CHAPTER SIX: the Reconciliation

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung gusto ninyong magdagdag ng tanong maliban sa set ng questionnaires na inihanda ng mga boss para sa atin, okay lang jut make sure na maisama ang mga tanong na gagawin niyo sa pag-submit at pag-fill-up ng mga forms. At higit sa lahat dapat siguruhin nating lahat na ayos ang audio at video recorder natin ha

Copy.

Okay.

Got it.

Noted.

Sagot ng mga team members na nakikinig sa bilin ng dalawang team leaders.

I understand pagod tayong lahat kaya naman may prior arrangement ng ginawa ang office natin sa partner hotel natin dito kaya hindi na natin kailangan bumiyahe muli. Siguro sa ngayon we can rest kahit mga 30 minutes and then we'll have our lunch later since may maghahatid ng pagkain sa atin, sabi ni Bang.

Ay oo nga pala dagdag naman ni Aby, tatlo lang ang kuwarto nitong transient house natin so I guess kailangan sharing ang rooms, so mag-usap na kayo kung sino ang ka-share niyo sa room.

Kim: Kami na ni Cienne ang magka-share sa room. Ayos lang ba Cienney?

Cienne: Asus style mo Kimme ha! Pero oo naman Ayos lang share tayo.

Mika: Daya naman ni Kim inunahan kaagad ako kay Cienne, sabay pout.

Cienne: Di bale Miks diyan naman si Vic kayo na muna ang partner, parang nung college

Lang.

Vic: Uy kung ano-anong sinasabi mo diyan Cienne ha. Okay lang Miks kung ayaw mo

Akong kasama sa room siguro kay Ate Aby na lang ako makiki-share.

Curious na napatingin naman si Bang sa nag-uumpisang asaran ng mga katrabaho.

Mika: Sus! Vic sensitive na ganun? Okay lang naman na share tayo ng room e, ikaw lang

iniisip ko, baka hindi ka pa comfortable?

Vic: Napangiti sa sinabi ni Mika sabay sabing, lika nga dito Daks saka lahad ng dalawang

kamay. Sa totoo lang okay na ako Daks. Masaya na ako for you, kalimutan na natin

iyong nakaraan pede?

Mika: Yumakap na kay Vic at saka sinabing wala ng bawian Vic ha! Promise mo okay na uli

tayo. Wala ng ilangan? Wala ng iwasan ha Tomsy? Friends?

Vic: Opo Daks pangako, wala ng iwasan. Wala ng ilangan. Bestfriends!

Mika: Of course naman Vic, Tomsy. I missed you. Magtatampo lang kasi kailangan mag-

abroad pa tapos mawawala ng ilang taon, tukso nito sa kaibigan.

Vic: Ha ha ha! Pang-asar Daks ha! Oo na drama ko lang talaga dati ... pero basta ayos na

tayong dalawa ha saka yumakap na rin kay Mika.

Ehem, ehem pasimpleng asar naman ni Kim kina Mika at Vic. Baka mamaya mauwi na iyan sa ... tingin kay Cienne at sabay na kumanta ng "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pagbigyan ang pusong ...."

Oi, Oi tama na iyan baka mamaya mo niyan magka-pikunan pa kayo. O sige na girls to your room na para makapahinga na muna sabi ni Aby.

So Bang, no choice ka na ha, tayong dalawa na ang roomies, dagdag pa ni Aby.

Sus ito naman parang first time naman nating magiging roommates. Okay lang ano, nakangiting sabi ni Bang.

Pero Abs, curious lang ha, may something ba sina .... I mean sina Mika at Vic? Hindi mapigilang tanong ni Bang.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon