TWENTY FOUR

45.3K 1.6K 84
                                    

Disturbing

Agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo si Gabriel nang makita niya akong papasok sa dining area. Nakaupo sa kabisera si Jack. Sa kanan nito si Tiya Leonora na nakangiti ng alanganin sa akin.

Sinalubong ako ni Gabriel at hinalikan sa pisngi. "I'm glad you're still here."

I don't understand myself why I can't hate Gabriel too much. Kung tutuusin, lahat ng ito ay nag-ugat sa kanyang desisyon. Pero ang makita ko siya ngayong buhay at nakangiti ay nagpapagaan sa kalooban ko. I can't judge him because I wasn't there when he faced his hardest battle in the first place. At kahit wala ako sa tabi niya ng mga panahong iyon, alam kong hindi madali ang pinagdaanan nito. Mahirap mag-isa. I can attest to that myself. Pero iba ang sa kaso niya. Mag-isa na nga siya, may karamdaman pang taglay. I could hardly imagine the fear he had gone through. And I'm proud of him. Dahil nalagpasan niya iyon ng mag-isa. And here he is, standing in front of me, smiling like he has no problem at all.

"Sabi ko naman sa'yo dito muna ako habang nagpapagaling ka pa. Okay na ba pakiramdam mo? Nahihirapan ka pa bang huminga?"

He shook his head. "Maayos na ako. Halika. Let's have breakfast." hinila niya ako sa kamay palapit sa mesa at pinaghila na rin ng upuan katabi ng sa kanya.

"Good morning, Julianne." bati ni Tiya.

"Good morning, Tiya." tipid kong sagot. Sinulyapan ko si Jack na nakayuko sa kanyang pagkain. Hindi ito nag-angat man lang ng tingin o sumulyap man lang.

Pinaglagay ako ni Gabriel ng ham and bacon sa aking plate. Habang ginagawa niya iyon ay kinuha ko ang bowl na may fried rice.

Maagap na kinuha ni Gab iyon. Nagbanggaan ang aming mga kamay kaya kumalansing ang bracelet na suot ko.

"Nice bracelet." komento ni Gab. This time, nag angat ng tingin si Jack at tumama ang kanyang titig sa aking palapulsuhan.

"Uhm. Thanks." sa isip ay minura ko ang sarili kong bakit hindi ko naisipang tanggalin ang bracelet na bigay ni Jack.

"Yeah. Nice bracelet." panunuya ni Jack. Bumaling sa kanya si Gabriel na may tanong sa mukha.

"From you?"

"Yeah. It's my gift for her as we mark our second monthsary. But don't worry brother. Paniguradong itatapon na niya ang bagay na yan ngayon since wala na yang halaga." mapait na salita nito at sinabayan ng tayo. Nagpunas ito sa bibig gamit ang table napkin at pabagsak na binitawan niya ito sa plato. Sa nakikita ko ay hindi pa tapos itong kumain.

Napakagat labi lamang ako habang nakamasid sa kanya. Gusto kong magsalita ngunit wala akong alam na sasabihin. So, he really knew about the 'monthsary' thing after all. At ewan ko ba, may kung anong init ang humahaplos sa puso ko.

"I don't think so. Knowing Julianne, I'm sure she will keep things which are important to her."

Jack scoffed. "Newsflash brother, I am not important to her anymore." he sighed. "I'd better get going. Enjoy the rest of the day, everyone."

Sinundan lamang namin ng tingin ang pigura ni Jack na naglalakad palayo sa dining area. Nang maglaho na ito ng tuluyan, saka pa lang ako humigit ng hininga. Kanina kasi ay parang ang sikip ng silid sa aming tatlo.

Tumikhim si Tiya. "Gab, ang gamot mo huwag mong kakalimutan."

"Yeah Tiya. I know." he smiled.

Tumayo ang Tiya. "Mauna na ako sa inyo at didiligan ko pa ang aking hardin. Kumain ka ng marami Julianne. Pakiwari ko'y nabawasan ka ng timbang."

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon