My King Charming

32 0 0
                                    

*******************CHAPTER 1*********************

"Goog afternoon ho, Tita" bati ni King, sabay halik kay Aling Sonia Enrique na abalang nagdidilig ng mga orchids sa bakuran ng bahay nito.

"Good afternoon din, Hijo. Si Queen ba?" nakangiting tugon ng ginang

Tumango ang binata. "Oho, nand'yan ho ba siya?"

"Ipakatok mo kay Lorna sa kuwarto niya." anito na patuloy ang pagdidilig ng halaman.

"Sige ho. Thanks, Tita." Tuluy-tuloy na siya sa loob ng bahay.

King and Queen had been the best of friends since the world began, or so it seemed to them.Matanda ng limang taon si King sa babae, ngunit kahit ganoon pa man ay nanatili ang pagiging close nila sa isa't isa.

Solong anak si Queen ng mag-asawang Antonio at Sonia Enrique samantalagang si King na bagaman ulila na sa mga magulang ay may dalawa pang kapatid na pawang lalaki. Siya ang bunso. Ang panganay na kapatid ay nasa Maynila naninirahan at ito ang nangangasiwa ng family business nila roon. Ang isa pa niyang kapatid ay nakapag-migrate na sa States tatlong taon na ang nakakaraan. Bukod kay Yaya Susan, tanging si King lang at ang lolo nitong si Ingkong Domeng ang naiwang nakatira sa kanilanh ancestral house ng San Bartolome.

Namatay ang kanyang mga magulang noong isang taong gulang pa lang siya. Naaksidente ang mga ito minsang lumuwas ng Maynila upang magdala ng produkto nilang copra sa Divisoria na kung saan ay roon ang bagsakan nila nito.

Bagong kasal naman noon ang kapitbahay nilang sina Mang Antonio at Aling Sonia. Dahil wala pang anak ang mga ito, sila ang tumutulong kay Ingkong Domeng  na alagaan ang tatlongt magkakapatid. Sa katunayan, si King at ang kanyang dalawang kapatid ay malapit sa pamilya Enrique. Ang mga ito na bale nag tumayong mga magulang nila kaya hindi na iba ang turing sa kanila.

King was five when Aling Sonia gave birth to a baby girl. Pinangalanan itong Princess Sereene ng mag-asawa dahil accordibg to them, Princess was surounded by three handsome princes who would always rescue her whenever she would be in trouble.

Tuwang-tuwa silang magkakapatid dahil sa wakas ay may bago na silang kalaro. Dahil hindi masyadong malayo ang agwat ng edad ni King kay Baby Princess, siya ang matiyagang nagbabantay rito. Ang Kuya Arthur niya ay sampung taong gulang na noon samantalang si Kuya Zac ay pitong taon. Mahilig maglakwatsa ang dalawa at dahil maliit pa siya ay malimit siyang naiiwan mag-isa sa bahay kasama si Yaya Susan. Si Ingkong Domeng ay abala palagi sa kanilang koprahan. Matagal na rin itong biyudo at walang ibang anak maliban sa tatay niya.

Kapag nababagot na siya sa loob ng bahay ay tumatalilis siya patungo sa bahay ni Aling Linda at doon ay maghapon siyang nakikipaglaro kay Baby Princess.

"WOWOWOW!" gulat na sambit ni King nag lumabas si Queen mula sa kanyang silid. Nakasuot siya ng spaghetti-strapped dress na hindi gaanong hakab ang dibdib ang tabas at hanggang tuhod lang ang haba ng damit. Litaw na litaw angmakinis at bilugang legs niya. May make up din siya sa mukha.

Natuwa ang dalaga sa reaksyon nito. Nag-pose muna siya sa harapang nito bago rumampa na parang modelo.

Nakangaga pa rin ito. Halos hindi na nito maisara ang bibig sa pagkabuka sanhi ng labis na pagkabigla.

"Hoy! Ano ba? Tulo-laway ka na diyan," untag niya sa natulalang kababata. "Sabi ko, kung okay na 'to?"

Mukhang napahiya na isinara kaagad nito ang bibig. Pasimpleng pinunasan nito iyon, baka nga tulo-laway na. Napakamot ito sa batok. "Teka, ano ba'ng nangyayari sa iyo? Nilalagnat ka ba? Uso pa naman ngayon ang meningococcemia." Tumayo ito at idinikit ang likod ng kamay sa noo ng kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My King CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon