"Charis, huwag ka namang magmadali. Huy! Hintayin mo ako! Ay t-teka, ano ba 'to?" Nawala na. Nagblend in na si Charis sa napakalaking crowd. Ito siya, iniluwa na pabalik. Sinundan niya si Charis pero hindi niya na makita. Nagkahiwalay na tuloy silang dalawa. Bigla siyang natakot kasi wala siyang kilala sa mga taong ito. Kahit pa sabihing nasa University sila ay natatakot siya.
Pinapagitnaan siya ng mga tao at lahat ng mga ito naghihiyawan. Kaya ang ginawa niya, kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang best friend. Naman naman! Hustiyan, asan na? Pag ako nawalan ng gana, mang-iiwan rin ako.
"Sht." Napamura siya nang biglang may sumiko sa boobs niya. Ang sakit. Tiningnan niya kung sino ang pontio pilatong sumiko sa kanya pero hindi niya na malaman sa dami ng kamay na kumukumpas. Uminit na lang bigla ang ulo niya dahil nakasinghap rin siya ng sigarilyo. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay sigarilyo. Wala nan gang magandang naidudulot sa katawan, eh ginagawa pang passive smokers ang mga tao. Nakakairita.
Kinuha niya ang bag na Jansport at nilagay sa dibdib niya. Sinukbit niya nang pabaligtad at nilagay sa magkabilang braso ang strap nito. Shield armour sa mga bastos na walang modong, party goers, at insensitive sa 5'4" ang height. Kitang may kaliitan 'yung tao, pero who cares?! No one! Kahit si Charis, binitin siya. Hindi niiya talaga maintindihan.
Kaya nag-decide na siya. Uuwi at magtetext na lang siyang nauna na siya. Hindi niya na kakayaning maging livid sa "Livid" na concert na ito. Wala na siya sa mood, kulang pa siya sa tulog, at naha-high blood siya sa mga tao rito. Nasiko ba naman ang boobs niya?! Hustisya naman 'dyan 'di ba?!
Tinawid niya ang daan papuntang exit. Nang sa wakas ay makawala siya sa mga nagdadagsaang mga aso este tao pala, ay huminga siya ng malalim. Freedom! Kailangan niya munang i-text si Charis kasi kahit ganoon 'yun, mahal na mahal niya 'yun. She kinds of understand her actually. Nonstop itong nagsasalita about Livid. May posters ito at CDs sa bahay nila. Pero siya? She's a total bore. Gusto niya ng matulog at wala siyang amor sa Livid. Although sa sobrang pagiging obsess ni Charis kilalang-kilala niya na ang mga ito. Kevin the bassist, Keith the drummer, Nikolo the rhythm guitarist, and Josh the vocalist.
Alam niya rin kung ilang DVDs na ang na-burn ni Charis kaka-save lang ng mga videos mula sa Youtube at kung saan-saan pang sites. Part rin ito ng fan club ng Livid. Isa ito sa mga organizers sa mga meet-ups ng Mindanaoans. Fangirling x 100, right? Pinower on niya na ang cell phone niya at nakitang meron siyang isang text mula kay kuya Ferdie niya,
"Far, malapit na akong umuwi. Ano gusto mo? Baka may boyfriend ka na diyan ha? Ipakilatis mo muna sa amin nang maupakan naman. *peace*"
Napangiti at napailing na lang siya sa kuya niya. She texted back,
"Kuya!!! I'm so glad you texted. Yes, meron na nga akong boyfriend. Sige papakilala ko sa 'yo. Peace rin in advanced! Hihihi" Nagsend pa siya ng kiss na emoticon at isang peace sign. Nagsend siya at nagulat siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nataranta pa siya kasi tumawag nga ang kuya niya. Gosh!
"Kuya? Yes, ano?! Naniwala ka naman sa akin! Syempre, single ako. Lol. Kaw talaga. T-teka? Ano? Aaah, maingay. Kasi, nasa concert ako eh. Ha? Concert ng Livid. 'Yung Boy band na crush ni Charis, oo sinamahan ko. Kuya, tatawag na lang ako mamaya. Low battery na ako eh. Sige. Bye."
Natatawa pa rin siya. Hindi niya gaanong marinig ang kuya niya kasi sobrang hiyawan na ang mga tao. Jusko ever talaga. Ang laki ng fan base ng group na ito ah? Ay oo nga pala, si Charis!
To: Bestie
"Cha? Asan ka na? Uuwi na lang siguro ako. Hindi na kasi kita makita kanina eh. Andito ako sa left aisle ng railing. Malapit sa exit. Reply please." Sinend niya na at luminga-linga. Safe naman dito kasi malapit siya sa mga guard. Ang sistrikto pa. Tumambay na lang muna siya doon.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)
Teen Fiction[Tagalog Story][R-13] The idea of having them both in one place would be impossible. They simply clashed. She hates his guts. He hates her guts too. No one dared to surrender to what they actually called "silly" little fight. Both of them badly wan...
Fara & Josh
Magsimula sa umpisa