Chapter 5..

1.7K 71 1

Flames Series 4
In the Name of Love
MIRAH
by...emzalbino

Matapos ang mainit na halikang namagitan kina Mirah at Tim ay inihatid na ni Tim si Mirah na malapit sa may hacienda ng dalaga dahil nag aalangan si Mirah na baka may makakita sa kanila at magkaroon pa ng malaking gulo.

"Tim, dito nalang ako at salamat sa paghahatid" ani Murah saka bubuksan na sana nito ang pinto ng kotse ng pigilan ni Tim ang kanyang kamay at ginagap nito saka dinala sa kanyang labi at kung ilang ulit na hinagkan hagkan.

"Thanks for this wonderful day despite of that heavy rain but it helps me a lot" nakangiting turan ni Tim kay Mirah.

Napangiti narin si Mirah habang magkahinang ang kanilang mga paningin......" Salamat din Tim sa pagpapahiram mo damit mo,tuloy gininaw ka" may pag aalalang wika ni Mirah saka napatingin sa kahubdan ng binata at napatingin sa matitipunong muscles ni Tim at ng makita niyang nakatingin sa kanya ang binata ay iniyuko niya ang kanyang ulo at biglang namula ang mukha nito dahil sa pagkakabisto ni Tim.

"It's okay sweetie dahil ito ay for your eyes only" kaylapad ng ngitingntiran ni Tim saka nito iniangat ang mukha ng dalaga at inilapit ng bahagya ang kanyang mukha....."Para saiyo ang lahat ng iyan!" mahinang bulong ni Tim na halos paos ang boses nito at mas inilapit pa ang kanyang mukha kay Mirah hanggang sa magkadikit na ang kanilang mga labi.

"Ti-Tim!" napapasinghap na sambit ni Mirah sa pangalan ng binata ng maramdaman nito ang mainit na hininga niya. Para siyang kinikiliti na hindi niya mawari ng mga sandaling iyon at ng tuluyan ng sakupin ni Tim ang kanyang labi ay napapikit nakang siya upang namnamin ang mainit na labi ng binata hanggang sa natagpuan niya ang sariling tinutugon ang mapupusok na halik ni Tim.

Halos tumagal ng limang minuto ang paglalapat ng kanilang mga labi at parang ayaw pang bumitiw ni Tim ng mga sandaling iyon dahil paulit ulit niyang dinampian ng halik na para bang nanggigigil.

"Mirah sweetie, you don't answer me yet kung pwede ba akong maging nobyo mo?" paanas na tanong ni Tim habang ang labi nito ay nakadikit parin sa labi ni Mirah na hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ng dalaga at titig na titig sa mga mata nito.

"Kailangan ko pa bang sagutin iyon eh nakailang halik kana" sagot ni Mirah kay Tim na ikinangiti ng binata.

"So it means na ako na ang nagmamay ari nito" kaytamis ng ngiting sabi ni Tim saka ipinatong ang kanyang kamay sa may tapat ng puso ni Mirah.

"Oo Tim, pero sana ay wala munang makakaalam nito dahil hindi pa ako handa sa kung anumang pwedeng maging consequences pag nalaman nila daddy at mommy. Let us keep it private muna para wala gulo saka na natin ipahayag sa lahat kung talagang tayo nga ang para sa isa't isa" nakikiusap na wika ni Mirah.

"Okay my sweetie, I understand you. Basta kung may problema ay sabihin mo lang sa akin para alam ko at maagapan natin agad" masayang turan ni Tim saka niyakap ng mahigpit si Mirah at muling naghinang ang kanilang mga labi ng may pagmamahal at buong pagsuyo.

.....

Pagkababa ni Mirah sa kotse ni Tim ay nilakad nalang niya ang ilang distansiya sa bungad ng kanilang hasyenda. Nakahalukipkip itong naglalakad habang sa mga labi niya ay kay tamis ng ngiting naka plaster.

Pagbungad palang niya sa may main door ng kanialng bahay ay nakaabang na ang kanyang mommy sa kanya na nakakunot ang kanyang noo.

"Oh anak bakit ngayon ka lang? Saan mo nakuha ang suot mong damit?" agad na tanong ni donya Merced sa kanyang dalaga.

"Ang lakas po kasi ng ulan at nabasa ako kaya pinahiram nalang ako ni Steve iyong boyfriend ni Santhana ng kanyang long sleeve na nagkataong dala niya ng makita niya akong basang basa dahil nakalimutan kong magdala ng payong" pagsisinungaling ji Mirah sa ina nito dahil baka magtanong pa ito ng kung anu ano.

Flames Series 4....In the Name of Love...."Mirah"....by...emzalbinoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!