IAR [41]

66.3K 2.1K 1.4K
                                    

"Dati, ang most hated character ko ay si Grant. Ngayon, si Xhai na. HAHAHAHAHA." -Chix

--

Copyright © chiXnita

NAGULAT AKO nang biglang suntukin ni Grant si Green. Ngunit mukhang inaasahan na iyon ni Green kaya agad na bumawi.

Tarantang-taranta ako. Panay ang lingon ko sa paligid. Asa pa nga naman akong magkakaroon ng ibang tao rito sa subdivision, maliban sa'min. Nais kong kumaripas ng takbo sa loob ng bahay para humingi ng tulong kay na mommy. Kaso baka pagbalik ko may nalagutan na ng hininga sa dalawang nahihibang na 'to.

Kahit si Mang Sonny, na aming security ay mukhang napansin na rin ang pagpapalitan nila ng suntok. Subalit mukhang natatakot na lumapit para umawat. Baka siya ang mapagbuntunan ng mga adik na Loriete na 'to.

Ugh! Naman.

Hindi pa rin sila tumitigil. Gusto kong pumagitna kaso baka masuntok ako bigla nang hindi sinasadya. "Ano ba...?" sigaw ko. Halos maputol ang ugat sa leeg ko. Saka lang sila natigilan. Doon lang yata nila napansin na nandito pa ako.

Hindi ko sinayang ang pagkakataon. Dali akong tumayo sa pagitan nila. "Ano...? Kukuha na ba ako ng kutsilyo para mas mapadali ang pagpapatayan niyo? O... baril na mismo?" sarkastikong banat ko kahit na gano'n pa rin kabilis ang salsal ng dibdib ko. Natatakot at kabado.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Hindi sila nakatitig sa'kin. Sa halip ay pinapatay na yata nila sa matatalim na titig ang isa't isa.

"Step aside, Xhaiden / Heather!" sabay at mariin nilang sambit.

Napahimas ako sa sintido. Ang sakit sa ulo. Kung mananatili silang dalawa rito ay tiyak na hindi sila titigil. Kung papaalisin ko si Green siguradong maraming itatanong si Grant; at hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga iyon.

Isa pa, hindi ko na rin alam ang sasabihin sa kanya, kanina pa. Kung papauwiin ko naman si Grant, masasaktan ko na naman siya.

Napaharap ako kay Green. Natuon ang titig niya sa'kin. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Napabuntong-hininga ako.

"L-Leave..." nanginig ang boses ko nang pumihit paharap kay Grant.

Ilang beses siyang kumurap. Hindi ko mailarawan ang emosyong nakikita sa kanyang mga mata. Nakaawang ang kanyang bibig ngunit hindi nakapagsalita. Napayuko ako at mariing kinagat ang labi.

"Aren't you listening? She said—"

"Shut up!" Nilingon ko si Green. Natigilan siya nang marahas kong pinunasan ang luhang tumulo sa'king mata. "S-Shut up..."

Nang muli kong tingnan si Grant ay nakatalikod na siya; pasakay sa kotse niya. Naihakbang ko ang mga paa pero hindi na nasundan dahil sa pangangatog ng mga tuhod ko. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan niya.

Ilang minuto na ang lumipas nang mawala sa paningin ko ang kotse ni Grant. Ngunit nanatiling nakatuon ang aking mga mata sa daan. Napasapo ako sa dibdib at tumingala.

I'm okay... I'm okay!

"I'm not sorry." Natigilan ako sa paghakbang papasok ng bahay pagkarinig niyon.

Itinaas ko ang kanang kamay, hindi lumilingon. "Whatever, Green. Just leave me alone," walang ganang turan ko.

"I'm not Grant,"

"Of course, you're not!" Napapihit ako paharap. "'Coz you're the one and only Green, who's expert for ruining things," pabalang na sambit ko.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon