At some point , you have to realize that some people can stay in your heart but not in your life.

                                                                                                                                                                        -Anonymous

Chapter 21

Mataas na ang sikat ng araw ng magmulat ako ng mga mata, nanatili lang akong nakatulala sa kawalan hindi kumikilos at walang ganang bumangon.


Naranasan niyo na bang magising at humiling na sana hindi na lang--- na sana nanatili kang tulog. Ganyan ang tumatakbo sa isip ko ngayon, pathetic right? Pinilit ko muli ang sarili kong matulog, dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na nga ba napakatagal na ng itinulog ko. Sa bawat pagpikit ko naalala ko muli ang nangyari kagabi at dahil 'dun, gusto ko muling umiyak, ang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero naubos na 'ata lahat kagabi, dahil wala ni isang patak ng luha ang tumulo mula sa mga mata ko.


Napagpasyahan ko na ring bumangon ng mapagtanto kong hindi na talaga ako makakatulog. Bumaba ako mula sa kama ng makaramdam ako ng basang umaagos sa paa ko pagkatapak ko nito. Pagtingin ko, dugo, dumudugo ang paa ko, inilibot ko ang paningin sa kwarto at nakita kung gaano ito kagulo. Nagkalat ang mga basag na figurines at ang mga gamit ko. Marahil nakaapak ako kagabi ng bubog kaya may sugat kanang paa ko, surprisingly hindi ko naramdaman na masakit ang paa ko.


Namanhid na ata ako.


Lumipas ang maghapon na wala akong ginawa kung 'di maglinis ng buong kabahayan, napangiti ako ng mapait habang nililinis ko ang kwarto ko. Para itong binagyo, hindi ko akalain na magagawa kong magwala kagabi, wala kasi sa ugali ko 'yun. Mukhang unti-unti ng nawawala sa katauhan ko ang dating si Skyleigh. Habang nagpupunas ako ng sahig sa banyo, at oo pati banyo hindi ko pinatawad. Napansin ko ang singsing sa mga kamay ko, it fits to me perfectly. It's my wedding ring, I never remove it ever since I wore it.


Tinanggal ko ito sa kamay ko, at parang wala sa sarili na naglakad ako palabas at itinapon ito. Pero alam niyo kung ano ang nakakatawa, pinulot ko muli ito. I guess katulad ng pagtapon sa singsing na ito, hindi pa ako ready na pakawalan ang nararamdaman ko.


Tanga, napakatanga mo Sky.Hindi pa ba sapat ang nakita mo kagabi, awat na walang gamot sa tanga sa pag-ibig kung hindi pagkukusa na kumawala mula rito..


Gabi na ng makaramdam ako ng pagod, dumiretso ako sa kusina at pinagmasdan ang lamesa na punong-puno ng mga niluto ko. Halos lahat ng putaheng  paborito ni Cloud niluto ko, dire-diretso ang subo ko, umasta akong parang matagal ng hindi nakakakain. As I finished eating half of the food that I cooked. I felt like throwing up, so I hurriedly went to the bathroom. I threw up everything that I ate, hinang-hina akong napaupo sa lapag ng banyo at nagpasyang maligo. Habang naliligo ako, hindi ko maiwasang isipin kung kumusta na kaya sila. Siguro napakasaya nila, hindi lang pala ako martir, masokista na din ata ako para isipin pa ang ginagawa nila sa gabing malamig. Nababaliw na ata ako, ganito pala ang pakiramdam ng buhay ka nga pero parang patay ka sa loob. I felt this certain emptiness in my heart, like there's a big hole in it. And I wish someone will save me from this misery. 

A Wife's Secret (COMPLETED) PUBLISHED UNDER PSICOM.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!