Chapter 3

240 3 0
                                    

Umaambon sa labas.

Kasalukuyan akong nasa baba ng bahay namin at naglilinis habang si Mama naman nasa taas may kung anong ginagawa.

''Jess, anak, pahiram nga sandali ng ballpen.'' Narinig kong sabi ni Mama.

''Nasa bag ko po Ma. Kunin niyo nalang po. Nasa maliit na bulsa.'' Sabi ko sa kaniya.

Bigla akong may naalala na ikinatulala ko sandali. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang nerbiyos. Maya't maya bumaba si Mama na may bitbit na cellophane. Ito na kaya ang tamang araw na sasabihin ko sa kaniya? O itatanggi ko nalang habang pwede pa? O aaminin ko nalang hanggat maaga pa?

Anong gagawin ko?

Anong sasabihin ko?

''Jess...''

Kung pwede sanang mabalik yung eksena kanina, ako nalang sana ang kumuha ng ballpen sa bag ko.

''Ma?'' di ako makatingin ng deretso sa kaniya. Nagkunwari nalang akong nagwawalis para maitago ko ang nerbiyos na nararamdaman ko ngayon.

''Kanino to?'' tanong niya sabay pakita sa laman ng cellophane. ''P.t to di ba?''

Di ako sumagot.

I know. I know. Guilt is written all over my face.

''Sinong buntis?''

Itinigil ko na ang pagwawalis ko. Nakayuko pa rin ako at di sumasagot.

''Tingnan mo ako anak. Tingnan mo ako sa mata.''

Nagdadalawang-isip ako kung titingnan ko ba siya sa mata, feeling ko kasi pag titingnan ko siya deretso sa mata ngayon baka maiyak ako bigla. Pero sinunod ko pa rin yung sinabi niya.

Tiningnan ko siya sa mata ng dahan-dahan.

Dahan-dahan

At dahan-dahan hanggang sa nagtitigan na kami.

Naluluha na si Mama. Ako naman, naawa, natatakot, kinakabahan, ninerbiyos. Feeling ko may kung ano sa tiyan ko.

'I felt butterflies swirling inside my tummy'

Ito yung sinasabi halos ng mga taong inlove. Pero ngayon, napagtanto kong, di lang pala ang mga taong inlove ang nakakaramdam niyan kundi pati rin pala ang mga taong kabado - mga taong may itinatagong sekreto na na-corner.

''Kanino to, anak? Sayo ba to?'' tanong niya ulit sakin.

Walang sekretong di mabubunyag.

Walang usok na nahahawakan.

Tell it or tell it.

It's all the choices I've got. Pareha lang.

Kahit naman ipagkaila ko sa kanya ngayon, malalaman at malaman rin naman niya pag naglaon. O di kaya'y sa iba pa niya malaman. Mas masakit yun. Kasi ikaw na Ina, wala kang alam.. pero halos taga baranggay niyo alam na. So, ano ang mararamdaman ng iyong Ina? Nagmumukha siyang tanga.

Nakapag desisyon na ako.

''Ma......'' tiningnan lang ako ni Mama. Halatang naghihintay sa sagot ko.

''I'm sorry ma..... buntis po ako.'' 

Napaluhod si Mama sa narinig niya. Humahagulhol siya ng iyak. Kasabay ng pag-iyak niya ang siya namang pag buhos ng malakas na ulan. Nakikisimpatya ata ang ulan sa nararamdaman ni Mama ngayon.

Napaiyak rin ako. Nag-uunahan sa pag tulo ang mga luha ko. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Yinakap ko si Mama.

Kasalanan ko to. San ba siya nagkulang?? Di naman siya nagkulang sa akin eh. Bat ko ba to nagawa? Iginapang pa naman niya ako sa pagpapaaral simula nung iniwan kami ng papa ko at sumama sa ibang babae. Di naman nagkulang si Mama ng pangaral, pagpapaaral, oras at pagmamahal. Ako yung me deperensya eh. Ba't ko ba to nagawa sa kanya? Ba't di ko to naisip bago namin gawin yun? Ba't di ko naisip to??

Napaiyak ako sa iniisip ko. Totoo naman e. Yinakap ko si Mama ng mahigpit.

Wala akong kwentang anak. Wala akong kwenta. Matapos ang lahat ng sakripisyo niya para sa akin, ito lang pala ang isusukli ko. Ang sama ko. Wala akong utang na loob.

**

Matapos ang insidenteng yun, minsan nahuhuli ko si Mama na nakatulala. Minsan pa nga, nahuhuli ko siyang patagong umiiyak. Di man niya sabihin sa akin, alam kong DISAPPOINTED siya.

Pero yung feeling na, di mo sinisisi yung batang nasa sinapupunan mo kundi yung sarili mo lang ang sinisisi mo...

Yung feeling na, di ka nag reregret na nasa sinapupunan mo siya kundi you just regreted kung bakit yung lalaking di yata alam ang salitang panagutan at responsibilidad pa ang nakabuntis sayo. Gets mo? Magulo ba? Yan kasi yung nararamdaman ko ngayon eh. Magulo din.. pero itong fetus lang na nasa sinapupunan ko ang tanging klaro - klarong mabubuhay at siguradong mamahalin ko hanggat sa huling hininga ko.

At the age of 17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon