Chapter 20: Adieu

Magsimula sa umpisa

Dahan-dahan ng bumaba ang kabaong ni Kiel hanggang sa anim na talampakan na ito sa ilalim ng lupa...

Isa-isa na ding nag-alisan ang mga bampirang nakiramay at natira na lamang sina Van, Kisha at ang mga Nobles na pinapanood na tabunan ang hukay na nilaan para kay Kiel. Dalawampung metro mula sa likudan ng mansyon kung saan nilibing si Kiel...

Tumigil ang ulan ng tuluyang matabunan at mailagay ang isang krus sa ibabaw ng puntod ni Kiel...

Pagkatapos naman niyon ay ang pagsikat ng araw...

Sumisimbolo ng bagong simula ng wala ang isa sa kaibigan nila...

***

Kisha's POV

Pagkalibing kay Kiel ay bumalik na kami sa loob ng mansyon. Napakatahimik. Kung dati ay nagiging masaya ang buong mansyon dahil sa tawanan, kulitan nina Jack at Jick, mga jokes nilang kahit corny ay sobrang humahavey kay Kiel ngayon ay hindi na...

"Umiiyak ka na naman" yumakap si Van mula sa likudan ko hinalikan ang ulo ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko...

"Eh kasi...sobrang nalulungkot ako" humigpit ang yakap niya sakin at binigyan ng halik ang batok ko...

"Hindi lang ikaw ang nalulungkot dito Kisha. Kapag ipinakita mo sa kanilang malungkot ka, malulungkot din sila. Para lang 'yang domino, pag natumba ang isa, damay na ang lahat. Kaya subukan nating maging okay sa paningin nila para hindi sila madamay" humarap na ako sa kanya at binigyan ko siya ng pilit na ngiti...

"Nag-aalala lang kasi ako kay Farrah...hanggang ngayon kapag napapadaan ako sa kwarto niya, naririnig ko siyang umiiyak"

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi... "She will be okay. Matapang si Farrah. Kesa pinoproblema mo siya, bakit di mo subukang problemahin ang pagod na ibibigay ko sayo mamaya" tapos ngumiti siya ng pilyo. Ayan na naman ang kamanyakan niya.

"Tss. Manyak"

"Wow. Ngayon mo lang nalaman? Tsk! Tsk! Tsk!" sabi niya na may pag-iling pa...

"Gagawin lang natin 'yun kapag tapos ka nang magtraining" then I crossed my arms. Nakaupo kasi kaming dalawa sa gitna ng kama pero hindi ko pa rin siya pagbibigyan.

"Ouch" humawak siya sa dibdib niya at pumikit na para bang nasaktan nga siya... "Bakit ang sama-sama mo sakin?" then he shot me his puppy dog eyes that I can't resist!! Ghaaaad!

I tried to avoid his gaze but he held my chin and moved his face closer to mine...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!