☑ Chapter 6: Aftermath

11.7K 438 38
                                    

Zypher's POV

Dinala ko si Diego sa dog house niya dito sa may kakahuyang parte ng academy. With my enhanced vision, nakita ko ang dog house na ito habang naglalakad palayo sa mga tao doon.

I frowned, remembering the Prince of the Fire Kingdom. Parang mas bagay sa kaniya ang mapunta sa elementong hangin. He has the authority, he is powerful and he knows it. He sure is arrogant. At ayaw ko sa mga taong ganun. They tend to be reckless. Too much reliance on themselves. Tsk.

Dito ko tinapos ang panggagamot sa napasong mga paa ni Diego. Besides that I don't like being in the presence of that arrogant prince anymore, ayaw ko rin na tinitingnan ng mga tao. And I've heard everything that they've been saying. Paano ko raw nasabi iyon sa prinsipe, how did I muster up the courage and so on. Well, you just need to figure out that he's a jerk to make your blood boil and shout it out to him without thinking much about it. Kahit sino pa siya, mali pa rin ang ginawa niya. His being a royalty only adds up to the fact of how wrong it was of him to do it to an innocent dog. Nakakawalang respeto.

Bumuga ako ng hangin. I should just stop thinking about him. Naiinis lang ako sa kaniya.

I caressed Diego's fur and let him rest inside his little house after healing his legs. Nagbalik agad ang mga balahibo niya at nawala ang sunog sa mga paa niya. Diego sat up and licked my hand. I smiled at his gesture. He must be thanking me.

"You're welcome big fella." Sabi ko at agad na tumayo. Sinundan niya lang ako ng tingin at bumalik sa pagkakahiga.

I went to the small pond nearby at nilinis ang kamay kong may bakas ng dugo ni Diego. Napailing akong muli. It must have been really painful. Hindi lang ang makapal niyang balahibo ang agad na nawala, his skin was burned, too. Sobrang init ang ipinalabas ng prinispeng iyon. To think that he's fighting with a dog at ganun kalakas ang inilabas niyang pwersa, napapailing nalang ako. Spoiled royalty. Masyadong sanay na siya palaging nasusunod at nananalo.

I sat still on the grass as I felt my eyes changing color. Naihilot ko ang kamay sa sentido at bumuga ng hangin. Masyado akong naiinis sa lalaking iyon that it made my eyes change color. At kapag naiinis ako, alam kong kulay tsokolate ang mga mata ko. Muli akong bumuga ng hangin para kumalma.

Hindi ko lang talaga maiwasang mainis. The way that Prince stood, his knowing eyes and his arrogant words, nakakawalang respeto sa galing na natuklasan at naramdaman ko sa kaniya. I sure can really feel his big presence that he was able to keep still. It takes so much control and discipline to do that, considering na malakas naturally ang presensya niya bilang royalty, but he sure doesn't apply the same control and discipline in his character. He's just that same cliché, powerful tyrant. Which is a big NO for me.

Tumayo ako at pumikit. Dinama ko ang malamyos na hangin sa aking pisnge habang kinakalma ang sarili. In a couple of seconds, naramdaman ko na ang mga mata kong bumabalik sa natural nitong kulay. Gold and blue.

I glanced back at Diego nang binuksan kong muli ang mga mata ko. He's on his side, already sleeping. Nilapitan ko siya at muling hinimas ang makapal ngunit malambot nitong balahibo. The poor dog must have been tired after enduring that burning pain.

Tumayo na ako at tumingin sa relo ko. Natigilan ako saglit nang makita na late na ako ng 15 minutes sa una kong klase. I bit the inside of my cheek. My sisters wouldn't be so ecstatic when they find out about this.

I started finding my way back towards the building na nilalakaran namin kanina bago nangyari ang insidente kay Diego. Mia has our schedule. Hindi ko ito nakita, kaya wala akong alam kung saan idaraos ang klase namin.

As I walked in the midst of the almost empty hallway, may mangilan ngilan na nakakasalubong ko at ramdam ko ang bawat tingin nila sa akin. Specifically, the raised-eyebrow looks because of what I did to their precious prince. I mentally shook my head. They sure are loyal. Nakita na nga nila ang maling ginawa ng prinsipe nila, ako pa ang tinitingnan ng ganito. Halos napailing nalang ako.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon