Bumukas ang labi ni Hoseff ngunit hindi niya na nasimulan ang sasabihin niya sapagkat si Ina na ang nagsalita. "Kakainin na lang natin iyan bukas, Andra. Tara na at sumama sa kanila." Masayang hayag ni Ina at nauna nang lumabas ng pintuan kasama si Ama. Napabuntong hininga na lamang akong sinenyasan si Jennica na sumabay na lang.

Hinarap ko ang pintuan at nagsimulang humakbang ngunit isang kamay ang pumigil sa akin sa aking binabalak. "Oops. Don't be too excited. . . Hold my hand." Aniya at inilahad ang kaniyang kamay sa aking harapan.

"H-hindi pwede. May b-bo--." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Napaisip ako na baka maka apekto sa trabaho ni Kerwin ang sasabihin ko sa kaniyang amo. Baka ipatalsik pa siya sa trabaho o pahirapan nang husto. "Umm. Ibig kong sabihin is, andiyan lang naman yung kotse mo. Hindi ko na kailangang hawakan ang kamay mo."

Nag angat siya ng kilay at para bang gulong gulo akong pinagmamasdan. Para bang hindi niya mabasa ang tunay kong nararamdaman. Aking ipinapakita na masaya ako kasama siya ngunit sa totoo lang, halos isumpa ko na siya. Dahil kung hindi ko lang siya nakilala, mas kaunti lang ang aking problema.

"Yeah. I know. But as a future couple, we should be doing things like this. Para masanay ka na if maging tayo man." Aniya at matalim na tinitigan ang aking mga mata. Namuo nanaman ang mala demonyong ngisi sa kaniyang mukha at ang sunod ko na lamang napagtanto ay pilit niyang ipinagsasalikop ang daliri naming palad.

Napalunok ako nang paulit ulit sa mga sinasabi niya. Hindi ito maari! Malaking kasalanan ito kay Kerwin. Hindi kinaya ng konsensya ko ang mga pinagagawa ko kaya pilit kong tinanggal ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Napagtagumpayan ko naman iyon dahil hindi naman ganoon kahigpit ang kaniyang pagkakahawak.

Napaawang ang labi niya at matalim ko siyang tinitigan. Hindi ako sumang ayon sa gusto niya kaya wala pa siyang karapatan para hawakan nang ganoon na lamang ang aking kamay. Isang tao lamang ang pwedeng humawak sa akin nang ganito at hindi pwede ang dalawa.

"Why are you--."

"Hindi ako pumapayag. Respetohin mo ang desisyon ko!" Pagpuputol ko sa kaniya at muling nagmartsa patungo sa kinaroroonan ng aking magulang. Si Jennica naman ay kanina pa nauna sa akin at katabi na nila Ina. Napalunok ako nang paulit ulit nang muling maalala ang mga ginawa at sinabi niya. Dapat ko na talaga iwasan ang mga iyon kahit ito ay hindi nakikita ni Kerwin! Napakalaking kasalanan iyon para sa akin!

"Fuck respect." Aniya at nilakihan ang mga nilikhang hakbang upang habulin ako. Naramdaman ko ang muli niyan paghawak sa kamay ko at sa pagkakataong ito, nagpumilit na ako at nanlaban na bitawan niya iyon. "I won't let you go." Mariin niyang sabi habang hawak hawak pa rin ang kamay ko. Para bang nawalan ako ng dugo nang gawin niya iyon. Kunot noo kong pinagmasdan ang isang kamay niya na may kung anong kinuha sa kabilang bulsa ng kaniyang pantalon.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yon. Huwag mo kong sagarin Aleandra." Napaawang na lamang ang labi ko sa mga sinasabi niya. Pansin ko ang laki ng pagbabago sa ugali niya simula noong una ko siyang nakilala. Lumalala na ba ang sakit na nasabi sa akin noon ng kaniyang lola? "You're fucking handcuffed to me now." Muling namuo ang ala demonyong ngiti sa labi niya at napagtanto ko na lamang na nakaposas na pala ang aking kamay sa kaniya. Ang subukang pumigilas ay napaka sakit na.

Hindi pinansin ng aking magulang ang paghihirap ko nang makapasok ako ng sasakyan. Piangbuksan kami ng kaniyang mga kawaksi ng pintuan at marahan akong iginiya papasok ng sasakyan. Kunot noo naman akong sinunod ang gusto niya at muli akong nakaramdam ng kirot sa aking kamay nang sinubukan kong higitin palayo ang  aking kamay. Hindi ko gusto na magkadikit ang aming palad.

Nakita ko ang mga mata ng aking kapatid na nakikisimpatiya sa aking kalagayan. Nasa harapan siya nakaupo habang kami naman ay nasa dulo lamang dalawa. Nakita kong may pinindot si Hoseff na kung ano sa gilid ng kaniyang sasakyan na naging dahilan para sumarado ang tanging bagay na nagsisilbing paraan para makita ko ang pamilya ko. Napaatras si Jennica nang dahil don at nakita ko naman ang kontentong ngiti sa labi ng lalaking kasama ko.

"Bakit mo ginawa iyon?! Buksan mo 'to!" Wika ko at itinuro ang bagay na humaharang sa amin at sa pamilya ko.

"I won't do it. I'm sorry." Aniya at may kung anong kinuha sa kaniyang bulsa. Nagliwanag ang manipis niyang cellphone at nakita kong may kinakalikot siya roon na kung ano. Ganito pala ang mga cellphone ng mga mayayaman. Pindutin mo lamang ang mga imahe na nakikita sa larawan, ito ay mapapasunod mo na. Itinaob niya iyon sa kaniyang hita at nakita ko muli ang pamilyar na larawan sa likuran nito. Yung mansanas na may kagat na nakita ko rin sa kaniyang computer noon.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Hoseff! Nasasaktan ako. Sobra na." Kulang na lang ay sipain ko ang bawat bagay na nakikita ko sa loob ng kaniyang sasakyan sa sobrang inis sa kaniya. Gusto ko na maiyak, makalayo lang sa kaniya. Ngunit magiging mahirap iyon dahil kahit mismo ang aking magulang ay ipinagtutulukan ako sa kaniya.

"Will you shut up?!" Biglaan niyang inangat ang kaniyang kamay dahilan para mapasabay din ang aking kaliwang kamay. Paulit ulit niyang sinabunutan ang sarili niya dahil sa inis na nararamdaman niya. Ako naman ay nabahala sa mga ikinikilos niya bigla. "Nakakainis ka na! Ang dami mong tanong! Can't you see?! I love you." Kumalma siya at banayad na hinarap ang mga mata ko.

"Mahal mo ako?" Mapait na tawa ang tumakas sa bibig ko. "Wala akong makitang pagmamahal sa ginagawa mo." Umiling iling kong sinabi iyon. Nakita ko naman ang panliliit ng mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"I'll love you in my own ways." Seryoso niyang utas at inigting ang kaniyang perpektong panga. "In my own ways." Pag uulit niya sa isang kakila kilabot na tono na hindi ata lulubayan ang aking mga tainga.

His Passionate Vengeance

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!