BOOK 2- Chapter 21

1.3K 27 0
                                    

CHAPTER 21

"Unconsciously, we are depending our lives with our loved ones. We'll get sick if we don't see them. We'll get weak if we're not beside them. And consciously, we know that we can still live without them but with an unpumping, fragile, bloodless heart."
-c.




DAMON'S POV



"Diba ang sabi ko itapon niyo na 'yang mga 'yan!" Sabi ko nang makita pa rin ang mga kung ano anong nakakalat sa kama ko.

"Sayang, bro! Ang dami oh!" Hinawakan ni Traz ang isang teddy bear.

"Nag-effort sila para dito." Segunda pa ni Michael.

"Iuwi n'yo kung gusto niyo." Tinalikuran ko na sila para makaligo na.

Alam nilang bumalik na ako sa condo ko kaya sumugod sila dito at may dalang inumin. Hinayaan ko na silang mag-ayos habang naliligo ako.

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Gibrielle. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita, miss na miss ko na siya, at gustong gusto ko na siyang mayakap. Pero isang linggo na akong nagtitiis at nasasaktan dahil sa magkalayo kami. Nung minsang araw lang, pumunta si Hunter sa ospital para makibalita. Sa doktor siya lumapit dahil hindi rin siya papalapitin nina Ate Hershey. Aniya'y muntik ng sumuko ang puso ni Gibrielle, pinagsakluban ako ng langit at lupa nung oras na iyon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Imbes na gumaling na ang mga pasa ko ay nadagdagan pa sa kamay nang suntukin ko ang isang poste.

Sa tuwing maaalala ko ang mga pangyayari, hindi ko maiwasan hindi maging emosyonal. I will forever blame myself for what had happened. Kung hindi dahil sakin, hindi nakaratay sa ospital ang babaeng pinakamamahal ko. Ako ang dapat na nabaril at hindi na siya dapat nadamay. Nagkulang ako. Hindi ko siya naprotektahan. Paulit-ulit kong ipapaalala sa sarili ko ang kasalanan kong iyon.

Pagkalabas ko ng banyo, naabutan ko silang nag-iinuman na sa sala. Wala na ang mga regalong pinadala ng kung sino sinong babae sa akin. Hindi ko pansin lahat ng iyon, wala akong pakialam kung nag-effort silang lahat para doon. Alam nilang nag-iisa lang ang nasa puso ko... si Gibrielle lang.

"Bro, carbonara, pinadala ng mommy mo." Ani Brix.

"Sige lang," sabi ko na lang.

Dumiretso ako sa kwarto ko at iniwan sila sa sala. Nagbihis na ako at umupo sa kama. Nilingon ko ang phone ko, nakatitig lang ako sa text conversation namin ni Gibrielle na hindi na nasundan pa. Ang huling text ko pa sa kanya ay pagkukulitan namin nung gabi bago 'yung opening ng sportsfest. Tinawagan ko kasi siya at kinantahan kahit na alam ko namang panget ang boses ko, kaya tawa siya ng tawa.

Sunod kong tinignan ang mga pictures namin. Miss na miss ko na talaga siya. Ni hindi ako makapag-focus sa pag-aaral dahil sa siya palagi ang naiisip ko. Malapit na rin ang finals pero hindi pa ako nag-rereview. At dahil sa akin, nahuli na sa mga lessons si Gibrielle. Baka hindi pa siya makapag-take ng final exams.

Araw araw na ang pananalangin ko na sana gumising na siya at gumaling. Pero masyado siguro akong maraming kasalanan kaya hindi ako pinapakinggan ng Panginoon. Saka ko naalala 'yung first monthsary namin ni Gibrielle. Dinala ko siya sa simbahan sa parokya. Doon ko talaga siya balak dalhin kaso nauna 'yung pagpunta namin sa airport dahil gusto niyang magpaalam kay Reige. Pero pagkatapos naman nun ay nadala ko na siya sa simbahan.

"Lord, I may not be speaking to You regularly but I am here not to seek for any hopes or wishes. I am just here to thank You for giving this girl to me. You know that I am not asking for a person who will literally change my life. Even so, you gave this person not just to be a someone but to be my everything. She is my life now, hence I will not set her free. I would die if she'll leave me. I want her to be mine for the rest of my lifetime and even my eternal life. Things aren't sure. Promises aren't sure. But this feeling? This feeling is infallible. I am certain." Hinalikan ko siya sa labi saka siya niyakap.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon