WINTER'S POV

"Here, Winter."- si Skylaer na ibinigay sa akin ang planner.

"Thanks, Skylaer. You are a big help."- I said.

Naggawa ng planner si Skylaer at ako naman ay nagsearch ng pwede kong gamitin na ipprovide naman din ni Skylaer.

"Ibabalik ko lahat ng itinulong mo, Skylaer. Promise. Salamat talaga."- ako kasabay ang pagbabasa ng plano.

"I'm worrying. Baka mapano ka. Do you really have to do this? Hindi mo nalang ba hihintayin na sabihin nila sayo?"- he asked.

"No, Sky. Kailan pa yung araw na yon? Atleast ngayon, may alam na ako at di na ko mabibigla."

Napabuntong-hininga nalang si Skylaer at pinanood ako sa pagbabasa ng plano.

"I'll go ahead, Sky."- ako na nagmamadaling tumayo. "Can I borrow a gun?"

Tumango si Skylaer at pumunta sa kwarto.

Pagkalabas niya, inabot niya sakin ang isang revolver pati isang bulletproof vest.

"Isuot mo yan, proteksyon kung sakaling masali ka sa gulo. Ingatan mo ang sarili mo, Winter, dahil pag napano ka, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko.''- he said then embrace me.

" Thank you, Sky. Mauuna na ako."

PHOEBEE'S POV

Nasa warehouse na ako kung saan ang transaksyon ay magaganap.

I'm too nervous because my two brothers can't take charge of this mission kaya mag-isa ko itong ginagawa.

Although, sanay naman ako mag-isa pero ngayon lang talaga ako kinabahan.

"Ms. Ferrer? Pinapatawag ka na ni bossing."- isang babaeng hindi ko alam kung ano ang katayuan dito. But she looks like a decent woman.

Pumasok ako sa kwarto kung saan yung itinuro nung babae.

Pagkapasok ko.

Sumalubong ang isang malakas na suntok na nailagan ko.

I fought back, when one guy took a gun and pointed it to me.

"What is this all about?!"- I said.

Tumawa yung lalaki.

"Late ata ang mga kasamahan mo para protektahan ka. Oh sorry, wala na silang maaabutan."- yung lalaki, at sinugod ako.

I just make defense, kasi di ko talaga siya kakayanin.

May pumalo sa likod ko.

"Aww!'- sigaw ko.

Nasuntok ako nung lalaki at itinapat sakin yung baril.

Napapikit ako at...

*BANG*

Wala akong naramdamang tumama sakin, kaya nagmulat ako.

Nakita kong nakahiga na sa sariling dugo yung lalaki.

I looked at the person who did that pero nanlabo ang paningin ko.

Naaninag ko nalang.

Then something went black.

UNO'S POV

Dali-dali kaming pumunta sa ospital na tumawag sa amin dahil nandun daw si Phoebee.

"What happened to Phoebee?"- si Winter.

"Let's ask her pagkadating natin dun. Hindi ko rin alam."- I replied.

Pagkakuha namin ng room number ni Phoebee, agad kaming pumunta.

The Mafia Heir's Nerd WifeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!