Palabas palang kami ng school ng magumpisang magrambol yung mga alaga ko sa bituka kaya naman niyaya ko nalang tong singkit na palakang kasama ko na kumaen dun sa lugawan na madalas naming kaninan magbabarkada. walang budget eh. tipid tipid din.
puro kwentuhan kami on our way. naglakad lang kami. okay lang kasi ambon nalang naman at pareho na kaming naka tsinelas kaya carry on na.
lugaw, kwek-kwek at malamig na tubig lutas na ang problema sa kagutuman naming dalawa.
napapahinto ako everytime na nag kukwento siya. nakikinig lang. napapangiti na lang din ako pero for sure di niya pansin yun. akala niya kasi dun ako nangingiti sa mga kwento niya pero yung totoo wala talaga akong naiintindihan sa mga sinasabi niya :D nakafocus kasi ako sa kung ganu siya kaganda ngayon.
patapos na kami nung may biglang sumigaw.
"ANG DAYA NIYO!" napalingon agad kaming dalawa. sila KIm pala saka si Aice. paparating. "oi bakit kayong dalawa lang? di naman lang nagyaya??" reklamo pa ni Aice
"akala ko manunuod pa kayo?"
"postpone daw.. bukas na daw ung event" si Kim
"good! makakapanuod pa din ako!" tuwa naman 'tong si Yuuri. big deal? bakit kasali ba dun yung crush niya kaya super eager siya?? gaea lang ah...
umorder na rin yung dalawa. pareho lang din ng kinaen namin.
kwentuhan na silang tatlo. ako naman. O.P! saklap lang.. hirap sumingit sa conversation ng magbebestfriends na 'to. parang may sariling mundo eh. tas puro mga crush pa nila yung topic. nakakaumay lang pakinggan.
habang nagkukwentuhan sila. pansin ko si Aice nakatingin saken. hindi lang basta ordinaryong tingin. basta may kung anong kakaiba sa tingin na yun eh. pakiramdam ko ginigisa ako sa kawali.
nakaramdam tuloy ako ng pagkairita ulit.
"uuwi na ako.. late na eh" sabi ko sabay tayo at sukbit ng bag ko sa balikat
"di pa nga kami tapos kumaen oh" reklamo ni Kim
"ang tagal niyo. puro kwento pa kasi.. babye na"
"ang arte naman nito!" si Yuuri
cold glare. yan lang ang respond ko. nilapag yung payong ko sa tabi ni Yuuri. "baka umulan ulit mamaya. balik mo na lang saken yan bukas" saka ako nag lakad palayo
pasakay na sana ako ng jeep nung tinawag ako ni Yuuri. pero hindi siya lumapit. nakaupo pa din siya dun sa lugawan "hoy! ingat!"
boom! parang lang akong tanga. just a few seconds badvibes ako tas ngayon nakaupo na ako sa jeep. tangna lapad na ng ngiti ko! >.< landi mo Kyle!
NP: You da One cover by Megan Nicole (pwde niyong pakinggan jan sa side---->)
everytime na maririnig ko tong kantang 'to si Yuuri lang talaga ang naaalala ko. hayss..
-----
kinabukasan. ayun tambay na naman kami sa study area. nakasambakol na naman yung pagmumukha ko. mukhang isang linggo ata akong ganito. panu ba naman hinaranga ko ng guard kanina sa gate. naka civilian kasi akong pumasok. tamad akong maguniform eh. pwde naman yun kasi may exemption i.d ako muntik ko na nga isampala sa guard yung i.d ko eh. buset yun.
mukmok tuloy ako sa sulok. eh wala din naman kasi pumapansin saken. kawawang bata ka naman Kyle. ganyan yan yung mga tropa ko pag may toyo ako. hinahayaan lang ako. mas lalo kasi akong naiinis pag pinapansin ako eh. gara ko no?
late dumating sina Dianne at Yuuri. direcho agad saken si Yuuri "pre eto na yung payong mo oh"
kinuha ko na lang din. tas dead air na.
nakita ko nakatingin na naman saken si Aice. tas ngumiti siya. yung pinaka nakakalokong ngiti na nakita ko sa buong mundo!
lumapit siya kay Pam. "may nalaman ako"
pabulong lang yun pero dinig na dinig ko. ang by those words from Aice alam ko na nalaman na niya. pansin na niya yung sikreto ko. parang gusto kong magmura ng paulit ulit ngayon.
sobrang inis na inis ako >.< panu ba naman kasi walang sikretong pwdeng itago kapag yang babae na yan ang naka alam. lahat ata lumalabas sa bibig niya lalo na kapag may kinalaman sa mga bff niya yung sikreto. psh. gusto ko siyang kalbuhin ngayon
"may nalaman ako" inulit ulit ni Aice sabay tawang nakakaloko. lahat ng gawin niya ngayon para sa akin nakakaloko.
"ano yun? share naman!" si Yuuri
POTA! naku hindi ko na kaya ang temper ko kaya hinigit ko si Pam papuntang canteen. hindi ako nagsasalita. bumili na lang ako ng makakaen para saming dalawa at dumirecho sa bleachers ng beach volley ball na malapit lang sa canteen.
mabuti ng lumayo ako. kesa makapatay ako ng tao. plus hindi ko din kayang marinig kung ano pa ang susunod na lalabas sa bibig ni Aice.
AYOKO PANG MABUKING KAY YUURI! yan ang malakas na sigaw ng utak ko.
"easy ka lang pre.." kalma saken ni Pam
napabuntong hininga nalang ako.
"ano bang dapat kong gawin pre?" tanung ko. pero di ako humarap kay Pam. naka focus lang ako sa panunuod ng beach volly.
"mas maganda siguro kung iiwas ka na lang muna sa kanya"
------------
A/N: BOOOOM! sunod sunod na ud na ba 'to?? hahahaha
enjoy reading.. react react din dun sa mga naka miss at kung may naghintay man... sorry po :) peace tayo huh? tamad lang eh.. hehehehe
