eh. Boyfriend niya ang kabarkada ko. Si Wayne."

Agad ko siyang nilingon. "Wayne? Si Montego?"

"Oo. Kilala mo siya?"

"Magjowa sila?" tanong ang sagot ko sa tanong niya.

Ngumunguso siyang tumango. Kitang kita ko ang kabiguan sa kanyang mukha. Ako naman ay nalilito. At...oo, nabigo rin.

Naging classmate ko si Wayne noong elementary. Mabait siya kaso parang takot maubusan ng babae kaya marami siyang reserba. Hindi ko akalain na isa sa mga nauto niya ay ang babaeng interesado ako ngayon. She doesn't seem like the gullible type. Mukha siyang palaban dahil sa mga mata niyang mapagmataas. Her strong aura tells me so.

Kung siya ang girlfriend, bakit ibang babae ang nakita ko kahapon na kahalikan ni Wayne sa likod ng chapel? Morena yun at maikli ang buhok, medyo maputi si Indira. Napailing nalang ako. Naloko na!

Dumating ang sundo namin ni Jensen bandang dismissal. Cleaners ang kambal ko ngayon kaya maghihintay pa ako sa kanya hanggang alas singko. Sa sobrang bored ko, pinuntahan ko siya sa kanilang classroom at napagdesiyunang doon siya hintayin.

FATE AND MISCHIEFBasahin ang storyang ito ng LIBRE!