Scarlet Butterfly #7

14 1 1
                                    

Kinabukasan ng araw na yun, eto ulet kami sa school nina Hugo at Kunai.

Tatlong Vigillante na pala ang na-spot namin dito sa university.

*Trashtalk King (Kristoff DeLarra)

*Takatak Boss (Unidentified) at

*Mabalasik (Unidentified)

Mukang marami pang myembro ng Vigillante Club ang dapat naming mapatay dito sa university. Kahit kasama doon ang kasalukuyang 'Boyfriend' ko ngayon. Ang una naming papatayin sa kanilang tatlo, si Takatak boss...

Ayon sa intel namin, HRM student sya dito at active member padin sya ng Vigillante, youth batch 07 din sya, kaya imposibleng hindi sya kilala ni Kristoff.

"Ipapatawag ko nalang yung mga tauhan ko muli bago mag-uwian na abangan sa labas ng gate si Takatak Boss, at saka sya sundan sa kung saan sya magpunta. At pag pwede na syang upakan, papabantan kona sya. Reresponde na din ako para aktwal kong makita na bugbog sya. At saka ko sya dadalhin sa HQ." -Hugo

"Magtagumpay sana kayo. Mahina naman yang Takatak Boss at madali patayin yan. I-demo ko sana sayo kaso sa susunod nalang. Hehe :)" -Kunai

"Dalhin mo sya sa HQ natin kapag bugbog na sya. Pwede natin syang kunan ng impormasyon habang pinahihirapan natin sya" -Ako

"Opo Madam, titiyakin naming hindi kami papalpak ng mga bataan ko. Mauna na pala ako, may class pa kami" -at saka na umalis si Hugo nun.

.

.

.

Ilang minuto lang ang lumipas mula ng umalis si Hugo ay dumating na si Kristoff nun. Then dumating kasunod nya si Angelou...

Napapansin ko, bakit kaya parang lalong nagiging close si Kristoff kay Angelou? Badtrip tong dalawang to aaa?!

"Si Trashtalk King yan diba? Sino yang kasabay nyang babae?" -Kunai

"Si Angelou, hhhhmmmppp, tara na nga!" -Ako

"Bakit parang nagseselos ka dyan Madam?! :)" -Kunai

"Nagseselos?! HINDI NOH!... Bahala ka nga dyan!" -Ako

Sabay iniwan ko din si Kunai non, loko din mang-asar eh. Bahala sila...

.

.

.

.

.

Nang nasa loob na kami ng classroom, tinabihan nya naman ako agad nun. Hindi ko muna sya pinansin nun, badtrip kasi nakikisama pa sya sa iba. Alam ko ako lang dapat chixx nya.

"Huyyyy Bebe, parang badtrip ka nanaman dyan?" -Kristoff

"Anong bebe ka dyan, dun ka muna sa kalandian mo!" -Ako

"Huh?! Wala naman kaming ginagawang kalokohan ni Angelou eh?"

Sya nagsabe nun ha... Wala daw silang ginagawang 'KALOKOHAN' hhhhhhhhmmmmmppp!!

"Ewan ko sayo! Hindi tayo bati ngayon! Bahala ka dyan!"

Iniwan ko sya sa seat nya dun at pumwesto ako sa iba, basta malayo sa kanya.

"Bakit parang nagseselos ka dyan madam?! :)" -Sabi ni Kunai kanina,

Mariin ko namang tinanggi yon, pero bakit ganto ang feelings ko? Bat parang nasaktan ako at nagalet sakanya dahil sa may kasama syang iba... Diba selos ang tawag dito?!

Pero hindi ko dapat madama ito!!

Dahil isa akong miyembro ng Bandidos Inc. at isa naman syang Vigillante, dapat mapatay ko sya dahil bukod sa isa syang lider doon, S-Class pa sya pag napatay... Malaking karangalan pa ito pag nagkataon.

Hindi dapat ako magselos!

... onti lang, onting selos lang muna.

"Bebe, wala naman kaming malalim na koneksyon eh, hayaan mo munang magpaliwanag ako" -Kristoff

Dinedma ko sya nyan,

"Lovely, please hindi ko magagawa yun sayo, ikaw lang naman ang mahal ko eh, promise!"

Dinedma ko padin sya,

"Lovely... Sorry na talaga, sige na suko nako sayo... ako na ang mali, ako na lagi... please pakinggan mo naman ako, seryoso akong humihingi ng tawad sayo ngayon... :("

At dinedma ko padin ulet sya, kahit mukang seryoso na sya nun. Pagtapos nun ay hindi na sya umulet pa at tila tumigil muna ito. Nang tingnan ko sya sa seat nya, nakatungo lang ito. Parang nabadtrip nadin ata sya, pero hindi ko sya nilapitan nun at pinabayaan ko nalamang.

Tiningnan ko din si Angelou nun, tahimik lang naman syang nagbabasa nun. Muka namang inosente sya, muka lang...

.

.

.

.

.

Recess time na nang magkita-kita kami muli nina Hugo at Kunai nun. Nag-usap usap lang naman kami nun at nag-remind nadin ako about sa pagpatay kay Takatak Boss mamayang uwian. Nung recess at pagbalik namin sa room non, hindi kona nakita si Kristoff nun, maging si Angelou at yung iba pa naming classmates na tamad pumasok.

Baka umuwi nalang si Kristoff kasi nabadtrip sya saakin dahil sa hindi ko sya mapatawad kanina. Tae naman, umabsent nanaman sya sa class namin ngayong accounting na.

.

.

.

.

.

Pagsapit ng uwian non ay eto na... malamang pinaghanda na din ni Hugo ang mga tauhan nya para sa walang kaalam alam na takatak boss.

Ako naman ay umuwi agad nun para maghanda nadin para sa madadatnan ko mamaya.

Patay kang bata ka, Takatak Boss

.

.

.

.

.

#ScarletButterfly #BandidosInc07

My Trashtalk Love (NAGBABALIK 2017!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon