9

3.9K 101 3
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng CR. Patuloy lang ako sa paglalakad kahit na para akong lutang. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin mai-process ng utak ko ang mga sinabi ni Cloud.

Use him?

Nagbibiro ba sya? May girlfriend sya! Si Alexis. Kaya bakit nya yun sasabihin? Hindi nya ba mahal ang girlfriend nya? Hindi ko alam. Pero siguro ay lasing lang yun. Tama. I'll just forget everything he said.

Nang makarating ako sa table namin ay nagtataka akong sinalubong ng mga kaibigan ko. Matagal din kasi akong nawala at sabi ko pa ay oorder lang ako. Sinabi ko naman sa kanila na nakita ko sila Ethan kaya hindi na sila nagtanong. Hindi ko na rin dinagdagan ang mga sinabi ko. Lalo na yung sa part ni Cloud.

"Hey Z, you look troubled? May problema ka?" tanong ni Lewis nang mapansing nananahimik ako.

Umiling ako at ngumiti sa kaibigan.

"LQ siguro sila ni Red!" natatawang sabat naman ni JC.

Hinapas ko sya sa braso dahil sa pangaasar nya.

"Fck you, Justin Caine! Paano naman kami magkakaLQ, eh hindi naman talaga kami."

"Oh really? Speaking of Red, nakita ko pala sya kanina jan."

Natigilan ako sa pag inom.

He's here? Bakit hindi nya sinabi sakin?

"Talaga? Asan sya? Sinong kasama?" sunod sunod na tanong ko.

"Woah, akala ko ba hindi kayo? Bakit kung makaasta ka bigla, parang girlfriend ka nya?"

"Tse! Nagtatanong lang! At isa pa, paano kung nandito pala si Cloud at makita sya na hindi ako kasama? Edi sira ang plano ko." palusot ko na tinawanan lang ni JC.

"Whatever you say. He's with someone. I think si Lucy? Yung kapatid ni Nixon Castillo. Bakit hindi mo sila hanapin?"

Naasiwa ako sa suggestion ni JC, pero sa tingin ko ay kailangan ko nga at iyong gawin. Mahirap na at baka pagdudahan pa kami.

Umalis ako sa table at isinama si Nikka para hanapin si Azen. Pinuntahan muna namin ang table nila Ethan dahil nandoon si Nixon. He probably knows where his sister is, kaya sa kanya kami nagtanong. Pero hindi nya din daw alam kaya naglibot nalang kami.

"Baka naman umalis na?" sinabi ni Nikka.

Nakailang ikot na kami pero hindi parin namin sila mahanap.

"Ako nalang ang maghahanap. Balik ka nalang sa table."

"You sure? Okay then-- Oh wait, ayun at sya oh!"

Nilingon ko ang direksyong tinuro ni Nikka. At tama sya. Nandun nga si Azen. Pero hindi na si Lucy ang kasama nya.

Ganun sya kabilis magpalit ng babae? What a jerk! Bakit ba maraming nagkakagusto sa lalaking yun, eh puro kaharutan lang naman ang nasa isip nya! Ano bang kamangha mangha sa kanya? How he change his girls from one to another? How he breaks every girls heart without feeling guilty? Hindi ko alam kung alin dun, at wala na kong balak alamin.

Biglang umusbong ang inis sa katawan ko habang pinapanood ko syang nakikipagharutan dun sa babae. Tumawa pa sya na para bang may masaya silang pinaguusapan. Nakahawak pa ang kamay nya sa baywang ng babae na mas lalo naming ikinatuwa ng bruha.

"Ibang babae pala yung kasama eh." wala sa sariling sinabi ni Nikka.

Napangiti ako ng pilit dahil sa inis, "Yeah. And she's talking to my boyfriend. Ha. Ha. Ha.. I'm gonna kill that bitch."

Walang sabi sabi kong iniwan doon si Nikka at sumugod papunta sa kung nasaan si Azen. Nang makita nya ako ay ngumiti pa ang gago na para bang wala syang ginagawang mali.

"Zenna! Andito ka pala?" pagmamaang maangan nya.

"Yup. Ikaw din. And you're with someone.. A friend, perhaps?" I said sarcastically. Pagtapos ay nilingon ko ang babae na ngayon ay namumutla na.

"U-Uhh. Kailangan ko na atang umalis, Red." sabi nito tsaka umambang maglalakad na.

"No. You should stay! I think Azen likes your company."

Natawa ang gago dahil sa sinabi ko pero mas lalo lang namutla ang babae. Hindi na sya mapakali at mukhang kating kati na syang makaalis. Hindi ako nagpatinag. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa, kaya nung maramdaman ni Azen ang takot ng babae ay pinaalis nya din ito.

"You look so sexy when you're jealous." pang iinis nya.

Hindi na ko nakapagpigil. Tumaas na ang boses ko dahil sa inis.

"Jealous? I'm furious, Azen! Paano kung makita ka ni Cloud na may kasamang iba?!"

"So what kung makita nya ko?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

"Anong 'so what'? Hindi mo ba naisip na baka magduda sya? Nakipagdeal ka sakin Azen, kaya gawin mo ang trabaho mo."

Matalim nya akong tinignan pagtapos ay sinandal sa pader at kinulong sa dalawa nyang braso. His eyes are pitch black. Kitang kita mo ang nararamdaman nyang inis sa mga mata nya, pero kinokontra iyon ng mapaglaro nyang mga ngiti. Para bang naiinis sya at natutuwa ng sabay.

Nagiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang tignan sya pabalik.

"Yes, we had a deal. At ang usapan natin ay magpapanggap tayong mag-on para pagselosin si Cloud. So you can get your revenge, right? Pero wala sa usapan na pwede kang makipaghalikan sa iba. You're making me look so stupid, Serina."

Natigilan ako.

He saw it? Yung samin ni Ethan? But that was just a dare! Alam kong marahil ay natapakan ko ang ego nya, pero hindi nya naman kailangang magreact ng ganyan. We're just pretending! There's no need to overreact.

"That's just a dare. You're overreacting, Azen."

"Uh-huh.. Yung ginawa mo kanina, hindi ba pag ooverreact yun?"

Inis ko syang tinignan. Ok fine! Naging OA din ako.

"Okay, I'm sorry!"

Ngumiti sya matapos ang sinabi ko na parang nawala nalang lahat ng inis nya.

"You're forgiven. Basta't siguraduhin mo lang na hindi ka na lalapit sa ibang lalaki. I don't like you with other guys."

"Edi hindi! Siguraduhin mo ring hindi ka lalandi sa iba!"

Inalis nya ang mga braso nyang nagkukulong sakin sa pader tsaka ako binigyan ng nakakalokong ngiti. Humalukipkip sya at tinitigan pa ako ng matagal. Kinilabutan tuloy ako. Inisip ko pa kung may nasabi ba kong mali para magkaganyan sya.

What the heck is his problem? He's acting weird and it's creeping me out.

"What?" naiilang kong tanong.

"Wala naman. Masaya lang. Let's go?"

Tumango nalang ako sa sinabi nya.

Nagsimula na syang maglakad. Susunod na sana ako pero natigil ako nang lumingon sya pabalik sakin.

"Oh, I almost forgot."

Sabi nya. At sa isang iglap ay lumapat ang maiinit nyang labi sa labi ko.

Lumayo sya sakin at bahagyang ngumiti. Hindi agad ako nakagalaw. Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa halik nya. Walang pumasok sa isip ko kung hindi ang halik na yun.

"Cleaned." he said after the kiss.

And for the first time in my life, I felt an extreme intent to kill.




Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon