Reajane POv

"Di nga? Seryoso?" Di makapaniwalang sabi ni Jiraya.

Tinanong nya kasi ako kung nag ka boyfriend na ba ako. Eh sabi ko wala pa.. ayaw maniwala.

"Ou nga.Bakit ba ayaw mo maniwala?" 

Nakatitig lang sya akin. Nandito nga pala kami sa labas ng bahay.Umupo ako sa bato sya naman ay nakatayo lang. Pagkatapos kasi namin nanood ng peemak ay napagisipan namin na sa labas muna kami. Kanina pa hindi bumabalik si KuyaGerard sa sala kaya pinuntahan ni Cheska susunod nalang daw sila dito sa labas. 

Ang sama ng tingin ni KuyaGerard sa akin kanina bago sya pumunta sa kwarto nya. Ganyan naman sya eh sanay na ako. Simula naman talaga ayaw na nya sa akin. Kahit sobrang sakit na ganyanin nya ako tinitiis ko lang dahil gusto ko sya makasama. 

Ano bang magagawa ko?Tanggapin nalang.. Hanggang dito nalang siguro kami..

Nararamdaman ko na ayaw nya na ako makasama dito sa bahay. Lalo na hindi na kami nag iimikan. Bahala na nga. Pero ang sakit sa pakiramdam na ang mahal mo ay parang wala ka sa paligid nya. Para kang hangin. Hindi nya ako pinapansin.. Hindi ko rin sya pinapansin.. 

"Sa ganda mong yan wala pa?" Ngumiti ako ng pilit.

"May nanliligaw sa akin. Hindi ko sinagot dahil hindi ko sya gusto." Simula ko. " Sasagutin ko na sana sya kaso nagiguilty ako dahil gagawin ko lang syang panakit butas." Malungkot na sabi ko at napabuntong hinga. 

"Huh? So May gusto ka pala sa iba?" 

Malungkot na tumango ako.

"Ou. Pero may pag aari na sya."

"Bakit naman kasi nagkakagusto ka sa taong may pag aari na?" 

"Matagal ko na syang gusto. Nong wala pa syang Girlfriend. Kasi naman si ako umaasang maging kami.. Hahaha..Ito sobrang nasaktan ng husto ang puso ni Reajane. Sobrang gustong gusto ko kasi sya. "

"Correction.Hindi mo lang sya Gusto kundi Mahal na mahal mo na sya.." Yeah Mahal na Mahal ko na sya. Ang hirap kalimutan ni KuyaGerard.

Aaminin ko kung hindi ko lang marinig ang boses nya. Kung hindi ko sya nakikita parang sobrang laki ng problema ko. Hindi ko lang sya masulyapan parang wasak na ang araw ko. Kahit sabihin nyo pa ng Oa .. Pero ito talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Sinubukan ko na syang kalimutan pero di ko magawa.

Crush ko si Jiraya pero kay KuyaGerard wala parin nagbabago. Sya parin talaga. Sinubukan kung ipasok si Jiraya sa puso ko pero parang ayaw lumabas si KuyaGerard sa puso ko. Para bang nilock ito may password na hindi pwede buksan ...

"Mahirap kalimutan ang taong ayaw magpalimot. Lalo na matagal mo na syang mahal.Naransan ko na yang pakiramdam na yan. Pero mas worst yung sa akin dahil ginawa lang nya akong panakit butas. Hahaha.. Lahat binigay ko sa kanya.. Akala ko nakapasok na ako sa puso nya pero di pala..." Huminto muna si Jiraya. Tumabi sya sa akin.

Nakikinig lang ako sa kanya.. Ganda naman ang nagpaloko sayo.. Sapakin ko kaya yun..

"Matagal din ako naka move on. Ang sakit lang eh dahil sobrang mahal ko na sya.Sinabi naman nya sa akin ang totoo na mahal pa niya ang Ex niya. Tanggap ko na hindi talaga sya para sa akin."

"Marami namang babae jan na deserving pa.. Malay mo nanjan lang sya sa tabi-tabi.." Sabi ko tapos nakangiti pa ako..

"Ou nga no? Malay mo katabi ko lang sya." 

Namilog yung mga mata ko.. 

"Luh?" Napahalakhak sya.. Natawa rin ako dahil yung reaksyon ko.. nyahaha.. Di naman ako mabiro.. alam ko naman na nagbibiro lang sya.. Pero medyo kinilig ako nyahaha..

Stalking To My Crush <3 <3Where stories live. Discover now