Chapter 2

57 4 3
                                    

Chapter 2 – J.Co Donut

It's now official I'm part of their gang. Hindi pa ko nga pumapayag dineklara na nila na kasama na ako sa barkadahan nila. Kumbaga, tanggap na ako sa frat after kong maranasan ang hirap ng hazing. Mabuti na lang walang ano mang pangalan ang barkadahan nila.

"Juanito! Di ka talaga maano! Hayop ka pa rin sa barilan!" galit ni Craig. Nandito kami sa Quantum at tulad nga ng sabi ni Ericka lahat ng expenses ay libre ni Blue. Pinapanuod kong mag sayaw si Rielle at Anicka sa Dance Central habang kinakain ko itong J.Co na libre sa akin ni Ericka.

"Isali niyo naman si Shantal!" sigaw ni Blue sa likod ko. Pero mukhang hindi naman siya narinig nung dalawa. Mabuti naman. Marami na rin tao at sobrang ingay na. Isama mo pa ang mga nanunuod sa kanila. Dahil doon naasiwa ako at lumabas ng Quantum.

Ang ingay. Kabadtrip.

Pumwesto na lang ako sa bakal at dumungaw sa first floor. Ano kayang feeling ng mahulog dito?

"Magpapakamatay ka ba?" sa gulat ko nabitawan ko yung donut na malapit ko ng maubos. Napatakip na lang ako sa bibig sabay talikod nung may nahulugan nito na nakaputing uniporme! Tawa naman ng tawa itong katabi ko.

"HAHAHAHA. Tumingin sa akin ng masama yung babae. Umalis na tayo dito baka sugurin tayo!" tapos hinatak na niya ako kung saan man. Nalaman ko na lang na nasa loob na kami ng department store.

"Kasalanan mo ito eh!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Nag comment lang naman ako sa sinabi mo. Ikaw kaya may kasalanan, ikaw naman naghulog nung kinakain mo." Hindi ko na lang siya inimik at naglakad lakad ako. Ang awkward lang dahil dito pa sa stall ng mga lingerie kami napunta. Kaya naglakad ako sa mga damitan.

"Seryosong tanong; suicidal ka ba Shantal?" hindi ko uli siya inimik. Sayang yung J.Co... Peste! Tumingin ako sa orasan at naalala ko may quiz pala kami bukas.

"Anong oras kayo uuwi?" tanong ko. Tumingin naman siya sa relo niya.

"Ewan ko sa kanila. Uuwi ka na?" tumango na lang ako. Nababadtrip pa rin ako sa kanya.

"Pwede bang pakisabi mauuna na ko? Kailangan ko ng umuwi eh..." hindi ko na siya hinintay sumagot iniwan ko na lang siya doon. Mabuti na lang talaga nakauwi na ako sa dorm bago umulan ng malakas. Ang malas naman nila.

Nung gabing iyon ang daming nagtext sa akin. Yun pala hiningi nila ang number ko kay Ericka tinext nila ako na 'huwag ako basta basta uuwi pag kasama sila kasi naghahatiran pala sila'. As in pareparehas sila ng text. Whatever!

Dumating ang araw na pinakakaayawan ko. Biyernes ng gabi. Uuwi na ako sa amin. Ganito kasi ako kapag weekends umuuwi sa amin tapos babalik ako ng Lunes. Nakarating ako sa amin pasado alas diyes na ng gabi. Nasa sala si Papa nanunuod ng movie nung dumating ako. Tulog na siguro si Mama.

"May kanin at ulan diyan. Kumain ka na ba?"

"Opo."

"Sige. Magpahinga ka na. Kakauwi lang din ng kuya mo..." hindi ko na siya inimik doon at pumasok na ako sa kwarto ko. Kailan ba kasi mag-aasawa yang kuya ko ng umalis siya dito sa bahay. Pero sino ba naman ako para humiling niyan eh ampon lang naman ako. Tinulugan ko na lang ang thought na iyan at humiling na hindi ko sya maencounter bukas.

Morning routine namin kapag umaga ay sabay sabay kakain. Umupo ako sa tabi ni Aaron habang nagpapalaman siya sa pandesal.

"Kumusta anak? Nabili mo na ba lahat ng kailangan mong libro?" tanong sa akin ni Mama.

"Opo" pero ang totoo hindi ko binili yung pang minor.

"Aaron, di ba kayo nagkita ng kapatid mo nung nakaraan? Halos dalawang linggo din namin hindi nakita kapatid mo." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Please lang, Ma.

Captivating a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon