Chapter 1

71.7K 1.3K 23
                                    

Author's Note: Hi fellow wattpaders! Kumusta kayo? I hope you will all love Julian... 😊

Trivia: This is my second wattpad story. Wala lang. Gusto ko lang i-share! *laughs*

Enjoy!


"CONGRATULATIONS, Ms. Cruz. You're hired."

Nakangiting tiningnan ni Sassa ang HR officer. "Talaga po?"

"Oo. At ang may-ari na mismo ang pumili sa'yo. Opisyal ka na niyang magiging sekretarya sa susunod na lunes."

Napakunot ang noo niya. "Ahm, hindi ba ako rito sa Human Resource Department maa-assign ma'am?" tanong niya, hindi naitago ang kaunting pagkadismaya sa boses.

The woman looked at her indifferently, adjusting her eyeglasses. Hindi yata nito nagustuhan ang sinabi niya.

Ang daldal mo kasi! sita nang maliit na boses sa isip niya.

"Errr... Pasensya na. Hindi ko kasi inaasahang magiging sekretarya ako nang may-ari kasi hindi naman po iyon ang in-apply-an ko," paliwanag niya.

Muntik na siyang matawa nang humalukipkip ito at sumimangot. "Nakakainggit ka nga, eh. Akalain mo na ang may-ari mismo ang pumili sa'yo. I mean, from his previous secretaries, you're just..." She paused, eyeing her up and down. "An average."

Ngumiti lang siya rito. Yes, she is not as beautiful as most of the other girl employees in that company. She's just Sassa Cruz. Plain and ordinary. Her physical features would not get second glances from anyone who would pass by her. Pero hindi siya apektado ro'n dahil alam naman niyang ayusin ang kanyang sarili. Malinis naman siyang tingnan. At least she's living with the truth, right? One's outside appearance shouldn't be the criteria for getting a job unless it is highly required. Hah! Ayaw niya ring magtrabaho sa gano'ng klase nang kompanya. Kairita!

"Pero gusto kita," turan nito, siguro ay pambawi nalang sa pagpuna nang kanyang ordinaryong itsura. "Mukha kang maaasahan at mabilis magtrabaho."

"Aysus. Ayos lang naman, ma'am. Marunong naman ho akong tumaggap ng katotohanan," saad niya na ikinatawa nilang dalawa.

"Huwag mo na akong i-po, ano ka ba. Hindi naman nalalayo ang mga edad natin."

She widely smiled at her. "Sure. Ma'am Fiona."

"Great! Sandali lang. I'll just prepare the documents," she politely excused herself.

Habang naghihintay ay puno nang paghangang pingmasdan niya ang buong paligid. The Human Resource office's receiving area is just wow. Nakakalula. Everything in that room screams of money. Kung ang silid na 'yon ay sobra nang nakakamangha, paano pa kaya ang magiging office niya?

A smile crept on her face. She'll work in one of the biggest and tallest building in the whole city. Who would have thought of that? Napangisi siya sa naisip.

"Pasensiya na at natagalan ako," hinging paumanhin ni Fiona nang bumalik ito. Inabot sa kanya ang mga papel na bitbit. "This is the copy of your duties and responsibilities. At kailangan mo lang kumpletuhin ang mga nakalista sa checklist of requirements na ito para sa employee profile mo. You'll start on Monday next week." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Welcome to Sejice Corporation, Sassa."

Her genuine aura made her smile wider. "Thanks," she replied and shook her hand. Aalis na sana siya nang muli itong magsalita.

"By the way, Sassa, bago ko makalimutan ay sasabihin ko na ngayon sa iyo. There is a special rule that you need to accept and obey. Ang batas na ito ay nakahiwalay sa Company Rules and Regulations. It is solely for you," mahaba nitong wika.

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon