ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴇʟᴠᴇ° ᴛʜᴇ ᴍᴇᴇᴛ ᴜᴘ

20.1K 639 20
                                    

FRANCESS


Napakaweird tingnan ng klase namin na nagcocooperate lahat. Seryoso. But it felt really good. Wala nang away. Peace at last.

Kapansin pansin naman na nag-aadjust pa kaming lahat dito sa sitwasyon namin. I mean, never ko kayang naisip na makakapagpractice kami ng ganito ka-peaceful. Pero atleast we're trying. Lalo na 'yung dalawang leaders namin. Kulang nalang dati magpatayan na sila e. Tapos ngayon…wow. Magandang duo sila kapag nagsanib. Napapasunod lahat e.

Habang nagpapractice kami, biglang nagring 'yung phone ko at nakita ko 'yung mukha ni Mama. I excused myself at lumabas ng room para sagutin 'yung tawag.

"Yes, Ma? Ba't ka napatawag?"

"Francess, we're going to a resto later. I want you to meet someone," diretsyong sabi niya. 

Napaawang ang bibig ko. Seryoso ba si Mama? Ilang beses ko na ba siyang sinabihan na ayaw ko makipagmeet 'dun sa anak ng business partners nila?!

"What?! Are you kidding me, Ma? Ayoko. Bahala ka diyan."

"Francess Mae Aragon—" Napapikit ako. Kapag tinawag na ako ni Mama sa fullname ko, alam kong talo na ako. "Wag nang makulit. See you later. I'll text you the details."

Pinatay na ni Mama yung tawag. Naglakad ako
papunta sa classroom para kunin sana 'yung wallet ko dahil kailangan na kailangan kong magstress eating ngayon. 

"Huy. Dala mo problema ng buong mundo? Ba't ka nakabusangot?" Hinarangan ako ni Allen nung palabas na ako sa room.

"Shut up, Allen," iritang sabi ko sa kanya. Dinaanan ko lang siya. Wala ako sa mood para sa kalokohan ngayon. Baka masapak ko lang siya.

"Hoy!" Nilingon ko siya. Susundan niya pa yata ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. 

"Leave me alone."

Napaatras siya kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nung nakarating na ako sa canteen, umorder ako agad ng pagkain at naghanap ng pwesto na pwedeng pagtaguan. Cutting, I know. Pero kailangan ko 'to para makapag-isip isip.

Ang ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman 'yung buhay ko. Sanay na naman ako na wala si Mama palagi para sa amin ni Reign e tapos ipapakasal nila ako sa hindi ko kilala?! For what? For the sake of business? Nakakainis. Why can't they do me a favor by letting me choose who to date? 

Napakashitty naman ng buhay ko.

Nagring na naman 'yung phone ko. Irereject ko na sana kaya lang nakita kong si Yssa pala 'yung tumatawag kaya sinagot ko. Malamang e nag-aalala na 'to si Singkit. Matatapos na kasi 'yung period pero di pa ako nakabalik sa room.

"Hey. Where are you? Papunta na si Ma'am!"

"Somewhere," sabi ko sa kanya. Knowing her, pag sasabihin ko kung nasaan ako malamang susundan niya ako at pababalikin sa room. No thanks.

"Specific location please?" 

"Not a chance."

Tumahimik saglit 'yung kabilang linya. "Fine. But can you atleast tell me why?" Narinig ko sa kabilang linya 'yung sigaw ng isa naming kaklase na nandyan na raw si Ma'am.

"Sasabihin ko mamaya. See you pag-lunch. Ciao," I told her saka pinatay 'yung tawag. 

Napabuntong hininga nalang ako. Hot seat na naman ako nito mamaya.


***


"What?!" kunot noong reaksyon ni Yssa. "Alam ko dati pa na may balak silang ganyanin ka but don't you think it's a bit too early pa?"

"That sucks," sabi ni Kristy at saka pinapak yung ulam niyang manok. "Di ka talaga makasabi ng no? Sobrang bata mo pa."

"Kaya nga! Kaka-fourteen mo pa nga lang e tapos ipapakilala na agad sayo," pagsang-ayon ni Iris. "'Di ka pa eighteen, no. NBSB pa nga kami na mas matanda pa sayo. Baby ka pa namin!"

Umirap ako. "As if namang hahayaan ko 'yung sarili ko na makasal sa kung sino man 'yun pagkatapos kong grumaduate. Hell no."

"That's the spirit, girl!" 

Nung nagdismissal na, nagvolunteer sila Iris na ayusan ako. Kesyo family dinner daw yun at hindi ako pwedeng sumipot na nakajeans at tshirt lang. Hinayaan ko nalang. Makulit e.

"Taeng heels to," pagrereklamo ko nung natapilok ako habang naglalakad papasok sa resto. 

Napakauncomfortable ko sa suot ko! Pinasuot ba naman ako ng dress at heels. Plus, I was wearing light makeup. Di pa sila nakontento at inayos pa 'yung buhok ko! Pambihira.

Habang naglalakad kami papasok sa resto, palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. This entire meet up could actually change my life forever! Walang halong biro. 

Sa araw na 'to, makikilala ko na yung lalaki na ipagkakasundo nila sakin. And I'll make his life a living hell...hanggang sa siya na ang kusang susuko at pipilitin ang parents namin na itigil na ang kabaliwang ito.

Sinusundan ko lang 'yung parents ko hanggang sa tumigil sila sa harap ng isang table. At nung nakita ko 'yung lalaking ipagkakasundo sa akin, I was rendered speechless.

What the hell!?

"You look great tonight, sweety," Allen the Fucking Cruz said, grinning.

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon