PUBLISHED UNDER LE SORELLE PUBLISHING

PRICE

BOOK 1: PHP 210

BOOK 2: PHP 210

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BOOK 2: PHP 210

PM Le Sorelle Publishing's or F & A Bookshop's page for order

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PM Le Sorelle Publishing's or F & A Bookshop's page for order

Le Sorelle Publishing: https://facebook.com/thelesorellepublishing/

F & A Bookshop: https://web.facebook.com/FandABookshop/

------

April 23, 2013

------

Prologue:

Aling school na naman kaya ang pag-eenrollan ko?! First day of school  pa lang kick-out na ko! Aba! Nanuntok lang naman ako ng principal eh! Masama ba 'yun? Psh. >___>

Pilit niya kasing pinatatanggal ang stud ko sa tenga at pinapaayos ang uniform kong bukas ang tatlong butones at maluwang na necktie. Tapos nilait-lait pa ang buhok ko! Kesyo daw bakit daw brown at ang haba pa! Hindi ko daw sinusunod ang rules ng school nila. Dinaig pa niya ang babae sa pagtalak. Eh napikon ako. Sinuntok ko. Tumalsik tuloy yung pustiso niya. Kadiri. -___-

Kinuha ko ang isang stick ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan ito. Palagi na lang akong nakikick out, kundi first day, mga ilang araw lang kick out na agad ako. Bukod sa nanununtok, nakakapanira din ako ng gamit. Masama kasi akong magalit eh. Nakakasira ako ng gamit. >__>

Naglalakad ako ngayon sa kawalan, hindi ko na alam ang paglalagayan ko. 18 years old na ako pero 4th year high school pa rin ako. Lagi kasi akong nakikick-out. Pero hindi naman 'to big deal sakin kasi sanay na ako at gusto ko pa din namang pumasok. Lagi kasi akong may baon eh. >:D

"Ano naman kaya ang ipapalusot ko sa tanders na 'yun?" bulong ko sa sarili ko. Panigurado mag-aaway na naman kami ng tatay ko. Tss.

"Hoy! Psst!" sino ba 'yun? Hindi ako tumigil sa paglalakad. Hindi Hoy! Psst! ang pangalan ko. -___-

"HOOOOY!" sigaw nung kung sinomang hinayupak pero hindi ko pa rin pinansin. Baka naman hindi ako ang tinatawag masabihan pa akong assuming...

"PRIMITIVO LERMAN RAQUES!! HOY!!"

O____O!!!

ANAK NG @#^&^*%! Napalingon ako sa paligid kung sino ang nagsigawan sa pangalan kong mas mabaho pa sa septic tank! Ampota! IVO ang itawag niyo sakin! Kapag narinig ko kayong tinawag niya akong PRIMITIVO mapapatay ko talaga kayo! Ambaho-baho talaga ng Primitivo. Tsh...

"G@GO KANG @+$&@%^&$*@!! SINO KA?! PANO MO NALAMAN ANG PANGALAN KO?!" lumigon ulit ako sa paligid pero wala namang tao. Maya-maya pa ay may narinig akong parang bumubulusok pababa. Napatingin ako sa itaas at may kung anong papatak...

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung ano yung pumapatak...

Isang tao...

Naglanding siya sa harap ko pero...

*BLAG!*


Plakda sa lupa. Una mukha. -___-

"A-Aray..." dahan-dahan siyang tumayo, pinagpagan niya ang sarili niya at nag-unat. Nang matapos siya ay ngumiti siya sakin. Lalake siya...

"Ikaw ba 'yung tumawag sa buo kong pangalan?!" +___+

"Hehehe. Ako nga" hinawakan ko ang kwelyo niya... "Pero t-teka! Hindi away ang gusto ko! E-Eto...gusto ko 'tong ibigay sayo" binitiwan ko na siya at kinuha ang papel na hawak niya. Isang flyer.

Enrollment in Rosario Academy is still ongoing!

For more information. Please call us at: 09*********

ENROLL NOW!


Pinagmasdan ko ang flyer. Simpleng papel lamang naman ito at parang hand-writing pa. Dapat hindi na binigay nung...TEKA?! ASAN KA 'YUN?! Aish. Yae na nga. Bigla na lang nawala yung lalake. Sino kaya yung lalakeng 'yun? Bumagsak galing sa lupa plus nawala ng parang bula equals pakshet, ang weird. -___-

Teka...galing kong mag-addition no? ^O^

Itinupi ko na lang 'yung flyer at nilagay sa bulsa ko. Walang ibang impormasyon tungkol sa school na nalagay sa flyer pero subukan ko kaya? Wala namang masama eh.

Rosario Academy huh? Di ba parang ang weird naman ata ng pangalan ng school na 'yun? -___-

 ----

Lei/shinkumi's Note: Ipinost ko muna itong prologue baka kasi mawala sa isip ko. Matagal na itong nakasulat at matagal na din yung video ngayon ko lang naipost. Baka itutuloy ko ito pagkatapos ng The Perverted Vampire kaya prologue lang muna. :) Siguro kapag nangangalahati na ang TPV tsaka ko ito sisimulan kaya sana masuportahan niyo siya kagaya ng TPV. :)))

Romance, Vampire at Humor ang genre nito. Puro kalokohan ito kaya beware. XD May action din ito kagaya ng TPV. :)) Ang pinagkaiba lang ay murahan to the max at gaguhan ang meron sa story na 'ti. Well, gago-gago ang author eh kaya wag na kayong magtaka. XD

Pasensya na sa video. I'm not a pro in making one kaya pagtiyagaan niyo na. XD

Rosario Academy (PUBLISHED UNDER LE SORELLE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!