Chapter 20: Adieu

Third Person's POV

Sinabayan ng malakas na pagpatak ng ulan ang nararamdaman ng bawat bampirang dumalo sa araw na kung saan kailangan ng ilagay si Kiel, ang isang magiting na Noble, sa kanyang huling hantungan....

Lahat ay nakaitim, dala-dala ang mga sarili nilang panangga sa ulan, ngunit ang iba ay hindi na nag-abala pang magdala ng sarili nilang panangga dahil sa pagtulo ng ulan sa kanilang mukha ay natatakluban nito ang mga luhang pumapatak galing sa kanilang mga mata...

Tanging ang bawat patak ng ulan ang siyang naririnig at ang mumunting paghikbi galing sa isang dalaga...

Si Farrah...

Maging ang ibang Noble ay nagpapakabasa na din sa ulan matakluban lamang ang kanilang nararamdaman na nakikita sa pagpatak ng kanilang luha pero kahit anong gawin nila ay napasakit pa rin sa kanila na makita ang isang importanteng tao na lumisan na...

Magkatabi sina Van at Kisha, tahimik na umiiyak habang pinapanood ang bawat paglapit ng mga bampira upang maghagis ng bulaklak sa ibabaw ng kabaong ni Kiel...

Nang matapos na ang mga bampira ay sunod-sunod na nagsilapitan ang mga Nobles upang ibigay ang huli nilang paalam kay Kiel...

"Kiel, ang daya mo talaga! Namatay kang virgin! Hindi ka man lang nakaisa!" pabirong sabi ni Jick pero tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. Inilagay niya ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong ni Kiel...

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sayo, sana tinulungan na agad kita kay Farrah. Eh di sana may inaanak na ako ngayon" sabi naman ni Jack na pinipigilan ang pagtulo ng luha niya pero hindi niya kaya. Bumuhos ang kanyang luha kagaya ng palakas na palakas na pagbuhos ng ulan. Tila nakikiramay ang langit sa nangyari...

Sunod namang lumapit ay si Zick na nakabawi na ng lakas simula nung makalaban nila si Israel... "You're being unfair but...you did your best" sa unang pagkakataon, nagpakita ng isang emosyon si Zick, kitang-kita sa kanyang mukha kung paano siya nasasaktan sa pagkawala ni Kiel at isang butil ng luha ang kumawala sa kanyang mata… 

Lumapit na din sina Van at Kisha na tahimik lamang at walang sinabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi nila alam kung paano tatanggapin ang pagkawala ni Kiel na siyang naging tunay na kaibigan sa kanila. Nang maibigay na ni Kisha ang puting rosas ay nilapitan niya si Farrah na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Nanginginig ang buo niyang katawan at nanatiling nakatingin sa kabaong ni Kiel na para bang gusto niyang hilahin ito palabas baka sakaling bumalik ang buhay nito...pero alam naman nilang lahat na...hindi na...tapos na ang buhay ni Kiel...

Inilagay ni Kisha ang kanyang kamay sa likod ni Farrah at iginaya ito palapit sa kabaong ni Kiel...

"K-Kiel...mahal kita eh. Bakit kailangan mo akong iwan? B-Bakit ngayon pa? Hindi mo ba alam na...na sobra akong nasasaktan? B-Bakit kasi....kasi ikaw pa?" dahan-dahang inilagay ni Farrah ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong ni Kiel... "Maging masaya ka sana kung nasaan ka...pero...hindi ko maipapangako na...magiging masaya ako sa pagkawala mo...dahil habangbuhay itong nakabaon sa isip at puso ko..."

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!