Ika-50 Kabanata

60.4K 747 71
                                    

"Alam mo chubby oink oink. Gwapo ka sana e, kaya lang ang taba mo."

Nagtawanan ang mga kaibigan namin sa sinabi niya.
Napakunot naman ang noo ko. Pinuri nga niya ako, pero nilait din naman. Kung di ko lang mahal 'to baka binatukan ko na'to.

Oo, mahal ko siya. Hindi ko alam kung kailan, paano o bakit, basta yun yung pakiramdam ko. Kaso nung minsan na nagtapat ako sa kanya, napagkamalan niya lang akong nag jo-joke. Kung kailan seryoso ako 'tsaka naman aakalaing nag jo-joke ako. First time kong mainlove, first time kong magtapat tapos iisipin na joke lang 'yon. Langya! Feeling ko tuloy nakatanggap ako ng rejection na never ko pang naranasan sa buong buhay ko.

"Ayan! Ayan ang isa sa dahilan kung bakit ka tumataba!" sabay turo niya pa sa kinakain kong kitkat.

"Anong problema mo sa kinakain ko?"

"Ayan ang problema kaya lalo kang tumataba. Hindi ka ba naiinggit dito kanila Daren, Wein, Harizel, Elf, Humpy at Neil. Ayos lang ang pangangatawan nila. Unlike you, pagpinagpatuloy mo yan sige ka. Magiging kasing taba mo na si Majin Buu." Tumawa siya na parang demonyo at nagtawanan din ang mga kaibigan ko. Ang sarap nilang pag-uumpugin lahat.

Paano ko nga ba siya naging kaibigan? At paano ko nga ba siya minahal, e mukha naman siyang may saltik? Ibang-iba din ang lahing pinagmulan niya sa amin. Halos lahat kami ay may mga dugong amerikano, samantalang siya ay may dugong hapon.
Dati naman sumasama-sama lang siya kanila Hazel at Dorina. Pare-pareho kasi silang grade four at magkakaklase pa. Sila ang laging magkakasama noon, hanggang sa katagalan ay pati sa aming HBB ay sumasama narin sila.

"Siguro pagpumayat ka. Baka mainlove ako sayo." Tatawa-tawa niyang sabi. Bigla naman akong natuwa ng marinig ko 'yon.

"Talaga? Maiinlove ka sa'kin?"

"Siguro." Sabay ngiti niya.

Bakit mukha siyang pusa pag tumatawa? Yung mata niya nawawala tapos nagpo-form ng mala hugis crescent moon. Para pati mga mata niya tumatawa. Ang cute. Ganoon ba talaga pag singkit?
Bakit pag si Elf na may lahing chinese at may pagkasingkit din, di naman ako naku-cutan. Nababadtrip nga ako pagtumatawa siya kasi para siyang si Shin Chan.

"Hey! Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Are you crazy, Ariestotle?"

Ako nakangiti? And what did she just call me? Ariesto-!

"I told you not to call me on that name! I even tell my teacher to stop calling me on that name. Pero ikaw, pasaway ka parin." Sinamaan ko siya ng tingin.

Nag peace sign naman siya sa akin. "Sorry po. Ariestotle."
Sabay takbo niya.

"AIKA TODOYA! LAGOT KA SA'KIN PAG NAHULI KITA! GAGAWIN KITANG SIOPAO!"

Nang maka-graduate kaming lahat na HBB sa elementary. First week ko palang sa highschool na-miss ko na si Aika. Ganoon yata talaga pagmahal mo, pero buo na yung pasya ko bago palang ako grumaduate ng elementary, napag-isip isip kong kakalimutan ko na yung nararamdaman ko sa kanya. Medyo nawalan kasi ako ng pag-asa nung sinabi ni Aika na ayaw niya daw pumatol sa mga HBB na tulad namin. Lagi daw kasi kaming dinidikitan ng mga babae, mga malalandi daw kami.

Dinidikitan lang malandi na? Kung di lang ako gentleman tinulak ko na lahat ng babaeng lumalapit sa akin e. Kasalanan ko ba na napakagandang lalaki ko diba?

Kaya dumating nga ako sa puntong kalimutan kung ano man yung nararamdaman ko.

Ngayong first year highschool na'ko. Mag po-focus nalang ako sa study o sa ibang babae. I guess my feelings for her is just a puppy love. Sa dalawang taon na mapapalayo ako sa kanya dahil magkaiba na ang school namin, hindi ko na siya makikita araw-araw, mababawasan na yung nararamdaman ko sa kanya hanggang sa di ko mamamalayan na nawala na pala yon. Makakahanap pa ako ng ibang babaeng mamahalin.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon