An: Ineedit ko po itong story kaya  wala pa 'yung ibang chapters. I'm not perfect naman po kaya kung may makikita man kayo na mga errors, okay lang po na icorrect ninyo. Thank you so much. Enjoy reading.❤️ 

*****

Caela.

Nandito na kami ngayon sa cafeteria at ang daming estudyante. Hindi ko alam kung wala rin ba silang klase dahil alas-nueve pa lang ng umaga.

And what I hate is they are all staring. Ayoko nga ng atensyon pero malabo yatang mangyari iyon kapag dito ka pumapasok sa eskwelahang ito. Baka ngayon lang nagkaroon ng transferee?

"Maghanap na kayong dalawa ng table. Ako na lang ang oorder para sa atin. Ano ang gusto ninyo?" ano kayang nakain ni Michie para magsipag ng ganito?

Katulad lang ng nasa mortal world ang mga pagkain dito. Magkaiba lang ang way of serving. Human resources ang kailangan sa mortal at dito naman ay powers. Naglipana ang mga lumilipad na trays dito sa loob ng cafeteria.

"Isang slice ng chocolate cake, one lasagna, two slices of pepperoni pizza, one double cheese burger and bottled water. Thank you Mich." I kissed her cheek. Ang sipag niya talaga!

Mukhang amaze na amaze sila sa akin. Bakit? Ang konti nga ng order ko.

"Seryoso ka ba? Anong klaseng bituka meron ka? Bituka ba ng dragon 'yan?" nagtatakang tanong niya sa akin at nang lumaon ay napatawa na lang.

"Nastress ako kanina kaya huwag na kayong magtaka kung bakit ang dami kong kakainin." Natatawang sagot ko sa kaniya. Lumilinga ako para tumingin ng table na bakante.

"Sabi ko nga! Well 1 slice lang ng pizza sa akin Mich and pineapple juice."

"Okay. I gotta go. Hanap na kayo ng pwesto natin."

Tumalikod na sa pwesto namin si Michie para magtungo sa counter at kami namang dalawa ay naghanap na ng maaari naming upuan.

Hindi naman naging problema ang paghahanap dahil masyadong malaki ang cafeteria para sa aming lahat. Triple yata ang laki nito mula sa cafeteria namin doon sa dati kong school.

Nagtungo kami ni Sophia sa dulong bahagi kung saan walang masyadong estudyante. Halos lahat kasi sila ay nasa bandang unahan malapit sa pinto o kaya ay nasa gitna silang bahagi. Naiilang din ako dahil hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ang tingin nila sa amin.

"Maganda pala talaga 'yung transferee."

"Oo nga. Mukhang manika."

"Idol ko na siya. Ang astig niya kanina."

"Another weakling. Tss."

"Ano kaya ang powers niya?"

Naririnig kong mga bulong nila – ay no! Hindi pala bulong kasi naririnig ko.

Napagisip-isip ko na kahit ano palang ayos mo, mapapansin at mapapansin ka pa rin nila. Alam ko karamihan gusto ng atensiyon pero ayoko noon.

Kaakibat ng atensyon ang salitang panganib. Iyon ang natutunan ko sa dati kong school.

I sighed. Natatawang tumingin sa akin si Sophia.

"Wow! Ang lalim."

"Nakakailang kasi dahil kanina pa sila nakatingin. Bawat kilos inaabangan nila na parang hinihintay na magkamali ako. Ngayon lang ba nagkaroon ng transferee dito?" tanong ko sa kaniya.

"Yes. Bihira lang ang transferee dito at saka talagang pagtitinginan ka nila. Hindi sila sanay sa ganda mo. Aba mukha ka ba namang diyosa! Nabighani sila sa taglay mong alindog, sis. Mas maganda ka pa nga sa mga babaeng Superiors." Namula ako dahil sa naging sagot niya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!