Chapter 14: Mall

3.3M 69.5K 16.4K
                                    


"Candice?"

"Candice?"

"Huy, Manang!"

Ako ba? Ako ba 'yong tinatawag ni Kuya?

"Candice!"

Ouch! Ang sakit sa tenga. "Kuya naman, e! Ano ba? Bakit mo ako sinisigawan, ha?"

Binatukan niya ako. Ang sakit, ah. Ano ba kasing problema ng lalaking 'to?

"Kanina pa kita tinatawag! Ano bang nangyayari sa 'yo? Simula noong umalis si Troy, ganyan ka na."

Nawala pala ako sa sarili ko, hindi ko alam na gising na pala ang magaling kong kapatid. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Noong nangyari 'yong kagabi, wala raw sa party si Marky tapos nakita ni Troy dati 'yong dog tag na 'yon sa kanya. Isa lang naman 'yong pwede kong gawin: tanungin si Marky. Pero ayoko rin kasi kung hindi naman siya 'yon, e di, mapapahiya na naman ako.

At kung totoo man, bakit naman ako ililigtas ni Marky?

Isang Marky Lim. Saksakan ng gwapo, habulin ng mga babae, mayaman, malakas 'yong dating, malakas 'yong sex appeal. Lahat na. Tapos ako? Isang nerd, weird, pangit na babae. Imposible naman.

"Anong oras ba darating si Mama?" tanong ni Kuya.

"Kuya, sa tingin mo ba, may magkakagusto sa 'king gwapo?"

Biglang naibuga ni Kuya 'yong tubig na iniinom niya. Buti na lang, malayo ako sa kanya.

"Siyempre!"

"Talaga?"

"Siyempre wala!" tapos tumawa siya nang malakas.

"Ang sama mo talaga!" Hinampas ko nga siya ng basahan.

"I'm just telling the truth. Tingnan mo nga ang sarili mo. Tapos gusto mong may magkagusto sa 'yong gwapong lalaki?"

"Tinanong ko lang naman."

Magsasalita pa sana siya kaso biglang may nag-doorbell. Tumakbo agad ako para tingnan kung sino 'yong dumating.

"Yaya!" Niyakap ko agad siya.

"Hi, Candice. Na-miss kita, gyud."

"Ako rin! Miss na kita, Yaya!" Kinuha ko 'yong hawak niyang bag tapos pumasok na kami sa bahay.

"Hi, Yaya! Kumusta ang bakasyon?"

"Okay naman, Charles. Nasaan pala ang mama mo?"

"Umalis po. Akin na 'yang bag n'yo, Yaya, dalhin ko na sa kwarto mo." Gentleman kapag sa iba, pero kapag sa 'kin, hindi.

"Yaya! May pasalubong ka ba sa 'kin?"

"Oo naman, para sa paborito kong alaga. Tada!"

Nilabas ni Yaya 'yong mga damit na mukhang ewan.

"Yaya! Hindi ako nagsusuot ng dress at maiikli, tsaka fitted 'yan! Hindi naman ako sexy!"

"Ano ka ba naman, Candice? Sexy ka kaya. Alam mo, nagbebenta kasi ng mga damit 'yong anak ko online tapos sabi niya, ito na lang ang mga ipasalubong ko sa 'yo."

Ayoko ng ganoon, hindi rin naman bagay sa 'kin.

"Thank you, Yaya, pero hindi ko rin 'yan magagamit."

"Tama, Yaya!" Bumalik na si mokong. Sinamaan ko nga ng tingin. "Ang mga type niyan, pang-manang!"

"Ang kapal mo! Porket mahilig ako sa desenteng damit, manang na?"

"Hello? Hindi naman pang-pokpok 'yang dala ni Yaya. Sabihin mo, natatakot ka lang isuot kasi hindi bagay sa 'yo!"

"Sige, isususot ko 'yan!" Kinuha ko 'yong damit. "Sa ibang araw." Nagtawanan pareho si Yaya at si Kuya. "Aakyat na nga ako!"

Umakyat ako sa kwarto ko. Nakakainis si Kuya, ang lakas mang-asar!

Sinukat ko 'yong damit na ibinigay ni Yaya Linda. Pagkaharap ko sa salamin, akala ko, hindi ako.

Mukha na akong tao! Joke. Pangit pa rin ako.
Nagbihis agad ako tapos humiga sa kama ko. Hindi ko pa rin maialis sa isip ko kung sino ba talaga si Prince Charming. Si Marky nga kaya? Imposible naman.

"Mababaliw na yata ako."

Naalala ko bigla 'yong lalaking humalik sa 'kin, 'yong first kiss ko. Kahit ilang beses ko pang gustong burahin sa alaala ko 'yon, hindi mawala-wala, e. Sino kaya 'yon? Biglang may idea na na-stuck sa isip ko. Posible kayang 'yong lalaking humalik sa 'kin at si Price Charming ay iisa?

Kung anu-ano na 'yong naisip ko kaya minabuti kong matulog na.

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon