"Pero dapat sakin ka na lang naghiganti! Sakin mo na lang sana ibinuhos lahat ng galit mo tutal ako naman talaga yung may kasalanan ng lahat ng 'to." Tapos, umiiyak na siya. "Hindi ka na sana nandamay pa ng iba, Liam. Hindi ka na dapat nanakit ng ibang tao na wala namang--"
"Nangyari na lahat, I can't go back in time to change everything. At wala na ring magagawa 'yang pagpunta mo dito para awayin. Wala na. Tapos na. Kahit patayin ninyo ko dahil sinaktan ko yung kapatid ng gagong Rio na yun, wala na. Nagawa ko na."
"Liam. Kasalanan ko 'tong lahat eh. Kailangang ako din yung umayos ng lahat ng gusot. Sana napatawad mo na ko sa lahat ng mga ginawa ko sa'yo. Sana mawala yung galit na binaon mo dyan sa puso mo towards Rio... Kasi ako naman talaga yung may gawa ng lahat ng 'to. Please, Liam. Forgive him. At siguro, sa ganong paraan, mawawala na rin yung galit niya sa'yo..."
Natawa ako sa sinabi niya. Tang-ina lang. Ganun na lang ba kadali yun? Saka wala akong kinalaman sa pagkawala ng anak nila noon. I believe it was an accident. Hindi ko sinasadya 'yun...
FLASHBACK...
"I need her back. Kailangan kong mabalik si Samantha sakin. Tatanggapin ko yung bata. I'm going to forgive them for what they did. Gagawin ko lahat ng gusto niya para lang bumalik siya sakin. Magpapakasal kami. Mamahalin ko yung bata even though he/she's not mine. I will be the best husband and father. I will do everything just to make sure they're loved, happy, safe and sound. We're going to be the happiest family in the world."
'Yan yung mga iniisip ko habang hinihintay si Samantha sa tapat ng bahay nila. Sabi kasi ng katulong nila, umalis daw siya para magpa-check up. Ayaw naman sabihin ng katulong kung saang Hostipal siya nagpunta kaya naghintay na lang ako dito sa labas.
"Liam." Pagkalingon ko, si Samantha. Kasama yung walang hiyang tumarantado sakin, si Rio. Napababa yung tingin ko sa kamay nilang magkahawak. Seeing them together makes my blood boil. Sumama agad yung timpla ng mood ko. I just gave Rio my death glares.
"Hayop ka Rio ang kapal ng pagmumukha mong agawin yung Fiance ko." Napatayo ako bigla. Hindi ko magawang sumugod sa kanya kasi nakapulupot na agad yung kamay ni Samantha sa kanya.
"Liam, please. 'Wag ka nang manggulo please?" Samantha begged. At umiiyak na naman siya.
ESTÁS LEYENDO
I'm In Hell With Him
Ficción GeneralBoth Aeicy and Liam have reasons why they agreed into marriage. If living with a stranger will pay the debt of Aeicy's father, she would do it. Liam, of course, has a reason: revenge. (Book One) #YourChoiceAwards2017Winner
Chapter Nineteen
Comenzar desde el principio
