Lesson 24

45.1K 355 147
                                    

Lesson 24

More

Okay, so because of what happened earlier I felt awkward lalo na nang inutusan niya akong maghugas ng pinggan. Dumiretso siya sa sala at pagkabukas na pagkabukas ng TV tumambad ang National Geographic Channel. Guess what is being featured?

A lion and a lioness mating. Nice.

Agad niyang pinatay ang telebisyon at pabagsak na humiga sa sofa. Dinig ko mula sa kusina ang malakas na pagbuntong-hininga niya.

"May huhugasan ka pa 'di ba?" sabi niya habang nakatayo ako sa pwesto ko.

"I don't want to wash these," protesta ko. "Ikaw maghugas nito." Hinugasan ko ang mga kamay ko at ipinunas sa hand towel. Padabog akong nagmartsa papunta sa kwarto namin. I opened my closet and chose an outfit. I should go out to shoo the tension.

I wrapped a towel around my torso and rolled my hair with another towel after taking a bath. Pagkalabas ko ng banyo, naabutan kong nakahiga sa kama si RR habang nakapailalim ang mga kamay niya sa ulo niya. Tiningnan lang niya ako nang matagal mula ulo hanggang paa.

"So you are really going outside?"

"Why do you think I prepared this type of clothing?" sabay ngumuso ako sa mga pang-alis na damit na nakapatong sa kama.

He just gave a sigh and walked past me towards the bathroom. He was about to close the door when he noticed my confused look. "Baka gusto mong tumabi?" sabi niya. 

"Excuse me?!" angal ko.

"I'm gonna take a bath. Alis na diyan," sabay tango ng ulo niya papunta sa direksyon ng mga damit ko sa kama. "Unless you want to join me here." And the devil smirked.

"In your dreams! Ang kapal ng mukh-" I was about to hit him when he quickly closed the door. "Hey! I'm gonna shop! Ayokong kasama ka!" But I guess my protest was too late as I heard the shower running.

After ten minutes or so I was done dressing. All I have to do is to put on  some make-up. Habang naglalagay na ako ng foundation sa mukha ko ay bumukas ang pinto sa CR at lumabas si Adonis - este RR. His lower half is wrapped in a towel. Nakatitig lang ako sa mga butil ng tubig na tumutulo mula sa kanyang buhok pababa sa leeg, sa dibdib, sa abs, at sa -

"Care to wipe your drool?" nakangisi lang siya habang kinukuskos ng isa pang mas maliit na towel ang buhok niya.

"Asa," angil ko sa kanya pero palihim ko ring tiningnan sa salamin baka sakaling may laway nga.

"So saan ka magshshop?"

"Anywhere without you."

"Woah, sasamahan na kita ayaw mo pa?"

"You'll just annoy me and besides it's a girl stuff. You'll be bored to hell."

"Nah, it's boring here without you. Walang noise."

"Ugh, fine. Basta bahala ka ah. Don't disturb me while shopping," sabi ko na lang sa kanya. I hope my head won't ache later considering na I'm going to the mall with him. I don't even know if he has the patience to bear me. Alam ko namang naiinis siya sa ugali ko.

"Yah, just shop. Do your thing. I'll just walk behind you."

* * *

"Seriously? What are we doing here?" sambit niya nang sinundan niya ako papasok sa isang nail salon. Dumiretso agad kami rito pagkatapos niyang magpark.

"Isn't it obvious, I'll have mani and pedi?" nilingon ko siya bago kausapin ang crew sa likod ng counter.

"But your fingernails still look okay?"

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon