Chapter 4: SASSA

154K 2K 218

If I Fall Chapter 4: SASSA

WEDNESDAY.

(Chester's POV)

Medyo maagang dumating ngayon si Barbs sa school? Anong ibig sabihin ko ng "medyo maaga"? Mga 30 seconds bago mag-ring ang 2nd bell.

"Wow ha! Bagong buhay ka na ba teh!?" pabirong pambungad ni Rocky nang dumating si Barbs sa pila ng Archi sa school gym. Ganito kami araw-araw sa Charleston: boring na morning assembly. Prayer, National Anthem, bwiset na Brain Gym may finale pang School Hymn.

"Ay, masama na bang maagang pumasok ngayon teh!?! Kainis," nilapag ni Barbs yung bag nya katabi ng bag ko.

"Eeewww Barbara! Look at you! Naligo ka naman ba ha!? You look like a quote taong grasa unquote! EEEWWWW!" umacting pa si 9 na parang nandidiri.

"Ikaw nga Hapon tumigil ka. Umagang-umaga mambibwisit ka na ha!!! Masakit ulo ko!!!!"

"SSSHHHHH!!! Archi! Please pumila na kayo!!!" sigaw ni Rocky na nasa unahan na ng pila ng girls. Naks, Class President in action!

"Hoy! Ayos na nga kayo dyan! Nagagalit na si Ms. President!" pang-aasar ni Wes, na katabi ko lang sa pila.

Rocky: Mr. Rodriguez!

Wes: Yes, Ms. Rodriguez?!

Rocky: (kunwari nandidiri sya) EEEEW. Please, Mr. SC President, umayos na po kayo ng pila.

Wes: Opo, Madam President :>

Tinignan ko ang mga kaklase ko. Medyo close naman kaming lahat, pero syempre hati-hati pa rin. Haaaay! 30 na nga pala kami ngayon. 29 na talaga kami simula nung first year. Ewan ko ba dito sa school na to, ang weird! Kaya nga nanibago kami nung nagtransfer si Cyrus sa section namin 2 days ago. Ano kaya ang nakain nun!?

Teka. Speaking of Cyrus, sya lang ang wala sa min ngayon ah! Late na naman!?

"Wes, nakita mo si Cyrus?" tanong ko.

"Ma. Kilala mo naman yang si Cy, ever since 1st year palaging late. Pasalamat sya favorite sya ni Panot!"

Narinig kong nag-Tss si Barbs. Ano bang problema nitong babaeng to?! Araw-araw na lang syang galit! Well araw-araw naman talaga syang galit, ano pang bago dun!?

"Chester, yung panyo mo nahulog," malumanay na sabi sakin ni Vivien. Jusko, bigla naman akong kinilabutan sa boses nitong babaeng to!!

Pupulutin ko na sana yung panyo nang maunahan ako ni 9. "Ewww. You're gonna use this pa? E it's so maalikabok na oh!" Pinagpagan muna nya bago binigay nya sakin.

"Sus, napagpagan naman na e! Okay na yan!"

"You'll get pimples if you wipe this on your face! Here, take this!" Inabot nya sakin ang isang familiar na panyo. "Yan. I forgot to return this to you dati. Ngayon ko lang nakita."

"Buti naman at naisipan mo pang ibalik! Salamat ah!"

Janine flashed her famous Kitagawa smirk. "Bakit ko naman hindi ibabalik yan sayo? Grabe ka!"

If I FallRead this story for FREE!