"Wala ba kayong magawa sa mga buhay ninyo kundi mamirwisyo ng tao?" nanindig ang balahibo ko sa iritable niyang tono.
Hinila niya si Adele nang walang pasabi, dahilan para mapasinghap ito bago tuluyang protektahan ni Elvis mula sa likuran. Kung makaharang naman siya riyan, akala mo ay uundayan namin ng saksak ang babaeng 'yon!
Wala na kaming dapat ikagulat sa ginawa niya—kaya nga siya tinawag na Prince Charming, hindi ba? Laging handang tumulong, laging tagapagligtas ng lahat.
"Elvis naman! Nag-uusap lang naman kami, 'diba, Adele?" pinandilatan ni Mercy si Adele kaya mabilis siyang tumango at kumalag kay Elvis.
"Yeah! We're all friends here!" sang-ayon ni Baby, nagpapa-cute pang tumangu-tango.
Hanggang ngayon, nakayuko pa rin siya. Nakakainis, dahil para lang siyang batang sunud-sunuran.
"O-Oo… N-Nag-uusap lang kami r-rito, Elvis..."
Hindi ko na napigilan ang pagrolyo ng mga mata ko sa kanya. She’s so weak. Tama lang ang sinabi ni Cristoff, e. Hindi siya nababagay rito.
"Pumasok ka na sa class, Adele. Baka ma-late ka pa. At ikaw, Prescilla. Mag-usap tayo mamayang dismissal." kusang tumaas ang kilay ko.
Pinagbabantaan niya ba 'ko?
"E, pano kung ayoko? Anong gagawin mo?" mataray kong sagot.
"Ako, wala. Pero ang Disciplinary Officer, meron." hindi na niya 'ko hinintay pang maka react o makasagot man lang. Agad na siyang nag walkout kasama yung Manang na 'yon.
I let out a sarcastic scoff as the girls around me burst into giggles. Wala silang ibang inisip kundi ang pagpantasyahan yung Elvis na 'yon. Palibhasa, hindi sila madadamay dahil may koneksyon sila. Pero ako, na wala namang ginawang masama, ang masisisi dahil sa pambubully nila. Argh! Kung pwede ko lang silang kalbuhin, ginawa ko na!
"Gosh. Kahit ang plain lang ng style no'ng nerd na 'yon, ang gwapo talaga!"
“I wonder what it feels like na maka-make out ang isang Elvis? Tapos na ’ko kay Elias, e.”
Sabay-sabay kaming napatingin kay Baby, na natigilan din sa sinabi niya. Narealize niyang malaking kahibangan ang sinabi niyang ’yon dahil mas bata pa si Elias sa’min.
For God’s sake, it’s even worse than breaking the girl code. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa kan'ya?
"What?!" singhal namin ni Mercy ngunit may kasamang inggit iyong kanya. Tsk, isa pang malantod.
“Wait! Mas bata si Elias sa’tin, Baby! What do you mean may nangyari sa inyo?!”
Gulat na gulat si Christine sa narinig, at lalo pang dumaiti kay Baby upang marinig nang maayos ang chismis nito.
“Ang o-oa niyo naman! Isang taon lang ang tanda natin sa kan'ya! Pagka-second year natin, graduate na siya sa junior! Magiging freshman rin natin siya next year, ano ba! Anong akala niyo sa’kin, pedophile?!” inis na sabi ni Baby, sabay cross-arms at irap.
Umiling na lang ako at tumayo para umalis.
Hindi ko na hihintayin ang hudyat ng bell. Nawalan na ’ko ng ganang makipag-bonding sa kanila. At sa sobrang focus nila sa kwento ni Baby, hindi na nila napansin na iniwan ko na sila.
At first, you’d think it was just the sound of my stilettos catching everyone’s attention as I walked through the hallways and corridors. But the way their gazes clung to me, from my skin-tight legs, up to my slender, Coca-Cola-shaped body, and finally to my pretty face, only meant one thing.
Chapter 9
Start from the beginning
