It's Too Late To Say I Love You (short story) **FINISHED

9.9K 233 98
                                    

IT'S TOO LATE TO SAY I LOVE YOU

paano ko hindi mamahalin ang isang tulad mo eh ang kulet kulet at ang sweet sweet mo. pero paano nalang ako kung iiwan mo???

____________________

Mine.

No. Nagkakamali ka. Wala akong kaagaw. Yan ang pangalan ko. Kainis nga e. Sa dinami dami ba naman ng pangalan na pwede ay yan pa ang binigay sakin. Tuwing may nagaagawan tuloy akala ko tinatawag nila ako. Paano ba naman kasi sigaw ng sigaw ng "MINE! MINE! MINE!" KAASAR! Napapahiya tuloy ako pag natingin. >____<

Anyways, 16 years old na ako. 4th year at syempre graduating. Duh? Wala namang 5th year e. Atsaka wala naman akong bagsak kaya for sure gagraduate ako. ^____^ Im so excited to leave this school. Pero syempre mamimiss ko din yung mga friends ko. Well, meron ba ko nun? Wala! Wala akong friends kasi ewan ko, pakiramdam ko walang totoo sa kanila. Mataray daw ako sabi nung iba kaya walang gustong makipagkaibigan sakin. Maarte din daw ako kasi ang dami kong inaakit na lalaki. Well, excuse me! Hindi ako nangaakit ahh, kasalanan ko ba na maganda ako? Po? Hahaha. Tsaka wala naman ako planong magboyfriend. Hindi pa ko ready tsaka ayaw ko pa talaga. Kaya ayun, mag-isa lang ako lagi pero okay lang, masaya naman ako kasi payapa ang pamumuhay. LOL

My life's so simple and quiet pero nitong araw na to.. a guy just ruined my peaceful life.

While I was walking, pauwi na kasi ako and nasa gate na ako. May lalaking humarang sa akin.

I rolled my eyes. Isa na naman siguro sa mga tagahanga ko.

"What do you want?!" pagalit na tanong ko. Wala lang. Hindi naman talaga ako galit. Gusto ko lang na lubayan na nya ako agad.

"Ikaw. Ikaw ang gusto ko.. I mean. Mahal pala kita.." sabi nung guy. Well, may itsura naman kahit papano kaso tingin ko weird sya.

"You're crazy.." iniwan ko na yung lalaki dun at naglakad na ako.

Naramdaman ko na sumusunod sya sakin. Tumigil ako sa paglalakad and faced him.

"WHY ARE YOU FOLLOWING ME?? Ano ba talagang gusto mo?" medyo naiirita kong sabi.

"All I want is you.." ngiting ngiti yung lalaki sa harap ko..

Tss. Ang weird nya

"Har har. Asa ka pa!"

"pwede ba kitang ligawan?" nakangiti parin sya

"GOSH! Hindi mo ba ko naiintindihan?! Hindi kita gusto, okay??"

THIS GUY! Urghh! He's getting on my nerves! Nakakairita sya! Ang sarap nyang tirisin!!

"NO! I love you. And i will do anything to make you mine, Mine.."

"youre irritating, you know that?? Teka, how'd you know my name??"

"kasi nga mahal kita..sinasabi ng puso ko yung pangalan mo.."

"hahahaha! Ang corny mo!!"

grabe! Ang corny ha! Sinasabi daw ng puso nya! Hahahaha! Natawa naman ako dun sa kacornyhan nya!

"You just laughed. Napatawa ko yung mahal ko. So may pag-asa ako sayo. Yes!"

napatigil naman ako sa pagtawa ko. Napatitig naman ako dun kay weirdo, tuwang tuwa dahil nakita akong tumawa. Ang babaw naman nya. Ganun ba talaga nya ko kamahal at tuwang tuwa sya na makita akong tumawa? This guy is absolutely crazy!

It's Too Late To Say I Love You (short story) **FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon