Ansabeh ng birthday ni DJ?

Yung sinuot din ni kath yung shirt ni potpot! Warlaaaa! KV talaga! :)

Belated HBD nga pala kay Daniel!! 

--------------------------------------------------------------------------

Chapter 21

 

Mikay’s POV

 

“Mikay, tara” Biglang tumayo si Gino sabay ngiti sakin.

“Saan?”

“Sa lugar kung saan mawawala problema mo? Sheez. Drama. Hahaha”

“Oo nga. Hahaha ang drama mo. San nga kasi?”

“Sa kwarto ko. Dun tayo sa kama----aray!”

Binatukan ko nga.

^_^

Kaloko.

Kahit pala ilang months kaming di nagkausap, ganun pa rin ugali niya.

“Heh! Dami mong alam Gino!”

“Sumama ka na nga kasi sakin para di tayo masyadong gabihin sa paguwi”

“Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin sakin kung saan tayo pupunta?”

“Sa puso ko. Dun ka nararapat”

@_@

“Hahaha lakas makabanat ah!”

“Seryoso kaya ako…” Bulong niya.

Teka, tama ba yung narinig ko?

 

“Ano? May sinasabi ka ba Gino?”

“Sabi ko dun tayo sa plaza. Fiesta ngayon diba? Tara”

Hinand out niya yung kamay niya sakin.

Sasama ba ko dito?

“Hay nako mikay. Akala ko nagbago ka na talaga pero di pa pala. Di ka pa rin nagtitiwala basta-basta. Para naman tayong walang pinagsamahan niyan. Hindi kita sasaktan noh. I just want to have fun. Besides, problemado ka. You need this, right?”

I'm his TUTOR (kathniel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!