Confused

567 16 5
                                    

“Ang kulit mo talaga.  Sinabi ko na nga na di ako galit sayo o nag tatampo sayo,” sabi ko kay Nash.  “Bakit mo ba ako kinukulit ah?”

“Wala lang.  Lately kasi parang umiiwas ka sa akin.  Feeling ko tuloy nagtatampo ka sa akin.”

“Bakit naman ako mag tatampo sayo?  Meron ka bang ginawang masama sa akin?  Wala naman ah.”

“Eh bakit ka kasi umiiwas?  Ilang araw na di nag titext sa akin or tumatawag.”

Oo nga.  Bakit nga ba ako umiiwas sa kanya?  Wag mo akong tanunging… kahit ako di ko alam kung bakit.  Ang alam ko lang pag kasama kita na tataranta ako… na uutal ako… kinakabahan…

“Busy lang kasi ako.  Dami kong gawain sa bahay… Tapos dami kong assignment sa school basta nandito na pala ang ride ko.  Next time na lang. Bye bro.”

Bakit ganun habang kimakausap ko sya bumibulis ang tibok ng puso parang ayaw mag pa awat.  Sa totoo lang ayaw ko syang iniiwasan… nalulungkot ako pag di ko sya makasama.  Nash naman kasi ano ba ginawa mo sa akin.  Di ko naiintindihan.  Pag kasama kita kinakabahan ako.  Pero pag di naman kita kasama, hinahanap kita.  Parang ang gulo.  Ewan ko.

Nakaka-overwhelmed pag bukas ko ng twitter, ang daming mentions at new tweets.  Sa sobrang dami nag scroll down lang ako, pero napahinto ako yun na kita ko ang name ni Nash.  Parang automatic na lang.

Pag kita ko ng name nya bigla lang akong na lungkot parang tinutusok ang puso ng madaming karayum.   Bakit ba ako nalulungkot, eh nag uusap lang naman sila ni Alexa.  Friends naman sila ni Alexa.   Nag seselos ba ako kay Alexa?  Hindi pwede.  Hindi ko naman gusto si Nash ng ganun.  Ano ba Shar!  Di ka pwede mag ka gusto kay Nash.  Bestfriend mo sya.  Masisira lang ang friendship nyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon