CHAPTER 11

0 0 0
                                        

Inabala ni Elowin ang sarili nito sa pag-asikaso sa mga customer at hindi na nito pinagtuunan ng pansin ang text sa kaniya ni Alaric na hindi n'ya binasa.

“Ang kulit naman nito!” Inis na sabi ni Elowin habang magkasalubong ang dalawang kilay nito nang mag ring ang cellphone at nang tingnan n'ya si Alaric tumatawag. Nasa gilid ng kalsada na ito nag-aabang ng masasakyang taxi pauwi. Tiningnan muna nito kung may paparating na taxi nang mapansin n'ya na madalang ang dumadaang taxi ngayon sa ganitong oras.

“Hello?” Umiirap na sagot nito sa kabilang linya and then there's no response received.

“Ah... M-Mam? Si Sir po kasi?” biglang sabi ng ibang boses at hindi boses ni Alaric. Nawindang naman si Elowin na napalunok ngayon habang iniisip kung sino ang kausap n'ya na alam n'yang hindi si Alaric.

“Lasing po si Sir... Gusto n'ya po na tawagan ko kayo.” Nahihiyang pag amin ng lalaki. Napapikit ng mga mata si Elowin na gusto nitong tirisin si Alaric ngayon. Iniisip ni Elowin kung bakit siya itong pinapatawag ni Alaric na malilïntikan talaga kapag makita n'ya.

“Mam!” Pagtawag ng lalaki na kumakaway kay Elowin ngayon na inabangan siya sa labas ng bar. Pagkasabi kay Elowin ng address ng bar agad na itong naghanap ng taxi na matagal siyang nakasakay bago nakarating sa lugar na ito.

“Ma'am. Ako po pala si Sam, driver ako ni Sir Ala.” Pakilala ni Sam na nginitian ni Elowin. Nanlamig nalang bigla si Elowin dahil sa hindi n'ya alam kung bakit siya pumunta sa lugar na ito.

“Nasaan po siya?” tanong agad ni Elowin hanggang sa iginiya na ito ni Sam papasok sa loob. Kumurap-kurap ang mga mata ni Elowin nang salubungin ng iba't ibang kumukutikutitap na ilaw na nakakasilaw sa bar.

“Ayon po siya?” Turo ni Mang Sam kay Alaric na inihiga ang ulo sa counter ng Bar ngayon. Naikuyom ni Elowin ang kanang kamao nito na nakababa at malapit na nitong suntukin si Ala dahil sa nagpaanod sa alak ito.

“Manong, kaya n'yo po ba siyang alalayan papasok sa kotse n'ya?” Nag-alalang tanong ni Elowin na agad tinanguan ni Mang Sam. Nilapitan na nila si Alaric na walang malay ngayon at halatang malakas ang tama.

Hindi kaya ni Mang Sam si Alaric kaya nagpatulong na ito sa isang bouncer sa pag-alalay kay Alaric palabas ng bar na hindi pa rin naimulat ang mga mata. Hanggang sa naipasok na sa loob ng kotse si Alaric habang si Elowin nakasunod lang sa mga ito.

“Salamat po.” Pasalamat ni Elowin sa bouncer na ngumiti at saka na ito umalis. Nagdadalawang-isip man pumasok pa rin sa loob ng kotse sa likod si Elowin na tinabihan na nito si Alaric na lasing na lasing na.

“Aalis na po tayo, Ma'am.” Biglang salita ni Mang Sam at saka na nito sinimulang paandarin ang kotse.

“Tatawagan ko po sana si Ma'am Pene... Kaso gusto ni Sir kayo raw po tawagan ko at hanapin ko raw pangalan ninyo sa contact n'ya. Una nagdadalawang-isip ako kasi alam ko si Ma'am Pene iyong nobya ni Sir. Sorry po, Ma'am, naistorbo po kayo.” Paumanhin ni Mang Sam. Gustong sabihin ni Elowin na malaking perwisyo ito sa side n'ya ang nangyaring ito. Ngunit mas pinili nalang ni Elowin ang manahimik at tatalakan nalang nito si Alaric kapag nagising na ito.

Umungol si Alaric at gumalaw ito na tiningnan ni Elowin hanggang sa bigla nalang umusog ang lalaki papalapit at napasandal sa balikat ni Elowin na natuod ngayon. Ang sunod na nangyari hindi inaasahan ni Elowin nang napahilig sa balikat n'ya si Alaric na hinayaan n'ya lang dahil sa narinig nitong humihilik na ang lalaki.

“Nandito na tayo, Ma'am.” Anunsyo ni Mang Sam na bumaba na sa kotse. Napasilip naman sa labas ng bintana si Elowin at nakita n'ya ang napakataas na building.

“Sir?” Pagpukaw pa ni Mang Sam kay Alaric na dumikit na ang kaliwang pisnge sa balikat ni Elowin.

“Ala?” Pagtawag ni Elowin kay Alaric na tinatapik n'ya na ang pisnge ng lalaki at umungol lang ito. Napabuntong hininga si Elowin at saka nito kinuha ang braso ni Alaric tapos dahan-dahan n'yang inilayo ang ulo ng lalaki mula sa balikat nito na ikinadaing naman ni Alaric.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: 2 days ago ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The Ties that Whisper Onde histórias criam vida. Descubra agora