10-Number One and Twenty One

783 17 0
                                    

Nagconvoy nga kami ni Josh. So far, Im enjoying his company. Hindi pa naman ako nabobored. So far. And I'm hoping that it will continue.

Tumigil kami sa isang bar. Get Wasted ang pangalan noon. Madalas kami roon ni Ronna at ng boyfriend niya.

"You okay here?" Tanong niya nung makababa kaminsa kanya kanyang sasakyan at magkalapit.

Tumango ako. "Of course. Madalas kami rito ng friend ko." Sabi ko at ngumiti.

Iginiya nya ako papasok sa loob ng bar. Agad na napuno ng ingay at amoy ng sigarilyo sa loob. I miss this. O dapat bang sabihin na i will miss this? Paano kaya kapag mag asawa na nga ako? Tss.. I dont want to even think about it.

Umupo kami sa isang part ng bar na medyo nasa sulok at malapit ng kaunti sa dancefloor.

"Gusto mo bang sumayaw o inom muna tayo?" Tanong ni Josh. Ngumiti agad ako sa kanya.

"Mas gusto ko kasing uminom muna bago magsayaw." Sabi ko.

"Cool. Same here." Pagkasabi niya noon ay saktong dumaan ang waiter at tinawag niya ito. Kumuha siya ng mga inumin na pricey at nakakatuwa na pareho lang kami ng gusto.

"So, Dy, why did you suddenly changed your mind about us. Akala ko nung tinapos mo na ang date natin ay hindi mo ako type."

Napanguso ako nang maalala kung ano ang inasta ko nung panahong iyon.

"Im really sorry about that, Josh. Nagkataon lang na masyado akong pressure about my Dad asking me to settle down. Just like your case, ayoko rin na matali agad. And worse, ayokong matali basta basta sa taong hindi ko naman mahal." I honestly answered.

Tumango tango siya. "And now?" Tanong niya. Parang ginagawa niya rin yung mga tinanong ko na kanina. Pareho siguro kaming nagtataka.

"Well..." Paano ko ba sasagutin ito? What made me changed my mind nga ba? Diba dahil ito kay Kean? Dahil ito sa kanya. I dont want him but i want him too. And i dont want to be left with no choice. And now I know Im also enjoying Josh and his company.

"Well?" Medyo natagalan ako sumagot.

"I just thought its unfair that I didnt gave you a chance." Simpleng sagot ko. Pero parang kahit ako ay naguluhan sa sinabi ko kaya dinugtungan ko iyon. "Chance to know you more, to let you know me, chance to see that you dont see me as business." Pagkasabi ko noon ay awkward akong ngumiti.

Ngumiti rin siya. "Ako lang ba ang binigyan mo ng chance? Ang alam ko marami kang tinry i-date?"

Ngumiwi ako. "Thats my father's doing. Gusto niya kasi na may options ako. Siya rin yung pumili nung mga tao. And yes, ikaw lang ang binigyan ko ng chance."

He smirked. "With the reason of?" Naglalaro ang ngiti sa kanyang labi.

Hindi agad ako nakasagot. No, i dont wanna answer that.

Ngumiti na lang ako na may mensaheng hindi ko iyon sasagutin.

He chuckled softly. "Its okay. To know that I am the only one you gave the chance is enough for me."

Napangiti ako. Hindi ba dapat ay kiligin ako? Bakit hindi? Argh. Its okay Nadynn. Getting to know each other pa naman kayo.

Eh bakit kay Kean? Bakit sabihin niya lang na gusto niya ako kaya nya ako papakasalan ay halos masuka na ako sa sobrang paglalaro ng mga paru-paro sa tiyan ko?

Kahit sarili kong tanong, hindi ko nasagot.

Nagkwentuhan pa kami ni Joseph habang nagsa-shot. Normal lang ang atmosphere. Yung tipong pasimsim-simsim lang kami sa iniinom namin.

Tumatawa ako sa mga kwento niya about sa pagloloko niya minsan sa trabaho at pang iinis niya sa kanyang Daddy. Na minsan tumatakas siya at kung anu-ano pang kalokohan na hindi mo mai-expect sa kanya on first glance.

Habang malaki ang ngisi ko ay parang may naramdaman akong kakaiba. Like there is something wrong.

Nagpalinga linga ako sa paligid at nagmasid kung may unusual ba. Wala naman. Bumalik ako sa kwentuhan namin ni Josh.

Ilang sandali pa ay naubos na namin ang isang bote ng mamahaling inumin. Medyo tipsy na rin ako at alam kong namumula na ang hasang ko. But seeing Josh, parang wala pa siyang tama.

"Do you want another bottle?" Tanong niya.

Ngumiti ako at umiling. "Mamaya na lang ulit. Let's dance muna." Pagkasabi ko noon ay pumunta kami sa dancefloor. Maganda ang tugtog at nakakapasayaw talaga. And me as a party girl, hindi ko pinapalampas ang magandang musika lalo na at nasa dancefloor na ako.

So i danced to the rhythm os the music. Its not something like a lewd dance but it can be in others eyes. Pero para sa akin eh hindi pa ako nagdidirty dancing.

Sumasayaw rin si Josh at nakakatuwa na parang nakalabas kami sa hawla. Para kaming nagwawala na baliw dahil pareho kaming nakangisi.

Habang nagsasayaw kami ay nagawi ang tingin ko sa isang sulok kung saan dim ang lights at kita ko ang grupo ng mga taong nakaupo doon. Bawat isa ay may mga partners. But one man caught my attention. Kean...

Napawi ang ngisi ko at medyo bumagal ang pag-indak ko dahil sa tingin niya. His eyes were deep. Deep and dark. Nakakunot ng bahagya ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Sa akin lang nakafocus ang mga mata niya.

Prang matutunaw ako sa kinatatayuan ko. Ganun anng uri ng tingin na binibigay niya sa akin. Parang hini-hypnotize niya ako. Para bang gusto kong lumapit sa kanya.

Bakit ganoon siya matingin? Is he angry? Bakit parang galit siya o naiirita?

Nagawi ang tingin ko sa babaeng katabi niya. I pinatong kasi nito ang kamay nito sa hita ni Kean at nakita kong humahaplos iyon doon. Napataas ang kilay ko at nang tumingin ako sa kanya ay nakaangat na ang sulok ng kanyang mga labi. What the hell.

Iningusan ko sila at bumalik na sa pagsasayaw. Wala akong pakialam sa kanya at ng babae niya! Magsama sila!

Want You To Want Me (TFHNM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon