Nakita kong nauna na sila Ina at Ama kasama ang aking kapatid na pumasok sa isang napakalawak na mansyon. Sa bawat sulok ay may mga mamahaling sasakyan na nakaparada at nagliliwanag ang paligid dahil sa makukulay na ilaw at palamuti na pumapaligid sa buong Mansyon na ito. Sa gitna ay isang balong na nagpapakawala ng mga makukulay na tubig gawa ng makukulay na ilaw na pumapaligid dito. Nawili ako kahit papano habang pinagmamasdan iyon.

Naramdaman kong hinawakan ni Hoseff ang kamay ko at agad niyang ipinagsalikop ang daliri naming dalawa. Hindi na ako naka angal o nakaimik pa dahil nangingibabaw ang takot ko ngayon sa kaniya. Bukas na bukas ay babawi ako kay Kerwin. At aking pag iisipan na rin kung paano ko sasabihin sa aking magulang ang katotohanan at kay Hoseff. Nais kong gawin iyon sa mapayapang paraan. At paraan na walang masasaktan.

Sinalubong kami ng mga kawaksi na nakayuko kaming sinalubong. Sabay sabay nila kaming binati nang makapasok na kami sa mismong harapan ng mansyon kung saan nagtitipon tipon ang mga kilala at tinitingalang mga tao. Bawat sa kanila ay may magagarang kasuotan at bakas sa kanilang mga mukha ang karangyaan na tinatamasa. Sa kanilang mga kamay naman ay ang mga kopita na naglalaman siguro ng mala gintong alak.

Nahiya ako nang mag tinginan silang lahat sa aking kinaroroonan. Napuno ang ere ng mga salitang hindi ko maintindihan kung para sa akin ba. Ang iba ay ngumiti sa akin at ang iba naman ay walang ekspresyon na tumingin sa akin. Karamihan naman ay tiningnan ako, simula taas at baba. At doon ko naaalala na ang aking kasuotan ay isang simpleng t-shirt at shorts lamang!

"Lets get inside and change your clothes." Aniya sa isang malamig na tono at binitawan ang kamay ko. Inilipat niya iyon sa baywang ko at hinapit iyon. Isinandal niya ako sa sarili niya habang naglalakad kami patungo sa Mansyon kung saan ay punong puno rin ng mga tao.

Nakita ko pa nga roon si Mada'am Ida na hindi ako napansin dahil abala sa pakikipag usap sa mga taong naka pang amerikana. Nakita ko rin ang kapatid ni Hoseff na si Selena na nakikisalamuha sa isang babaeng kulay olandes ang buhok at mala porselana ang balat. At agad nanlaki ang mga mata ko nang makita uli si Ethan na nakaupo ngayon sa isang sofa at may katabing babae; magkabilaan sa kaniyang kamay. Parang kanina lang ay nasa bahay siya ng mga Castañeda? Bakit andito siya?!

Ang gulo! Naguguluhan ako.

Napabuntong hininga na lamang akong sumunod kay Hoseff habang dinadala niya ako kung saan. Mahaba ang pasilyo na aming nilakaran at napakalawak nito dahil wala man lang ni isang kagamitan. Kung meron man, iyon ay ang mga larawan ng kanilang angkan sa pader nito, ang pulang alpombra na tinatakluban ang sahig at ang aranya sa kisame na nagbibigay liwanag sa buong pasilyo.

Tumigil kami sa isang pintuan na kulay itim at agad niyang binitaw ang pagkakahawak sa akin. Kinuha niya ang kaniyang kwintas na nakatago sa kaniyang kasuotan at agad iyon hinubad. Ginamit niya ang susing iyon upang buksan ang pintuan at kasabay nito ay ang biglaang pag bukas ng mga ilaw.

Agad na nilakbay ng aking mga mata ang silid na kaniyang binuksan. Bawat sulok ay may mga kuwadro ng mga hubo't hubad na larawan ng mga babae. May mga kuwadro rin ng mga lalaki at babae na nagtatalik. Napaawang ang aking labi nang lakbayin iyon gamit ang aking paningin. Hindi kinakaya ng aking paningin ang aking mga nakikita kahit sabihin natin na iyon ay larawan lamang.

Sa kabilang dako naman ay may itim lagayan na abot hanggang kisame. Mga pigurin ng mga taong nagtatalik at mga hubo't hubad na babae. Puro itim ang mga kagamitan sa loob ng silid at wala kang makikitang ibang kulay. Maliban na lamang sa larawan at aranya na nagbibigay ng pula na ilaw. Pinapailaliman nito ang isang itim na kama.

Sa uluhan ng kama ay nakasabit sa pader ang iba't ibang pang latigo na nagpatindig ng balahibo sa aking katawan. Iniwas ko ang tingin doon at agad namang dumapo ang aking mga mata sa isang sulok ng silid na iyon. Nakita ko ang mga kadena at mga bakal na kasuotan na babae lamang ang maaring mag suot. Nakasuot iyon sa isang manikin na kulay itim din tulad ng mga ibang kagamitan dito. Napalunok akong pinagmasdan iyon.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!