Ang Simula

15.5K 208 17
                                    

A NOVEL by ketchupprince: "Faded Memories"


Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kasaysayang nakalathala rito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda.

Ang anumang bahagi o kabuuan ng istoryang ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng kinauukulan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you PinkyDemon for making the book cover of this story.


FADED MEMORIES - Simula

Madaling araw na nang mapagdesisyonan namin ni lolo na lumuwas ng karatig bayan upang ideliver ang mga naharvest naming mga gulay para ibenta sa mga tindera doon.

Pahikab-hikab pa 'ko nang pinagbuksan ako ni lolo sa mejo nangangalawang na naming pick up.

Pagbukas nya ng pintuan ay walang gana akong umupo sa passenger's seat. Sya naman ay umikot upang umupo naman sa may driver's seat upang magsimula nang mag-drive.

"Sabi ko naman sa 'yo apo na ako nalang ang magde-deliver sa palengke hindi ba? Tignan mo, putol ulit ang tulog mo, dahil pinili mong samahan ako," utas ni lolo habang ini-start nya ang engine ng sasakyan.

Kinusot ko ang mga mata ko bago ko sya sinagot. "Lo, kailangan nyo po kasi ng makakatulong, di ba?" sagot ko. Umiling sya. "Mana ka talaga sa papa mo," sabi nya, pagkatapos nun ay sinimulan nya na ang pagda-drive.

Ayan si lolo Arthur, sya na ang nagpalaki sa 'kin, magsimula ng mamatay ang mga magulang ko. Ulilang lubos na kasi ako.

Ang mama ko ay namatay pagkatapos nya kong ipanganak kaya nga hindi ko na sya nasilayan e, tanging sa mga litrato nya na lang ko sya nakita. At si papa naman ay, namatay noong tatlong taon gulang pa lamang ako. Namatay sya dahil sa isang vehicular accident. Kaya eto, si lolo nalang ang naging kaagapay ko sa buhay.

Simple lang naman ang buhay namin dito sa Paradise Villa, hindi mayaman, hindi din naman mahirap. Yung sakto lang.(Simpleng buhay ba) Kasi may pinagkukunan namin kami ng hanap buhay e. Yun nga ay yung maliit na farm namin. Nagtatanim kami ng mga iba't-ibang gulay don, at pagkatapos ay binebenta namin sa mga palengke.

Buong byahe ay nakairap lang ako sa labas, animo'y napakalalim ng iniisip.

Three-thirty na ng madaling araw nang makarating kami sa palengke.

"Nandito na tayo." Sabi ni lolo habang kinakalas nya ang kanyang seat belt.

Ganun din ang ginawa ko. Mabilis ko ding kinalas ang seat belt ko, at nagmamadali na 'kong lumabas.

Pagkalabas palang namin ay dinumog na agad kami ng mga tindera, na tila nagkukumahog nang bumili. As always palagi naman pala silang ganito, dahil gustong-gusto nila ang mga tinda namin, maliban sa mura na fresh pa.

"Oh easy lang po kayo!" Natatawang sambit ko sa mga tinderang nagsilapitan sa 'min. Natawa naman si lolo at nagsimula na nyang papilahin ang mga tindera.

Pagkatapos ay tinulungan ko syang magbuhat ng mga box na ang laman ay mga gulay.

Nagsimula na ang bentahan, kaya naging aligagang-aligaga ang lahat, syempre ganun din ako.. Todo lista ako, sa mga nabebenta.

Lumipas ang tatlumpung-minuto, nalimas kaagad ang mga paninda namin kaya, laking tuwa namin ni lolo.

"Ang galing sold out agad!" Maligayang sabi ni lolo.

Faded MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon