Chapter 15: Spy

3.2M 69.4K 15K
                                    



Ang aga-aga, inutusan ako ni Mama na pumunta sa mall para kunin 'yong damit na gagamitin niya sa kasal na pupuntahan niya.

Okay lang namang utusan niya ako pero pinasuot pa kasi niya sa 'kin 'yong dress na binigay ni Yaya Linda. Kahit anong pag-ayaw ko, hindi ko natanggihan si Mama.

Pagdating ko sa TriNoma, naisip ko na lang mag-Starbucks. Malapit na ako sa SB sa taas ng TriNoma nang bigla naman akong natapilok. Feeling ko, lahat ng tao roon, pinagtawanan ako. Nakakahiya naman, naka-dress pa naman ako. Lupa, kainin mo na ako, now na!

Habang nasa sahig pa rin ako, may kamay akong nakita. Pagkakita ko sa mukha ng tumulong sa akin...

"IKAW?!" sigaw naming pareho.

"Anong ginagawa mo rito?" pagtataray ko.

"Hoy, Betty, sa 'yo ba 'tong mall?" Panira talaga ng araw ang Jeydon na 'yon.

"Betty mo ang mukha mo! E, bakit mo ba ako tinulungan, ha?"

"Akala ko ibang tao, 'yon pala, pangit na nerd lang ang makikita ko!"

Gano'n? So kapag alam pala niyang ako 'yon, hindi niya ako tutulungan? Tapos kapag ibang tao, tutulungan niya? Ang sama talaga ng ugali. 

"Whatever. Umalis ka na lang! Panira ng araw."

Dumiretso na lang ako ng SB. Um-order lang ako ng Strawberry Frappe. Humanap ako ng upuan sa labas. Sana lang, huwag na akong guluhin ng unggoy na Jeydon na 'yon.

"Hi, Betty!" Kakasabi ko pa lang, ayun na naman po siya, ready na namang manggulo. Malas ko talaga.

"Pati ba naman 'pag weekends sisirain mo ang araw ko? Magpahinga ka naman!"

"Ang yabang mo na, ah! Dati nga, nagpapapansin ka pa sa 'kin. Bakit, si Troy na ba ang tagapagtanggol mo ngayon?" Tapos tawa siya nang tawa. Aba! Naka-flip-top pa si mokong. "Tsaka porket ba gumanda nang one percent 'yang damit mo, feeling maganda ka na?"

"Papansin ako sa 'yo? In your dreams! Bakit ba ganyan ang getup mo? Saang magasin mo ba 'yan napulot? Tsong, hindi ka pwedeng maging dream guy kung ngayon pa lang, mukha ka nang bangungot."

O, ha! Napanood ko 'yon kay Abra.

"Aba, lumalaban ka na, ha?"

"O, bakit, tingin mo, papatalo ako sa isang unggoy na katulad mong feeling gwapo! Tse!" Tumayo na ako. Tinawag niya ako pero hindi naman ako lumingon. Please lang, lubayan mo ako.

Nakapasok na ako sa loob ng main mall at malayo na ako sa Starbucks. Nilingon ko 'yong likod ko, wala na 'yong Jeydon na 'yon. Kahit isang araw naman, huwag niya akong inisin. Nag-Timezone muna ako tapos nakita ko roon si Marky. Nagtago agad ako para hindi niya ako makita.

Kasama niya 'yong babaeng hinalikan niya dati sa school. Siya 'yong kaibigan ni Stacey. Chicks na chicks 'yong dating niya, walang-wala ako.

Nandoon sila sa shooting arcade, 'yong babae 'yong nasa harap tapos nasa likod si Marky. Ang sweet nila. Kahit dati sinabi sa 'kin ni Tiffany na wala namang sineseryoso si Marky, hindi ko pa rin mapigilang masaktan. Kasi kung titingnan silang dalawa... mukhang seryoso sa kanya si Marky, at kung fling o wala lang 'yon sa kanya, wow naman, ang sweet niya masyado.

Nang matapos na sila, dinala ni Marky 'yong bag ng babae. Bakit kasi napaka-gentleman niya? Nainggit talaga ako. Alam kong parang tanga 'yong ginawa ko pero sinundan ko sila, tapos nakita kong pumila sila sa sinehan. Ano kayang papanoorin nila?

Nakapila sila sa may Breaking Dawn. Ano ba 'yan? Ang lungkot, naiinggit na talaga ako, super. Pang-lovers talaga 'yon, e. Tapos dagdagan mo pa ng akbay ni Marky, nakakainis naman. Sana ako na lang 'yong babae.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon